Chapter 31: Concerned To Him

199 7 0
                                    

Josef

                Bakit kasi kailangang PDA? Ang sakit sa mata. Nakabasag tuloy ako nang 'di oras. Epal din kasi 'tong si Lenard, eh. Panay ang pang-aasaar. Ni hindi ko nga nakausap nang matagal si Pris An. Sana kasi hindi na lang kami nilabas ni Cheska. Eh, 'di sana nailibre ko pa si Pris An. Ang galing talaga ng timing ni Cheska. Sa dami naman kasi ng p’wede nilang puntahan ni Kaizer, bakit dito pa sa Starbucks? May dala talagang malas si Cheska, eh. Akala ko pa mapapaalis na kami dahil may lumapit sa aming dalawang babae, magpapa-picture lang pala. Aminado naman kaming dalawa ni Lenard na maingay kami. Hindi nga kasi namin mapigilan ang pagtawa nang malakas.

                Napatingin si Lenard sa relos niya. “Uy, tara na. May quiz pa tayo TQM,” aya niya sa akin.

                “May quiz tayo?” gulat na tanong ko. “Bakit hindi mo sinabi kaagad?”

                “Akala ko alam mo, eh.” Napakamot pa siya ng ulo. “May notes ako sa bag. Late naman lagi si Ma’am kaya makakapag-review pa tayo.”

                Tumayo na kaming dalawa at nagmadaling lumabas para makapasok nang mas maaga. Bad trip. School Fair tapos may klase at quiz kami? Ang tindi naman talaga ng ibang professor. Minadali ko na ang pagda-drive hanggang sa makarating kami sa parking lot. Pinauna ko na si Lenard na magpunta sa room namin. Kailangan ko pa kasing i-sure na safe ang baby ko. Hindi ko pa kayang malayo sa kanya, pero kailangan dahil para sa future naming dalawa ang gagawin ko. Okay. Ang OA ko na.

                Masyadong tirik ang araw kaya naisipan kong magsuot ng sunglasses bago ako bumaba ng kotse ko. Ang gwapo ko na naman. Tanging phone, wallet, keys at ballpen lang ang dala ko. Oo, makakapasa ako sa quiz. May tiwala ako sa katabi ko. Marami kasi akong na-missed na klase simuna no’ng sumali ako sa Red Cool. Hindi ko na alam kung ano ba ang dapat kong unahin. Ang hirap namang mamili. Kinakatamaran ko na rin minsan ang pag-a-advance study.

                Naglalakad ako sa gitna ng campus nang biglang mag-vibrate ang phone ko. Huminto muna ako sa paglalakad at saka ko tiningnan kung sino ba 'yung istorbo sa pagrampa ko.

                Mon Frère: Nagdamit ka pa.

                Huh? Napatingin naman ako sa paligid at nagpalinga-linga pa ako. Nakita ko si Kuya nasa building namin at magkasama na sila ni Lenard. Juice ko. Hindi naman siguro ako nilaglag nitong kaibigan ko sa kapatid ko. Bakit ba kasi nasa building namin siya?

                Mon Frère: Sige, tumayo ka lang d’yan. Wala kayong quiz, eh.

                Me: Wait lang.

                At dahil pinaalala niyang may quiz pa kami, nagmadali na akong maglakad. Ang tagal bumukas ng elevator kaya naghagdan na lang ako. 'Yung twelve steps per floor ay naging three steps na lang yata dahil sa pagmamadali ko. Kinakabahan na nga ako sa quiz, lalo pa akong kinabahan dahil sa biglang pagsulpot ng kapatid ko. Ang malas ko yata talaga.

                Hinihingal pa ako nang makarating ako sa fourth floor ng building namin. Ramdam ko na rin ang pagtulo ng pawis ko. Panay naman ang tingin sa akin ng mga babaeng nakakasalubong ko. Ngayon lang yata sila nakakita ng lalaking pawis na pawis. Hindi ko na pinansin pa ang mga tao sa paligid. Naglakad na ako nang mabilis papunta sa kapatid ko. Napaupo na lang ako sa floor nang makarating ako sa harap ng room namin.

                “Bakit ka nagmamadali?” tanong sa akin ni Kuya.

                “May quiz nga kami, 'di ba?” hinihingal na sagot ko. P’wede bang pahingain muna nila ako? Baka mamaya ito na ang ikamatay ko. Kakapusan ng hangin.

Love Hate: By Your SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon