Kabanata 1

11.5K 250 39
                                    

Berlin, Germany. . .
Dietrich Residence.
Ten years ago.

Gut gemacht, Callen. You always make me proud, son.” (Good job, Callen.)

Arruba immediately rolled her eyes after hearing her father’s flattering words towards her stepbrother, Callen. Gustuhin man niyang umalis na sa opisina ng ama, hindi niya magawa. Tiyak na magagalit kasi ito. Iyon ang pinakaayaw niya, kahit na nga ba, mukhang hindi naman siya kailangan doon. Ni hindi nga siya napapansin ng dalawa. Panay lang ang pag-uusap ng mga ito na para bang hindi siya nag-e-exist.

Damn!

She was bored and tired. Pagod na pagod siya sa maghapong practice sa cheerleading squad kung saan siya ang leader. Kung bakit naman kasi kailangan pa siyang ipatawag ng ama kung si Callen lang naman pala ang kauusapin nito. Nasasayang tuloy ang oras niya, imbes na magpahinga. 

“Arruba did well too, uncle. She got the second ranking,” narinig niyang wika ni Callen.

She immediately looked at her stepbrother. Pasimple niya itong pinandilatan ng mga mata. Ngumisi lamang ito kaya mahina siyang nagmura, sapat para marinig nito dahil magkatabi lamang ang kanilang kinauupuan, saka niya binalingan ng tingin ang ama na nakatayo sa harap ng study table nito. Tulad ng inaasahan, wala man lamang itong kahit anong reaksiyon.

“Second will never be best, Callen. It’s a disgrace,” anito. Hawak nito sa magkabilang kamay ang dulo ng mesa, halatang nagpipigil ng galit.  

Nasaktan siya sa narinig. Napayuko.

“I’m sorry. I will work hard next time,” she whispered.

“Use your brain, Arruba. When will you be able to learn that sorry won’t fix everything?! You, brainless brat!” komento muli ng kaniyang ama.

Napakagat siya sa labi. Alam niya ang rason kung bakit galit ito sa kaniya. Hindi lamang iyon dahil second ang ranking niya ngayong sem, kundi dahil isa siyang babae. Her father clearly said his disgust towards her. Mas gusto kasi nito ang magkaroon ng lalaking anak para ipagpatuloy ang kanilang negosyo. A man who could be a backbone for Dietrich Hotel, an empire of their family that had been built for a long time.

Edward Dietrich, her father, is one of the richest men in Germany. Hawak nito ang kalahati ng hotelier sa buong bansa. Bukod pa roon, marami rin itong investment at hotel chain sa iba’t ibang panig ng mundo. Hindi kataka-taka na istrikto ito at matayog ang pananaw. Iyon nga lang, nasobrahan naman ito pagdating sa kaniya. 

“Es tut mir leid,” (I’m sorry,) sabi niya pagkatapos ng ilang sandaling pananahimik.

Sorry.

Ilang beses na ba niyang nasabi iyon dito? Almost every day of her life, perhaps. Mula nang magkaisip siya at mamatay ang ina, paulit-ulit niyang sinasabi sa ama ang mga katagang iyon. Paulit-ulit din nitong ipinamumukha sa kaniya na ayaw siya nito. Isang patunay na roon nang mag-asawa itong muli, ang ina ni Callen.

“You should be thankful that Callen is here, Arruba. If not for him, our empire’s future will all be in vain.” Naupo sa swivel chair ang kaniyang ama at kinuha ang magarbong vape pipe tobacco nito. Pagkatapos ay tinalikuran sila ni Callen. “Leave, you two. We will talk next time.” 

“Tschüss, Papa,” (Goodbye, Papa,) aniya at tumayo na.

Nilisan niya ang opisina ng kaniyang ama kasunod si Callen. Paika-ika siyang naglakad at hindi na pinansin pa ang stepbrother nang subukan siya nitong kausapin. Bakit pa? Eh, hindi naman sila close. Para sa kaniya, si Callen ang pinakaiinisan niyang tao sa buong mundo. He was her rival. Kung hindi dahil dito sana. . .

BS#2: HIS BEAUTIFUL OBSESSIONWhere stories live. Discover now