Chapter 21: See You Soon

166 7 1
                                    

Josef

                At this point, kailangan kong gawin ang bagay na matagal ko nang pinag-aralan. Ang magpa-cute. Hindi sinasadyang naitulak ko ang babaeng katabi ko at saka ako tumayo para lapitan ang babaeng nakaupo sa harap ng counter. Hindi ako p’wedeng magkamali. Si Pris An ang nakikita ng mga mata ko ngayon. Lumapit ako nang hindi nagpapahalata na siya ang pakay ko. Naupo lang ako sa katabing upuan niya at saka ako um-order ng maiinom, 'yung hard para medyo bad boy ang dating.

                Uminom muna ako bago ko siya tiningnan ulit. Pansin kong parang ang lalim ng iniisip niya. Nahihiya tuloy akong kausapin siya. At ngayon ko lang talaga nalaman na may hiya pala ako. Akala ko kasi no’ng nagpaulan si Lord ng hiya ay tahimik akong natutulog. Thank God, I was awake.

                “Hindi naman obvious ang pagpapapansin mo?”

                Muntik ko nang maibuga ang ininom ko nang marinig ko siyang magsalita. Nilingon ko siya at shit, hindi pala ako ang kausap niya. May lumapit sa kanyang lalaki at bahagya siyang niyakap, pero hindi 'yung yakap na parang sila. Oo, naniniwala akong single siya at mananalig ako.

                Tuloy lang ako sa pag-ubo dahil sa pagkasamid ko. Pinipigilan ko na, pero ayaw pa rin papigil. Shit naman. Wrong timing. Baka isipin pa niya na hindi ako sanay uminom. Kung anu-anong tapik na ang ginawa ko sa dibdib ko, pero wala pa rin.

                “Okay ka lang?” Nakaramdam na lang ako ng kamay sa balikat ko. “Looks you’re already drunk,” sabi niya at saka ko siya nilingon. Nakangiti siya sa akin. Nakangiti siya, Lord. This is heaven!

                “Uhm.” I cleared my throat. “I’m not. Nasamid lang ako.” Totoo namang nasamid ako, eh. Kung tatanungin pa niya kung bakit ako nasamid, sasabihin ko na lang ang totoo. Plus pogi points ang pagiging honest.

                “Pris, I’ll be back,” paalam no’ng lalaking mukha maayos namang tingnan. Masasabi kong gwapo rin siya at may pagkamalaki rin ang katawan.

                Pinanood lang siya ni Pris habang naglalakad siya palayo sa amin. Nakita ko kung paano niya tingnan 'yung lalaking kanina lang ay kasama niya, pero parang miss na miss na niya ngayon. Hindi kaya... Hindi kaya iyon 'yung lalaking sinasabi ni Ate Faye na gusto ni Pris An, pero hindi siya gusto? God. Anong mata ang mayro’n ang lalaking 'yon para hindi niya magustuhan si Pris An? Gaano ba kataas ang standards niya? Dahil para sa akin, hindi na kailangan ng standards pagdating kay Pris An.

                “Boyfriend mo?” tanong ko bago ko pa man din mapigilan ang bibig ko.

                Tiningnan na niya ako. “Nope. He’s a friend,” nakangiting sagot niya. Ang lakas talagang makatunaw ng ngiti niya. Hindi nakakasawa. Buti na lang talaga at hindi ako naglasing.

                “I’m Josef Danniele, by the way.” Sabay alok ko ng kamay ko.

Love Hate: By Your SideWhere stories live. Discover now