Chapter 6: Need To Talk

249 15 1
                                    

Cheska

                Magwewelga sana ako sa nang makapasa si Josef sa try-out, pero hindi ko na tinuloy dahil nakita ko namang magaling siyang maglaro. Nasa dugo siguro talaga nila ang pagiging magaling sa basketball. Hmm. Sana maglaro pa rin si Froi dahil hanggang ngayon naman ay nasa list pa rin siya ng Red Cool players. Mas malakas kasi ang laban nila kapag naglalaro siya, silang tatlong nila Juan at Karl.

                Nakapag-concentrate sana ako sa panonood kung hindi nagpa-cute nang nagpa-cute si Kaizer. Ang hirap kayang mag-concentrate kapag tingin nang tingin at ngiti nang ngiti sayo ang crush mo. Hindi nga ako makatingin ng matagal sa kanya dahil baka mahuli na naman ako ni Karl. Baka dukutin na niya ang mata ko para lang hindi ko matingnan si Kaizer. Samantalang siya, kung kani-kaninong babae kumakaway. Ang hilig pa niyang kindatan 'yung mga fans niya. Kaya ang daming umaasa sa kanya, eh.

                “Aminin mo.” Sabay kalabit sa akin ni Millicent. “Ang galing maglaro ni Josef, 'no?” tanong niya kaya nabaling naman ang atensyon ko sa nagkukumpulang players ng Red Cool.

                “P’wede na,” sagot ko.

                “Oo na. Alam ko namang mas magaling si Kaizer mo,” pang-aasar niya.

                Akmang babatukan ko siya, pero hindi ko na natuloy dahil napansin kong nakatingin sa amin si Froi. “Pasalamat ka may laging nakatingin sayo,” banta ko sa kanya. Nasa gilid ng court si Froi, pero hindi naalis ang tingin niya sa girlfriend niya.

                “Bakit nga ba kasi gustong-gusto mo 'yang si Kaizer?” tanong niya.

                “Bakit ba kasi mahal na mahal mo 'yang si Froilan?” panggagaya ko, pero irap lang ang isinagot niya sa akin kaya tinaasan ko na lang siya ng kilay. “Sinabi ko naman na kasi sayo na high school palang kami, crush ko na siya,” sagot ko sa tanong niya.

                “Eh, bakit ayaw ni Karl sa kanya?”

                “Hindi ko alam. Lagi na lang niyang sinasabi na playboy daw si Kaizer.”

                “Totoo bang playboy siya?”

                Bigla akong napaisip sa sinabi ni Millicent. Never ko pa naman kasing nalaman kung may girlfriend ba si Kaizer o wala. Never din ako nakarinig ng issue tungkol sa kanya. “Hindi ko rin alam,” mahinang sagot ko.

                Napahinto na lang kami sa pag-uusap ni Millicent nang magsimula nang pumasok sa locker room ang mga player. Unti-unti na ring nababawasan ang mga estudyante dito sa gym. Mahaba pa ang vacant namin ni Millicent. Malamang sa aayain ako nitong kumain. Itatanong ko nga mamaya kay Froi kung alam niya ang schedule ng Red Cool para alam ko kung kailan at anong oras sila nagpa-practice. Mahirap nang magtanong sa kapatid. Mas mabuti na 'yung nag-iingat.

                Tumayo na rin kaming dalawa ni Millicent para hintayin sa labas ng locker room 'yung boys. Maglalakad na sana ako para sundan si Millicent, pero napahinto ako nang may pumukaw sa atensyon ko. Si Josef. Topless.

Josef

                “Mamaya mo na kasi kunin. Ibabalik ko naman 'to. Magpapalit lang ako sa loob,” inis na sabi ko kay Kuya. Kanina pa kasi niya kinukuha itong jersey niya. Para namang hindi ko na ibabalik sa kanya.

                “Ngayon na. Hubarin mo na,” pamimilit pa rin niya.

                “Kainis naman 'to.” Wala na akong nagawa, kung 'di ang hubarin ang mahiwagang jersey niya. “Pati ba 'tong shorts?” tanong ko pa.

Love Hate: By Your SideWhere stories live. Discover now