Kabanata 11

2.2K 115 27
                                    

The sweetest feeling of being in love was to be loved back. It was the profound sense of joy and fulfillment that came from knowing that the affection and care you gave to someone were mirrored and returned in equal measure. For Arruba, who had never felt such tremendous care and security, each passing moment was ethereal. It was surreal—like a wild flower in the depths of the mountain, unreachable by the sun. Nevertheless, it bloomed beautifully, catching every butterfly on a windy day.  

“Schatzi. . .” Napangiti kaagad siya nang marinig ang baritonong boses ni Callen, kasabay niyon ay ang paglapat din ng labi nito sa kaniyang mga labi.

They kissed like there was no tomorrow. Nakapupugto ng hininga, ngunit masarap.

“I missed you,” he whispered after they ended the kiss. Namumungay ang mga mata nang tingnan siya.

Ngumiti siya’t gumilid para mas itago pa ang sarili sa mga nakahilerang mga libro. Ikinawit ang mga braso sa leeg nito. “Ang clingy mo, but I liked it,” aniya.

Callen chuckled.

Nanlaki ang mga mata niya sa gulat at kaagad siyang luminga sa paligid kung may nakapansin sa kanila. Mahirap naman kasi ang ginagawa nila. Nasa loob sila ng library sa dulong bahagi, kung saan walang estudyanteng pumupunta. Pinili nila iyon ni Callen bilang tagpuan, ilang linggo na ang nakararaan. Their sweet escape. So far so good naman. Iyon nga lang, doble ingat ang kanilang ginagawa.

“Ano ka ba! Paano kung may makarinig sa ’yo dito? Paano kapag makita tayo,” bulong niya, nakataas ang kilay.

“Nagmamaldita ka na naman,” ani Callen sabay dila sa labi.

Natuon ang atensiyon niya sa ginawa nito. Napalunok siya. Naakit. How she wished he would kiss her again.

Gustong-gusto kasi niya kung paano siya halikan ni Callen. May pagmamahal at pag-iingat—para bang siya ang buhay nito.

“Ya lyu-blyu vas, schatzi.” Callen leaned closer to her. And just like that, he kissed her again, just as she had always dreamed of.

It was more passionate this time. It was gentler. Damang-dama niya sa bawat hagod ng labi nito sa labi niya kung gaano siya kahalaga rito—kung gaano siya kamahal. Ang tanging nagawa niya lang ay ang magpatianod sa damdamin at sensasyon na ibinibigay nito, at ang mas lumapit pa rito para maipadala rin kung gaano siya kasabik sa halik nito.

Damn! How she loved him!

Mas minamahal niya ito sa bawat araw.

Habol nila ang hininga nang matapos ang halik. Inayos na niya ang sarili dahil babalik na siya ng classroom. Si Callen naman ay may ginagawa sa office ng dean, ito na naman kasi ang nakakuha sa first ranking. Kung noon ay medyo bitter pa siya, hindi na ngayon. Mas masaya na siya para dito. Nakikinita na niyang may maganda itong kinabukasan.

“I’ll see you later, okay? Sabay tayong uuwi,” bilin ni Callen sa kaniya.

Tumango siya. Nakangiti pa rin. “Oo nga. Saan naman kasi ako pupunta kung hindi ako sasabay sa ’yo? Saka, I want to spend time with you. Hindi na natin nagagawa ’yon sa bahay,” nakangusong aniya.

Totoo naman. Palaging nasa bahay ang daddy niya. Hindi na ito madalas mag-travel.  Hindi na tuloy sila nagkakaroon ng panahon para mag-bonding, minsan na lang kung pupuslit siya sa kwarto niya para makitulog sa kwarto nito. At kung gagawin naman niya iyon, natatagpuan na lamang nila ang sarili na nalulunod sa masidhing damdamin ng pangungulila—na ang tanging solusyon ay ang damhin ang kahubaran ng bawat isa.

Naunang umalis si Callen sa library, sumunod siya pagkatapos ng ilang minuto. Matay-malisya habang nakataas ang noo. Pinagtitinginan kaagad siya ng mangilan-ngilang estudyanteng naroon. Kunot ang noo ng iba. Wala naman siyang problema roon, huwag lang malaman ng mga ito ang sekreto niya.

BS#2: HIS BEAUTIFUL OBSESSIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon