Chapter 37: Lock the Door

185 6 0
                                    

Josef

                “You sure she’s okay?” nag-aalalang tanong ni Lenard habang nagda-drive siya.

                “Maybe,” tanging sagot ko.

                Nang hindi kaagad tumigil sa pag-iyak si Cheska, naisipan ko na siyang buhatin pa punta sa parking lot. Nagulat si Lenard nang makita niya akong papalapit sa kotse niya. Hindi ko pa nasasabi sa kanya ang buong kwento dahil alam kong ayaw nang maalala ni Cheska ang nangyari. Hindi pa rin naman ako sure kung ano talaga ang nangyari sa kanya. Hindi ko pa rin kasi siya nakakausap. Lalo na ngayong natutulog siya habang nakasandal sa balikat ko. Napagod siya kakaiyak kanina kaya no’ng naramdaman kong nakasandal na siya sa akin, hindi na ako pumalag.

                “Shouldn’t we be taking her to the hospital?” tanong pa ulit ni Lenard.

                “No. She wouldn’t like that.” Alam ko naman kung ano ang estado ng buhay ni Cheska at kung kaninong anak siya. Hindi ko rin alam kung dapat ko ba talaga siyang iuwi na lang imbis na dalhin sa hospital dahil alam ko namang na-trauma talaga siya sa nangyari sa kanya.

                Nagulat ako nang biglang huminto sa isang tabi si Lenard. “How about her brother?” tanong niya. “Sasabihin mo ba sa kanya ang nangyari sa kapatid niya?”

                “Don’t say a word, Josef.” Muntik na akong mapatalon nang magsalita si Cheska. “You don’t know what he’ll do kapag nalaman niya ang tungkol sa nangyari,” sabi niya.

                “Okay,” mahinang sagot ko.

Sinenyasan ko na si Lenard na mag-drive na ulit. Hindi naman dumilat kanina si Cheska at hindi naman niya inalis ang ulo niya sa balikat ko. Hindi siya tulog. Gusto niya lang magpahinga. I will let her. Sha had too much today. Mas mabuti kung hindi ko muna sasabihin sa kanya ang nakita ko. Ayaw kong madagdagan pa ang nararamdaman niyang takot ngayon. Alam kong after nito, hindi na niya aaminin sa akin na natakot siya. After nito, babalik na siya sa dating Cheska.

Nagdadalawang-isip ako kung dapat ko bang sundin si Cheska o gawin ko ang trabaho ko? Alam kong may rules na binigay sa akin si Cheska, pero hindi naman p’wedeng lagi ko iyong sundin. Hindi rin naman ako sure kung ano ang magiging reaksyon ni Karl kapag nalaman niya ang tungkol dito. Alam kong magagalit siya, pero hindi ko alam kung ano ang p’wede niyang gawin.

Tinuro ko na kay Lenard ang bahay nila Cheska at kaagad naman siyang nag-park sa harap no’n. Naramdaman ni Cheska na huminto na kami kaya walang anu-ano ay bumaba na siya ng kotse ni Lenard. Hindi ko alam kung dapat ko na ba siyang hayaan o kailangan ko pa siyang sundan para makasiguradong okay na siya. Napatingin ako sa bintana at nakita kong papasok na ng gate si Cheska.

“Stay here,” sabi ko kay Lenard at saka ako bumaba ng kotse niya. “Wait!” pagtawag ko kay Cheska.

Huminto siya at saka niya ako nilingon. “Wanna stay for dinner?” nakangiting tanong niya sa akin. Right. Cheska is back. She’s back in pretending that she’s okay. Hindi ba niya alam na hindi niya kailangang magpanggap na okay lang siya lagi? Bakit hindi niya maisip na okay lang na maging mahina paminsan-minsan?

“I’m right behind you,” sagot ko, pero hindi ko binalik ang ngiting binigay niya sa akin. Tumalikod ako para balikan si Lenard. Ayaw ko naman siyang iwan habang kumakain ako sa loob. Pagkalapit ko sa kotse ay binuksan ko ang pinto ng passenger seat. “Let’s go,” aya ko sa kanya.

“Okay, get in,” aya rin niya sa akin. Mukhang hindi niya na-gets ang sinabi ko. Tiningnan ko siya nang masama at parang no’n lang nag-sink-in ang sinabi ko. “Hell, yes.” Halatang na-excite siyang bumaba ng kotse.

Love Hate: By Your SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon