Chapter 63: Do It Together

156 7 0
                                    

Josef

                Sa sobrang pagkainip ko ay lumabas na ako ng kotse. Alam ko namang p’wede siyang matagalan sa loob, pero tagal na tagal na talaga ako. Ano na kaya ang napag-usapan nila? Hindi kaya na-realize na ni Cheska na si Kaizer talaga ang gusto niya. 'Wag naman sana. Ito ang kinakatakot ko, eh. Kaya ayaw kong magkita sila ulit. Baka magbago pa ang nararamdaman ni Cheska para sa akin.

                Halos paikot-ikot na ako dito sa parking lot. Iba na rin ang tingin sa akin ng mga pulis. Hindi na nga ako magtataka kung bigla na lang nila akong huhulihin dahil iniisip nilang may binabalak akong masama. Inip na inip na talaga ako. Gusto ko nang pumasok sa loob, pero alam kong hindi p’wede. Kailangan ko talagang maghintay. Maghintay kay Cheska at sa sasabihin niya.

                Napasandal na lang ako sa kotse ko. Hindi maalis ang tingin ko kung saan pumasok si Cheska. Alam ko kasi na do’n lang siya lalabas. Habang tinitingnan ko ang mga taong labas-pasok sa entrance, napansin ko na si Cheska. Nagkatinginan kaming dalawa at para bang nabunutan ako ng tinik sa dibdib. Ang ikinagulat ko lang ay ang bigla niyang pagtakbo pabalik sa loob.

                “No!” sigaw ko. At natagpuan ko na lang ang sarili kong tumatakbo papunta kay Cheska.

                Ilang pulis ang humarang sa akin, pero hindi nila ako napigilan. Nakita kong pumasok sa isang kwarto si Cheska. Masyado nang marami ang nakakita sa akin kaya marami na silang nakaharang. Hindi ko na nasundan sa loob si Cheska, pero naiwan niyang bukas ang pinto. Nakita ko si Kaizer at naramdaman ko na lang ang pagkulo ng dugo ko. Magkaharap na naman silang dalawa. Hindi pa rin bumabalik sa loob ng kulungan si Kaizer. Hindi kaya alam niyang babalikan siya ni Cheska? 'Wag naman sana.

                “Kaizer, I just want you to know that...” No, Cheska. “There’s someone—”

                Napansin kong  napatingin sa akin si Kaizer. “Does he make you laugh?” pagpuputol sa kanya ni Kaizer.

                “He doesn’t make me cry,” rinig kong sagot ni Cheska.

                “Okay. Is it him?” tanong ni Kaizer.

                Marami ang nakahawak sa akin kaya hindi ko sila malapitan. Napatingin sa akin si Cheska at nakita ko kung paano siya nagulat nang malaman niyang sinundan ko siya. Binawi niya ang tingin niya sa akin at hinarap na naman niya si Kaizer.

                “I love him, K, and I think, this time, it’s real.” Nilingon na naman ako ni Cheska. This time, nakangiti na siya sa akin. “Thank you for being part of my life, Kaizer.” Hinawakan niya lang sa kanang pisngi si Kaizer bago siya lumabas ng kwarto para lapitan ako.

                Nang malaman ng mga pulis na magkasama kami, binitiwan na nila ako. Nakahinga na ako nang maluwag dahil wala na akong dapat ikatakot pa. Nagpaalam lang si Cheska sa lawyer ni Ate Faye bago kami lumabas papunta sa parking lot. Hindi ko masabing ang awkward ng sitwasyon namin ngayon. Hindi lang ako makapagsalita dahil hindi ako makapaniwala sa narinig ko.

                Pagbubuksan ko na sana ng pinto si Cheska nang mapansin kong huminto siya sa paglalakad. “You’re not going to run again, are you?” tanong ko habang nakatalikod ako sa kanya. Kasi kung tatakbo siya ulit pabalik sa loob, ayaw ko nang tingnan.

                “No. Not anymore.” Naramdaman ko na lang ay pagyakap niya sa akin mula sa likod. “Thank you for waiting. It did take time, but now, I figured it out. I love you, Josef,” sabi niya.

Love Hate: By Your SideWhere stories live. Discover now