Kabanata 4

3.9K 136 10
                                    

Halos sabunutan ni Arruba ang sarili nang makabalik sa sariling silid. Kung hindi siya makatulog kanina, mas tumindi pa iyon dahil sa nangyaring encounter nila ni Callen sa silid nito. Nagsisisi tuloy siya kung bakit pa niya ito pinuntahan. Ngayo’y hindi siya nito pinapatahimik. Mas lalong naging malikot ang isip niya sa kung ano ba talaga ang ibig nitong ipahiwatig?

His gray orbs pierced through her, expressing an emotion that she couldn’t even determine. Or, if she could define those weary and uncertain eyes, it was her that could not accept what it meant to be.

Nag-i-imagine lang ba siya?

Kung imahinasyon niya lamang iyon, bakit iba ang sinasabi ng isip at puso niya? Bakit nakararamdam siya ng panghihinayang?

“Did I just confess?” How stupid of her to think such foolishness, but she couldn’t find any words that suited what she had done. Though she did not say much, she knew that Callen was too smart to be played along. “Sana hindi niya maintindihan ’yon. Please, G, just this once.” Desperado siyang ipinagsalikop ang dalawang palad. Pumikit habang nakaupo sa malambot niyang kama.

“No! This is absurd!” Mabilis siyang napatayo, tila baliw na kinakausap ang sarili. “It was a spur of the moment thing, right? He trapped me. He made sure he kept our distance so that he could affect me, making my heart race.” Napangiti siya kahit papaano sa isipin na iyon. Sinusubukan na kumbinsihin ang sarili. Nagpalakad-lakad siya sa espasyo ng silid. “Yes, tama! Wala akong crush sa kaniya. Never. It’s ewwy.

Nakatulugan niya ang pag-iisip. Nagising siya kinabukasan sa mga mahihinang katok mula sa nakasaradong pinto. Ayaw niya sanang buksan iyon dahil wala naman siyang pasok, weekdays. Iyon nga lamang, kung matigas siya, mas matigas ang kung sinumang bumubulabog sa kaniya. Wala siyang nagawa kundi bumangon at pahikab-hikab na naglakad para pagbuksan ang panauhin.

Bumungad sa kaniya ang nakakunot-noong mukha ng kaniyang ama.

“Morgen,” (Morning,) bati niya.

Tumingin muna ito sa suot na mamahalimg relo bago siya sinagot, “It’s already afternoon, lady.”

Nagulat siya.

So, she overslept!

“I’m sorry.”

“Fix yourself. You need to attend a dinner party with our investors.” Iyon lamang at iniwan na siya ng ama.

Napailing na lamang si Arruba habang pinagmamasdan itong papalayo. Her father was too cold, enough for her to feel hollow and empty inside. Marami silang pera hindi hindi siya masaya. Every day was survival for her. Kailangan niyang maging matalino sa lahat ng bagay. Being the unwanted child had taught her to be as tough as she could be, because she knew she could be replaced.

Mabilis siyang natapos sa pag-aayos. Isang eleganteng emerald green maxi dress ang napili niyang isuot. Yari iyon sa silk na ang bawat  bagsak ng tela ay bumagay sa kurba ng kaniyang katawan. Ang mahaba nitong slit ay mas nagbigay kinang sa kàelegantehan ng nagsusuot. Ang blonde niyang buhok ay hinayaan niyang naka-messy bun. Nagsuot din siya ng alahas, isang set ng emerald stud earrings at necklace. Ang makeup niya’y manipis lang, pero binawi niya sa labi. She drew her lip to be pouty and wore her most red lipstick on.

Nagdiwang pa siya nang makitang nagulat ang ama niya sa naging itsura. Sure, he did not expect her to look fierce and mature in her age. Akala siguro nito’y hindi siya maghahanda. Too bad, she knew how to play. Alam naman kasi niyang kasama rin nito si Callen, at tiyak na ang binata ang ibibida nito sa mga investors at hindi siya.

 But, to her surprise, Callen was nowhere to be found. Sila lamang ng daddy niya ang nagtungo sa party, dahilan kung bakit na-bore siya sa buong durasyon ng pagtitipon. Wala naman kasing espesyal sa mga pangyayari; batian at pakilala lamang. Kung nandoon sana ang stepbrother, may makakausap siya; kahit puro asaran lang naman sila.

BS#2: HIS BEAUTIFUL OBSESSIONWhere stories live. Discover now