Chapter 43: Go To Hell

126 8 1
                                    

Josef

                Bago pa tuluyang bumagsak sa sahig si Cheska ay nasalo ko na siya. What we’re witnessing right now is a very heart-breaking scene. Gusto ko na ring maiyak, pero alam kong wala namang magbabago kahit gaano pa karaming luha ang ilabas ko. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman ngayon. Awa ba para kay Ate Faye o galit para sa taong gumawa nito?

                “Josef,” pagtawag sa akin ng kapatid ko. Wala pa rin siyang pinapakitang kahit anong emosyon at alam kong hindi magandang sign iyon.

                Sinenyasan ko muna si Karl na siya muna ang bahala sa kapatid niya. Kaagad naman niyang inalalayan si Cheska. Nilapitan ko na si Kuya. Yakap-yakap niya pa rin si Ate Faye. Alam ko kung gaano kasakit para sa kanilang dalawa 'to, pero wala talaga akong maisip na p’wedeng gawin.

                “Take her to the hospital,” sabi niya at saka siya tumayo. “Give me your keys.” Napaisip muna ako bago ko inabot sa kanya ang susi ng kotse ko. Pinigilan siya ni Ate Faye, pero nagmatigas siya. Hindi ko na alam kung ano ang iniisip niya ngayon.

                “Ate Faye.” Nilapitan ko siya para yakapin. “I’m sorry,” bulong ko sa kanya.

                Nagulat na lang kaming lahat nang biglang tumakbo palabas si Kuya Froi. Pinigilan siya ni Karl, pero itinulak lang siya nang malaks nito. Lumakas ang iyak ni Ate Faye kaya hindi na ako nakaalis sa tabi niya para pigilan ang kapatid ko sa kung ano man ang binabalak niya.

                “Cheska, listen,” sabi ni Karl sa kapatid niya. “I need you to call 911 and tell them what happened.” Inabot niya sa kapatid niya ang phone niya.

                “Don’t leave,” sagot sa kanya ni Cheska.

                “If I don’t, Froi will end up killing somebody and you don’t want that somebody to be killed.” Napatingin sa akin si Karl. Alam kong may gusto siyang sabihin at naintindihan ko naman kung ano iyon. Nalipat ang atensyon niya kay Ate Faye. “I’ll stop him, okay? Everything’s gonna be alright,” sabi ni Karl bago siya lumabas ng kwarto.

...

                Pagkarating namin sa hospital ay kaagad na ginamot ang mga sugat ni Ate Faye. May ginawa ring mga test para malaman kung may major injury siya. Dahil sa sobrang sakit at pagod sa pag-iyak, nakatulog na rin siya nang mahigpit. Dumating naman kaagad ang parents niya, pati si Kuya Ian. Natakot akong harapin sila dahil hindi ako sigurado kung ano ba ang dapat sabihin. Bago ko sila kinausap ay pina-assist ko muna sa isang nurse si Cheska para ma-check kung okay lang siya. Ayaw ko rin kasing marinig pa niya ang paliwanag ko sa pamilya ni Ate Faye.

                Hinanap nila kaagad si Kuya, pero hindi ko sila nasagot dahil kahit ako ay walang alam kung nasaan na ang kapatid ko ngayon. Alam kong may galit silang nararamdaman sa kapatid ko. Gusto ko sanang sabihin na hindi naman ginusto ng kapatid ko ang nangyari kaya walang dahilan para magalit sila sa kanya. Siguro nga’t kahit papaano ay obligasyon ni Kuya Froi ang protektahan si Ate Faye, pero hindi naman kasi talaga namin inaasahang mangyayari ang ganitong bagay.

                Naisipan kong puntahan muna si Cheska sa kwarto kung saan siya nagpapahinga. Simula kanina ay hindi pa niya pinupuntahan ang best friend niya. Halata namang hindi niya kayang harapin si Ate Faye. Wala siyang ginawang mali, pero mukhang nagi-guilty siya sa nangyari. Naawa tuloy ako sa kanya. Pagkapasok ko sa kwarto niya ay nakita kong tahimik lang siyang nakaupo sa gilid ng kama.

Love Hate: By Your SideWhere stories live. Discover now