Chapter 34: Take You Out

159 7 0
                                    

Cheska

                “Huh? Nasaan?” nagtatakang tanong ko. Paano naman mapupunta dito si Kaizer, eh nagpaalam nga siyang uuwi siya. Saka, ano naman ang pinunta niya dito kung siya nga ang nakita ni Millicent.

                “Hindi pala. Kamukha lang pala.” Nginitian na lang niya ako. “Tara na,” aya niya sa akin.

                Tumingin-tingin pa ako sa paligid. Nagbabakasakaling makita ko rin ang nakita ni Millicent. Kung may kamukha dito si Kaizer, ibig-sabihin may gwapo dito sa AE-U bukod kila Chaunce. Nahilo na ako kakahanap, pero hindi ko na nakita ang kamukha ni Kaizer. Hindi naman kasi tinuro kaagad ni Millicent, eh.

                Speaking of Kaizer. Tatawagan ko nga pala siya para itanong kung ano na ang nangyari sa kanya. Kanina pa nga kasi siya hindi nagpaparamdam. Baka nagkaroon na ng problema sa kanila, hindi ko pa alam. Baka sabihin pa ng parents niya na wala akong pakialam sa kanila.Hindi ko pa naman nami-meet ang family ni Kaizer, pero gusto kong malaman nila na nandito lang ako lagi para kay Kaizer. Hindi naman kwento ang boyfriend ko tungkol sa family niya. Bihira lang din naman kasi akong magkwento. Mag-e-effort pa ba akong magkwento kung kalahati ng populasyon ng Earth ay kilala ang parents ko?

                “Hey,” sagot niya sa tawag ko.

                “Hey. You didn’t call me.” Nakahinga na ako nang maluwag dahil mukhang okay naman siya. Sinenyasan ko na si Millicent na mauna na siya. Alam naman niya kung sino ang kausap ko.

                “Sorry. My father kept me in his study.”

                “Hindi ka na babalik sa campus? Nasa AE-U ako ngayon. Sumama ako kila Millicent. So, I won’t get bored while waiting.” Kasi kung babalik na siya, magpapaalam na ako kila Millicent. Madali namang sumakay ng taxi, diretso na ako sa St. Claire kapag gano’n.

                “Stay there. Matatagalan pa ako dito, eh. Tatawagan na lang kita kapag wala na akong ginagawa, okay?”

                “Okay. I just want to know if you’re okay and I guess you are.”

                “Of course. Call you later. Love you, babe.” Binaba na niya ang tawag. Mukhang importante nga ang ginagawa niya dahil hindi na niya hinintay ang sagot ko. Saka ko na lang siya tatanungin nang tatanungin kapag magkasama na kami.

                Binalik ko na ulit sa bag ang phone ko at saka ako naglakad papasok sa lugar-kung-saan-ginaganap-ang-event. Hindi ko kasi alam ang tawag sa malaking kwarto na pinasukan namin. Halos makipaggitgitan na ako sa mga tao para lang makapasok ako. Grabe. Crowded kung crowded. May artista bang rarampa? 'Di kaya pumayag na si Froi? Wala naman kasi siyang reason para hindi pumayag, eh. Kaysa naman kay Josef na parang tuod. Baka mamaya madapa pa siya. Kawawa naman ang pangalan ng St. Claire kapag nagkataon.

                Matinding hiyawan ang bumungad sa akin nang makalapit ako sa runway. Hindi ko makita kung nasaan sila Millicent. Wala na sila sa p’westo namin kanina. Bakit kasi pinauna ko siya? P’wede naman kasi akong magpahintay sa kanya dahil sandali lang din naman kaming nag-usap ni Kaizer. Nasaan na ba kasi sila?

                Napahinto ako sa paghahanap nang mapatitig ako sa runway. Nanlaki pa ang dalawang mata ko nang makita ko kung sino ang rumarampa. Ang Two Jans lang naman, suot ang tuxedo dahilan para maghiyawan ang mga kababaihan. Kasunod nilang dalawa si Frank na ang suot naman ay casual suit. Bago sila um-exit ay sinundan naman sila ni Chaunce, na suot ay casual attire naman. 'Di na ako na-surprise. Never naman kasi nilang mapapagsuot si Chaunce ng mga masyadong revealing na damit. Ang pagkakaalam ko, wala pang nakakita ng katawan niya. Obvious naman na maganda ang pangangatawan niya bilang isang lalaki, pero never niya iyong pinagyabang. Ni picture ngang naka-topless siya ay wala pa akong nakikita. Hanggang braso lang ang laging kita sa kanya. Kawawa tuloy ang mga fan niya.

Love Hate: By Your SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon