Chapter 2: Boy Hunting

515 20 1
                                    

Cheska

                Sa dami-rami naman ng p’wedeng maging kapatid nitong si Froi bakit ito pang lalaki na 'to. Excited pa man din akong makilala siya dahil hindi nga namin alam na may kapatid siya. Nalaman lang namin ang tungkol sa kanya no’ng nawala si Froi. Kung hindi pa nga dahil kay Millicent, hindi pa namin malalaman na may kapatid ang friend naming si Froi.

                “Magkakilala kayo?” nagtatakang tanong ni Karl habang nakatingin kami sa kapatid ni Froi.

                “Unfortunately,” inis na sabi ko.

                “Huh? Paano kayo nagkakilala?” tanong din ni Froi.

                Hindi nga pala alam ni Froi 'yung nangyari. “Siya lang naman 'yung nakatama ng bola sa kotse ko. Hindi man lang siya nag-sorry.” Sabay irap ko.

                “Bakit hindi ko yata alam ang tungkol do’n, Josef?” tanong ni Froi sa kapatid. “You didn’t tell me you met her.”

                “Hindi ko naman sinasadyang matamaan ng bola 'yung kotse niyang nakaharang sa daan. Saka, hindi ko alam na kaibigan mo siya. Akala ko nga, girlfriend mo siya, eh,” sagot pa no’ng Josef.

                “Girlfriend?” gulat na tanong ni Millicent.

                “Easy, girl. Nagpunta lang ako sa bahay nila dahil may kailangan akong ibigay. 'Yun lang 'yun.” Para namang type ko si Froi. Duh. Napaka-possesive talaga nilang dalawa sa isa’t isa. Dapat talaga hindi ko p-in-ush ang FroiCent, eh.

                Nang mapakilala na sa aming lahat si Josef, nag-aya na rin silang mag-lunch. And again, unfortunately, mula ngayon, makakasama na naming mag-lunch ang kapatid ni Froi. Hindi naman sa ayaw ko siyang kasama. Naiinis lang talaga ako sa ginawa niya no’ng unang beses kaming nagkita. Kung sinabi niya kaagad na siya ang nakatama ng bola at nag-sorry siya, eh 'di sana cool ako sa kanya. Tapos hindi pa siya nagpakilala na siya pala 'yung kapatid ni Froi. Tsk.

                Dahil wala si Juan, si Josef muna ang naupo sa upuan niya. Nasaan nga ba si Juan? Nasa States siya. Hinihintay niyang manganak si Meg dahil natatakot siyang baka ilayo ni Meg ang anak niya. Kahit naman gano’n si Juan, alam pa rin niya ang responsibilidad niya. Sayang lang talaga at hindi sila ni Millicent ang nagkatuluyan. Bet ko pa naman sana sila kaya lang hindi talaga nag-work, eh. Si Froi talaga ang nakatadhana kay Millicen. Eh, ako kaya? Hanggang textmate na lang kaya kami ni Kaizer?

                Pagka-order namin ng kanya-kanya naming pagkain, nanahimik na kaming lahat. Pagkain lang naman talaga ang nakakapagpatahimik sa amin dahil nahawa na kami sa katakawan ni Millicent at Froi. Naku, tuwing nagsasama 'yung dalawang iyon, puro pagkain ang nasa kamay. Parang tumataba na nga ako dahil sa kanila, eh. In all fairness, totoo naman 'yung sinabi nilang masarap talagang kumain. Dati kasi may pa-diet-diet pa akong nalalam. Hindi naman pala effective.

                “Josef, wala ka bang balak mag-tryout para sa Red Cool?” tanong ni Karl sa katabi niyang si Josef. “Magaling si Froi kaya baka magaling ka rin.”

                “He’s been asking me for the date. Nakalimutan ko namang itanong sayo,” sabi naman ni Froi. “Interesado siyang sumali sa Red Cool, but I told him he still needs to put some effort.”

                “Okay. That’s good,” nakangiting sagot ni Karl, sabay lipat ng tingin niya kay Josef. “Give me a copy of your sched, para malaman ko kung kailan ka p’wedeng mag-tryout. Just so you know, the team is exclusive. Hindi lahat ay nabibigyan ng chance para makasali sa team.”

Love Hate: By Your SideWhere stories live. Discover now