Chapter 50: Heard It Right

161 8 0
                                    

Josef

                Kasama ko ngayon si Pris An dahil kakatapos lang nilang dalawin si Ate Faye. Kasama niya sila Chaunce, pero si Pris An lang ang naiwan dahil siya lang naman daw ang close kay Ate Faye. Kumbaga, sumama lang 'yung iba para masabing may puso sila. Joke. Alam ko namang kahit undefine ang ugalit ng mga kaibigan ni Pris An ay may puso pa rin sila. Si Pris An lang din naman ang nakapasok sa kwarto ni Ate Faye dahil bawal ang lalaking visitor. Hindi pa kasi namin alam kung safe na ba siyang makakita ng lalaki.

                “Let me make it up to you,” sabi ko. Inaya ko siyang lumabas muna ng hospital para makapag-usap naman kami. Buti na lang at may doctor na dumating dahilan para lumabas muna ng kwarto ni Ate Faye si Pris An.

                “It’s really okay, Josef. We’re good. There’s nothing to make up to. You left for a very reasonable matter,” sagot niya. Kanina ko pa kasi sinasabi na babawi ako dahil iniwan ko nga siya no’ng dapat magdi-dinner kami.

                “I still want to take you out for a dinner.” Kailangan ko siyang mapapayag dahil sobrang nahihiya ako sa nangyari no’ng nakaraan. Kahit ba sabihing it was a matter of life and death, nahihiya pa rin ako dahil bigla ko na lang siyang iniwan.

                “Okay. If you’re that persistent, how about later? Exam na kasi namin next week.”

                Napangiti na lang ako dahil sa sinabi niya. “Sure. I’ll just text you the place,” sabi ko.

                “I’ll wait.” Napatingin siya sa relos niya. “I gotta go. I still have to attend my second class. Tell Millicent I’ll visit again and please, tell her I’m always here.”

                “Okay,” sagot ko at naglakad na kaming dalawa papunta sa kotse niya. Hinayaan ko na siyang sumakay mag-isa. Kumaway lang siya sa akin bago siya nag-drive. Pinanood ko lang siya hanggang sa makalabas siya nang tuluyan sa hospital.

                Napag-usapan din namin kanina ang tungkol sa nangyari kay Ate Faye. Marami na ang nakakaalam ng tungkol do’n, pero syempre 'yung iba ay may dagdag-bawas na. Hindi naman kasi nila alam ang nangyari. Kahit kay Pris An ay hindi ako ng kwento ng sobra. Iyong mga importante lang. Hindi naman kasi parang isang chismis lang 'yung nangyari na p’wedeng sabihin kung kani-kanino.

                Pabalik na sana ako sa loob ng hospital nang makasalubong ko si Karl. Akala ko palabas na siya, pero mukhang may kailangan siya sa akin dahil huminto siya sa paglalakad para hintayin akong makalapit sa kanya. Hindi ba p’wedeng ako ang huminto at siya ang lumapit dahil siya ang may kailangan? Ni hindi ko nga alam kung boss ko pa rin ba siya hanggang ngayon. Hindi naman kasi namin napag-uusapan.

                “May pasok ka ba?” tanong niya kaagad nang makalapit ako sa kanya.

                “May pasok tayo,” sagot ko. Pare-pareho naman kasi kaming may pasok. Hindi lang kami pumasok. Sino ba ang gaganahang pumasok kapag ang kaibigan niyo ay hindi pa stable ang kalagayan?

                “Papasok kasi si Cheska. Itatanong ko sana kung p’wede mo siyang isabay.”

                “Seryoso?” Sa aming lahat, siya pa ang may lakas-loob na pumasok? Ano naman ang nakain niya at sinipag siya ngayon? Sabagay, baka in-encourage siya ni Ate Faye. Silang dalawa lang naman ang madalas magkausap, eh.

                “Oo. Para raw kahit papaano ay makasunod si Millicent sa discussion.” Napakamot pa siya ng ulo. “And you’re still working for me, right?” tanong niya.

Love Hate: By Your SideWhere stories live. Discover now