Chapter 29: Long Messages

159 9 1
                                    

Cheska

                Habang abala sa pagkukwentuhan ang mga kaibigan ko sa loob, lumabas muna ako para magpahangin. Iniwan ko muna si Kaizer para naman hindi siya masanay na lagi akong kasama sa tuwing kaharap niya ang mga kaibigan ko. Gusto kong magkakilala pa sila lalo. Alam kong hindi magtatagal, matatanggap na talaga nila si Kaizer.

                Palabas palang ako ng restaurant ay nakita ko na kaagad ang likod ni Josef. Kaya pala MIA siya. Nandito siya sa labas at pinagmamasdan ang bagong kotse niya. Alam ko naman ang pakiramdam kapag may bagong kotse. Minsan ko na rin naman pinasakit ang ulo ng parents ko para bigyan ako ng sasakyan. Sabi kasi nila Daddy, dapat si Karl muna dahil siya ang panganay at lalaki siya. Syempre, hindi ako pumayag. Kailangan ako rin kaya kinulit ko nang kinulit ang magulang ko.

                “Ngiting tagumpay, ha,” biro ko. Halatang nagulat siya nang marinig niya ako kaya magkasalubong ang kilay niya nang harapin niya ako. “Sorry. Nakakaistorbo yata ako.” Naglakad na ako ulit papasok sa loob.

                “Teka lang,” pagtawag niya sa akin. “Hindi ba p’wedeng nagulat lang ako?”

                Naglakad na ako para lapitan siya. “Trust me. I know the feeling,” nakangiting sabi ko habang pareho kaming nakatingin sa kotse niya.

                “Hindi lang ako makapaniwala. Parang hindi ko naman kasi deserve ang bigyan ng ganitong klaseng regalo. Si Kuya Froi ang may birthday kaya alam kong dapat siyang bigyan ng ganito. Pero, ako?” Napailing-iling na lang siya. “Hindi ko alam kung dapat ko ba 'tong tanggapin,” dugtong pa niya.

                “Don’t say that. Siguro binigay lang iyan ng Daddy niyo dahil sa mata niya ang pantay lang kayong dalawa ni Froi. Saka, malamang naman sa alam niyang kailangan niyong dalawa 'yan. Hindi naman kayo bibigyan niyan para lang ipaalam sa inyo na mayaman siya at nag-uubos siya ng pera. May purpose 'yan at para iyon sa ikabubuti niyong dalawa,” paliwanag ko. Hindi ko talaga alam kung saan nanggagaling ang mga lumalabas sa bibig ko.

                “Wow. Si Cheska ka ba?” natatawang tanong niya.

                Napalo ko tuloy siya sa balikat. “Puro ka kalokohan.” Bigla kong naalala 'yung sinabi niya. “Wait. Tama ba? Cheska na lang ang tawag mo sa akin?” tanong ko.

                “P’wede ko namang bawiin.”

                “Ikaw ang bahala.” Wala naman akong magagawa kung Ate Cheska o Cheska ang gusto niyang itawag sa akin. Ayaw ko na siyang kontrahin dahil baka kung ano pa ang mangyari. Natuto na ako.

                Hindi na siya kumibo. Siguro naisip na niyang ayaw kong makipagtalo sa kanya. Hindi na ako makikipagtalo sa kanya dahil alam kong may magtatanggol na sa akin. Alam kong nagkainitan na dati si Josef at Kaizer at hindi malabong maulit iyon. Lalo na’t magaling mang-provoke ang kapatid ni Froi.

                Napansin kong may nilalaro si Josef sa kamay niya. Tinitigan ko iyong mabuti at nakita kong susi ang hawak niya. Susi siguro ng kotse niya. Ano kaya ang iniisip niya ngayon? Bigla kasi siyang natahimik, eh. Iniisip pa rin kaya niya na hindi niya deserve ang magkaroon ng kotse? Baka nga kung si Froi lang binigyan ng kotse ay ibigay pa niya iyon sa kapatid niya. Gano’n kabait ang kaibigan ko.

                “Hindi mo ba ite-test drive ang kotse mo?” tanong ko.

                “I’m planning.”

Love Hate: By Your SideWhere stories live. Discover now