Chapter 24: Trust Me

169 5 1
                                    

Josef

                Nakakilig lang talaga. Parang kaka-add ko lang sa kanya kagabi, pero heto, Facebook friends na kami. At kung tama ang natatandaan ko, she’s already considering me as a friend. Buti na lang talaga at pinahiram ako ni Lenard ng pocket-wifi niya. Pero, mamaya na ako mag-me-message kay Pris An, baka kasi isipin niyang inaabangan ko ang pag-accept niya sa akin... which is totoo naman.

                Pasalamat talaga ako at pinilit ako ni Kuya na sumakay sa kanilang mag-lunch ngayon. Kanina pa kasi ako kinukulit ni Lenard. Pangungulit na may kasamang pang-aasar dahil alam na niyang may gusto ako kay Pris An. No’ng una, parang ayaw niyang maniwala dahil malabo raw akong mapansin ni Pris An. Sinabi ko na lang na kung kaibigan ko talaga siya, kailangan niyang magtiwala sa akin at sa mga hakbang na gagawin ko.

                I’m serious about Pris An. Sana lang talaga ay mayro’n pa akong chance. I maybe a playboy sometimes, but I will never do things that might hurt her. Ang advance ko na mag-isip? Yes. Dahil ngayon nga lang ako nakakita ng babaeng katulad ni Pris An. She’s so one of a kind. Nagtaka tuloy ako kung ganito rin ba ang naramdaman ni Kuya nang makilala niya si Ate Faye. Parang gusto ko tuloy mag-dinner ngayong gabi nang kaming dalawa lang ng kapatid ko. Gusto kong malaman kung paano nag-work ang relasyon nilang dalawa ni Ate Faye.

                “Uhm. Kuya,” tawag ko sa kanya at napahinto siya sa ginagawa niya. “Can you stop feeding each other?” Kasi alam kong pareho naman silang may kamay para subuan ang sarili nila. Kung sa tingin nila, nakakakilig, p’wes, hindi. Nakakaasiwa.

                “Josef, bihira na kaming magkasama ng Ate Faye mo. Understand us, please?” sabi ni Kuya, as if may magagawa pa ako. Busy na sa pag-aaral at sa pagtatrabaho si Kuya at naiintindihan kong bihira na silang magkasama nang matagal ni Ate Faye.

                “I’m sorry, Josef,” singit naman ni Ate Faye.

                “No. It’s alright. I shouldn’t have said that.”

                “'Yun ba talaga ang gusto mong sabihin?” tanong ni Kuya.

                “Not really. I’m thinking kung p’wede tayong mag-dinner mamaya.” And I hope he will not turn me down. Bihira akong mag-aya ng ganito.

                “That’s a good idea,” nakangiting sabi niya at napunta ang atensyon niya kay Ate Faye. “Are you free tonight?” tanong niya sa girlfriend niya.

                “Kuya, I’m thinking dinner for two.” I don’t want to sound horrible to Ate Faye, but I need a to have a boy talk with my brother.

                “Froi, don’t think about me. I guess it’s time to have a quality time with your brother,” nakangiting sabi naman ni Ate Faye. “Thanks for doing this Josef.”

                Bad trip. Baka kung ano ang iniisip nila sa dinner na 'yon. Gusto ko lang naman magtanong about sa matinik na moves ni Kuya kay Ate Faye. Hindi naman siguro nila inisip na may mabigat akong problema kaya ko inaaya ng dinner ang kapatid ko. So far, wala pa naman akong nagagawang mabigat na problema dahil alam ko namang malinis na ulit ang record ko. Hindi na nga kasi ako nagtatrabaho kay Karl. Naisip ko na lang na maghanap ng ibang part-time job at ipapaalam ko na kay Kuya ang tungkol do’n.

                “Sa tingin mo seryoso si Kaizer kay Cheska?” Hindi ko sinasadyang marinig ang tanong ng kapatid ko sa girlfriend niya. Wala naman sigurong masama kung magiging chismoso ako kahit ngayon lang.

Love Hate: By Your SideWhere stories live. Discover now