Kabanata 15

2.3K 107 24
                                    

Ten years later. . .

Isang malakas na sampal ang dumapo sa mala-porselanang pisngi ni Arruba. Ang maygawa, ang kaniyang ama. Galit na galit ito, at alam na niya kung bakit. Hindi naman kasi lingid dito ang ginawa niyang pagsisante sa isa sa mga board of directors ng kompanya nila. Pinalitan niya rin ang head ng accounting department.

“What have you done, Arruba? Who told you to do those stupid things?! Scheiße!” (Shit!) nanggagalaiti nitong sabi.

Tumayo si Arruba mula sa swivel chair na kinauupuan. Napahawak sa nasaktang pisngi bago binalingan ang ama. Sa isip, napangisi’t napailing siya. Wala talagang alam ang ama niya kundi saktan siya, kahit kapapasok pa lang nito sa opisina niya. Hindi man lamang nito naisip na ang mga tinanggal niyang board of directors ay tauhan ng kalaban nilang kompanya, habang ang accountant head naman ay na-dispalko ang halos tatlong buwan nilang kita.

“I’m doing my job, Papa,” aniya. “If you believe I did the wrong thing, then fire me,” hamon niya rito. Mahapdi ang pisngi niya, pero wala nang mas hahapdi pa sa sugat niyang hinding-hindi na hihilom pa.

Nakita niyang umigting ang bagang ng kaniyang ama. Gayunpaman, nanatili ang matigas na anyo nito—na kahit sa mga lumipas na taon ay hindi man lamang nagbago, bagkus mas lumala pa nga. Katulad na lamang ngayon, siya ang CEO ng Dietrich Hotel, ngunit ito pa rin ang nagdidikta sa mga kailangan niyang gawin. Ito pa rin ang hari ng kompanya.

“Alright. Now that you have said that, then I want you to go to the Philippines.”

“What?!” Napatda siya sa sinabi ng ama.

“You heard me right, Arruba.” Naglakad ito sa harapan niya. Ang mamahaling tungod nito’y nagbibigay ingay sa apat na sulok ng kaniyang minimalist na opisina.

“W-why?” Wala pa rin siyang ideya kung bakit kailangan niyang mangibang-bansa. Alam naman kasi niyang walang ibang hahawak ng posisyon niya kundi siya lang. Maliban na lang kung. . .

Napailing kaagad siya nang may maalala. Isang partikular na imahe. Ngunit ayaw niyang hayaan ang sarili. Ni kahit isipin man lang ang pangalan nito. Matagal na niyang ibinaon ang alaala nito sa limot, at kung maaari’y hihilingin niyang sana’y hindi na lamang ito nakilala.

“You have to work on Andrius, Arruba,” narinig niyang wika muli ng ama. “He has to agree to our proposal. Damn! What a hardheaded man!”

Tumayo siya nang tuwid. Tinitigan ang ama sa mga mata. “Aren’t we done with this yet?”

Naguguluhan siya. Akala niya’y natapos na ang anumang kasunduan ng ama niya’t ama ni Andrius nang mamatay ang matandang Monterio. Ilang taon na rin kasi ang lumipas nang mapagpasyahan ni Andrius na sa Pilipinas na mamalagi. Nagtayo na rin ito ng bagong imperyo roon, hotel din; habang namamayagpag pa rin sa Germany ang sentro ng negosyo nito.

“We have to secure our success, Arruba. Go to the Philippines and convince Andrius; that's your only goal. If he won't cooperate, then I'll have to play my cards with him,” nakangisi nitong saad, tila ba may maitim na balak.

“Alright,” sang-ayon niya’t naupo muli sa swivel chair. Wala naman kasi siyang magagawa, dahil para sa ama niya, isa siyang puppet.

“Good. Don’t let me be any more disappointed, Arruba,” huling wika nito bago siya iniwan.

Napabuntonghininga siya nang makaalis ang ama. Sa pagkawala ng presensya nito, noon lamang gumaan ang kaniyang paghinga. Gayunpaman, kahit sawang-sawa na siya sa pagmamanipula nito, hindi niya ito kayang iwan nang basta na lang.

She needed to pamper him. She needed to obey him. . . for now.

TANAW ang malawak na karagatan mula sa himpapawid, napahinga nang malalim si Arruba. Ilang sandali na lamang ay lalapag na ang kaniyang sinasakyang eroplano sa Ninoy Aquino International Airport, isang pampublikong airport ng Pilipinas.

BS#2: HIS BEAUTIFUL OBSESSIONWhere stories live. Discover now