Chapter 16: Shut Your Mouth

217 16 1
                                    

Cheska

                Tuloy lang kami sa pagsasayaw. Nag-e-enjoy naman ako at mukha nag-e-enjoy rin itong kasayaw ko. Ni-hindi ko pa nga alam kung ano ang pangalan niya, pero mukhang hindi naman nagkakalayo ang age namin. Napapatingin ako kay Millicent. Hindi naman siya nag-e-entertain ng lalaking gustong makipagsayaw sa kanya. Hindi ko talaga alam ang mangyayari kapag nalaman ni Froi ang tungkol dito. I’ll be dead. We’ll be dead. For sure.

                Kung marami na ang tao kanina no’ng dumating kami, mas dumami pa yata ngayon. Ayaw ko pa naman ng masyadong crowded. Kaya mas gusto namin na sa bahay lang kami nagpa-party, eh. Hindi ko alam kung magsisisi ba akong nagpunta kami dito o ano. Whatever. Ginusto ko naman 'to. Sayang naman kung uuwi lang kami kaagad. Eh, wala pa nga akong nakikilalang lalaki.

                “I’m Jay,” sabi sa akin ng lalaking kasayaw ko. Lumapit talaga siya sa akin para marinig ko siya.

                “Cheska,” medyo pasigaw na sagot ko. “What’s up?”

                “Familiar with Dwight?” he asked in my ears.

                Dwight? Is he talking about Froi? “Why?” tanong ko rin. Ayaw ko namang magbigay ng information sa taong hindi ko naman kilala. Baka mapaano pa kami dito.

                “I’d take it as yes,” nakangiting sabi niya.

                Umatras siya ng kaunti at saka ko lang natitigan ang mukha niya nang tumama ang spot light sa kanya. “Jay, right?” At tumango siya. He seems familiar at kilala niya si Dwight. “Jay, the top model?” hindi makapaniwalang tanong ko pa.

                “Formerly,” pagtatama niya sa akin. Tama, si Froi na nga pala ang top model ngayon. “You alone tonight?”

                Umiling ako. “Nope. I’m with my friend... s.” Nakalimutan kong kasama rin pala namin si Josef. Baka sabihin niya hindi ko siya sinasali.

                Ang pagkakalaam ko ay hindi naman talaga close si Dwight at si Jay kaya hindi ko alam kung paano niya nalaman na kilala ko si Dwight. Spy ba 'to? Secret agent? Ang creepy, ha. At alam ko rin na never pa kaming nagkita. Sa magazines ko lang naman siya madalas makita at minsan sa mga Facebook page na rin. Famous siya dati, hindi ko alam kung bakit bumaba ang level niya. I assumed it was because of our friend.

                “I just realized how pretty you are,” he said, trying to flirt with me. He’s quite hot, no doubt, but I wasn’t sure if he’s the right guy to mess with.

                “Thanks.” Maybe if he keeps saying sweet words, baka patulan ko pa siya. Pero, dahil hindi naman kami close, I have to act like hard to get.

                Nagulat na lang ako nang biglang may humawak sa balikat ko. Muntik na ako mag-panic. Buti na lang at si Millicent siya. Ayaw ko pa naman ng bigla-bigla na lang akong hinahawakan. “Hey,” bati ko sa best friend kong mukhang mas nag-e-enjoy pa kaysa sa akin.

                “Having fun?” bulong niya sa akin.

                Hindi ko alam kung bulag ba siya o hindi lang talaga niya napansin ang lalaking kaharap ko. “Millicent, this is Jay,” pakilala ko at saka lang niya tiningnan si Jay. “Jay, this is Millicent,” sabi ko pa.

                “Jay?” nagtatakang tanong ni Millicent. “Sounds familiar.”

                “He’s a model too,” bulong ko kay Millicent. Ayaw ko namang banggitin na si Jay ang karibal ni Froi sa modelling industry, pero alam ko namang hindi nakikipag-compete ang kaibigan ko.

Love Hate: By Your SideWhere stories live. Discover now