Kabanata 10

2.6K 134 13
                                    

I want you to go to the Philippines, Callen.” Napatda si Callen nang marinig ang sinabi ng amain. Hindi niya inaasahan iyon, dahilan kung bakit ilang minuto pa ang lumipas bago niya naiproseso ang lahat. 

Siya? Pupunta ng Pilipinas?

Bakit naman siya ipatatapon ng amain sa napakalayong lugar na ’yon?

In curiosity, he asked, “Why, uncle?”

“I have built an empire in the Philippines, Callen. I want you to manage everything—”
 

“But why now?” he cut him off. Kitang-kita sa mukha niya ang pagtataka.

Malakas na napabuntonghininga bago tumayo ang matandang Dietrich mula sa swivel chair nito. Naglakad at nilapitan siya. In his stance, he screamed power. Nakakatakot at tiyak pangingilagan ng lahat. Isa iyon sa dahilan kung bakit mataas ang respeto ng kasama nito sa negosyo.

“Callen, I don’t want to waste your talent, son. You have big potential. I want to be prepared.”

“How about Arruba?” he asked.

Kumunot kaagad ang noo ng amain. Nagtanong, “How about her, Callen? Is there something I need to know?”

Nag-iwas siya ng tingin. Napabuntonghininga. Wala nan ga siguro siyang choice kundi ang sumunod sa kagustuhan ng amain.

“Nothing, uncle. I was just worried about her.”

Natawa ito, pero para bang tunog sarkasmo iyon.

“You don’t have to worry about her, Callen. Arruba will have to marry Andrius Monterio.”

Siya naman ang napakunot ang noo. Bakit tila parang siguradong-sigurado ito sa bagay na iyon?

Judging from the dinner that happened a while ago, he could sense that Monterio’s wasn’t interested in the merger.

Hindi siya nabahala sa bagay na iyon kanina, pero ngayon habang nasa harapan niya ang amain, pakiramdam niya ay posible nga ang bagay na ’yon.

Bahagya siyang napailing. He would never let that absurdity happen.

“Do you remember what I promised to your mom, Callen?” kapagkuwan ay tanong ng kaniyang amain. Iniaabot nito ang mamahaling tobacco pipe na nasa ibabaw ng kahoy nitong lamesa.

Natuon ang atensiyon niya rito. Bakit nito biglang nabanggit ang bagay na iyon?

His mother was Edward Dietrich’s secretary. She died a few years ago. Inampon siya ng amain, at namuhay kasama ito.

Akala niya’y hindi na siya kailanman makararanas na maging masaya. Hindi naman kasi biro ang expectation ng matandang Dietrich sa kaniya. Gusto nitong mas higitan niya pa ang mga nagawa nito sa pagnenegosyo; isang bagay na tila imposible sa kaniya. Ngunit dahil kay Arruba, naramdaman niya muli na hindi siya nag-iisa. may buhay siya. Napagtanto niya kung ano nga ba ang gusto niya. Naging masaya ulit siya. The burden he had carried for a long time became light. In her sweet smile and naughty mind, he found purpose. She became her light.

Sinindihan ng kaniyang amain ang hawak na pipe. Bumuga muna ito ng usok bago nagsalita, “To make you a dignified man; respected by anyone.” He looked at him intently. “I care about your welfare, Callen. I don’t want to see you fail, especially with the competition being so high. You need to find your own path to success.”

His jaw clinched. His hand formed into a fist. He didn’t like what he heard. Ni minsan, hindi niya hiniling na maging makapangyarihang tao. Ayaw naman kasi niyang katakutan at tingalain tulad ng amain. Ayaw niyang isipin ng iba na isa siyang matayog na pader na hindi kayang abutin, lalo na ni Arruba. Simpleng binata lang naman kasi siya. May pangarap sa buhay.

BS#2: HIS BEAUTIFUL OBSESSIONDonde viven las historias. Descúbrelo ahora