Chapter 4: Trying To Protect You

355 17 1
                                    

Cheska

                Dahil sa magaling kong kapatid, hindi na natuloy ang much-awaited date ko with K. Heto ako, umuwing luhaan. Erase. Erase. Umuwi akong inis na inis sa kapatid ko. Naubusan na ako ng palusot at wala na akong gagamitin sa susunod. Bakit ba kasi pinapakialaman niya ang lovelife ko? Eh, hindi ko naman pinapakialamanan 'yung sa kanya. Wala nga akong pakialam kung may nilalandi man siya o wala, eh. Samantalang ako, crush lang, kung maka-react siya parang magpapakasal na ako. Tsk. I just don’t get his point.

                “Bukas sa akin ka na sumabay. 'Wag ka na magdala ng kotse,” sabi niya sa akin habang nagbabasa siya ng magazine.

                “Maaga ang pasok ko bukas.” So, ano ang gusto niyang iparating ngayon? Isasabay na niya ako lagi para alam niya kung ano ang ginagawa ko? Sana hindi ko na lang siya naging kapatid. Sana naging bodyguard ko na lang siya.

                “May practice naman kami ng umaga. And don’t ever dare to text K again or else...”

                “Or else what? Kukunin mo ang phone ko? Karl, I’m not a kid anymore!” bulyaw ko sa kanya.

                “I’m not saying you are. I’m trying to protect you,” mahinahong sagot niya. “I’m your brother whether you like it or not.”

                “You’re the worst,” hindi makapaniwalang sabi ko. Hindi ko naman sinasabi na ayaw ko siyang maging Kuya, pero hindi ko talaga ma-gets kung bakit ganito na lang siya ka-protective sa akin.

                “You asked me what I know about being good, right? I know nothing. So, stay away from him.”

                Hindi na niya ako hinintay pang makasagot. Ibinaba na lang niya sa sofa 'yung hawak niyang magazine at saka siya nagmartsa paakyat sa taas. Napairap na lang ako dahil sa pag-walkout na ginawa niya. Hindi ba p’wedeng ipaliwanag na lang niya sa akin kung bakit galit na galit siya kay Kaizer, eh sobrang close naman sila kapag naglalaro sila. Lagi na lang niyang sinasabi na playboy ang teammate niya. Natural lang naman na maraming magkagusto do’n dahil varsity player siya. Gano’n din naman si Karl, eh. Marami rin naman ang nagkakagusto sa kanya. If I know, marami rin siyang gustong babae. Psh.

                Nakakainis! Hindi ko pa natanong kung ano ang dinner namin. Nagugutom pa naman ako. Ako na nga lang ang magde-decide kung ano ang ipapaluto kaysa naman isipin ko nang isipin ang nag-iinarte kong kapatid. Magugutom lang ako dahil sa kanya.

                Tumayo na ako at saka ako nagpunta sa kusina para kausapin 'yung maid namin. Nagpaluto na lang ako sa kanya ng sinigang na baboy. Dagdag asim sa mukha ni Karl. Bumalik na ako sa salas para manood ng TVD. Nagpasukan na lahat-lahat hindi ko pa rin tapos ito. Tapos na ang Season Five, pero nasa Season Two pa rin ako. Kumusta naman iyon? Kung hindi lang talaga dakilang spoiler si Millicent, hindi ko na ipagpapatuloy ang panonood nito. Plus, ninakaw na ni Damon ang puso ko.

                Nasa kalagitnaan na ako ng episode seven nang tawagin ako ng maid namin para sabihing ready na ang dinner. Nagdadalawang-isip pa ako kung ako ba ang tatawag kay Karl o ipapatawag ko siya sa maid namin? O 'wag na lang siyang mag-dinner? Ano ba talaga, Cheska?

                Pero, hindi pa rin ako nakatiis. Dinala pa rin ako ng dalawang paa ko sa hagdan namin papunta sa kwarto ni Karl. Bago ako kumatok, dinikit ko muna ang tenga ko sa pinto para pakinggan kung ano ba ang ginagawa niya. “What the fuck?” Napalayo na lang ako sa mahiwagang pinto niya nang makarinig ako ng hindi kanais-nais na sound ng babae.

Love Hate: By Your SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon