Kabanata 12

2.2K 106 27
                                    

It felt like a dream—that someone was carrying her. Nahihilo pa rin ang pakiramdam ni Arruba, ngunit hindi na katulad kanina.  Ang mga mata niya’y mabibigat pa rin, ngunit sinubukan na niyang idilat iyon. Gusto niyang makita kung nasaan siya, kahit pagod pa rin ang pakiramdam. Isa pa, unti-unti nang lumilinaw sa kaniyang hindi siya nananaginip.

Someone was really carrying her. Damang-dama niya ang braso nitong malalakas, na mahigpit ang hawak sa kaniyang katawan. Naririnig na rin niya ang bawat hakbang nito, lalo na ang malalalim na paghinga. Ang pamilyar na amoy ng gamit nitong perfume ay nanunuot na rin sa kaniyang ilong.

She smiled lightly realizing who it was.

“Callen. . . ” tawag niya sa pangalan nito.

Narinig niya muli ang malakas na paghugot nito ng paghinga, ngunit hindi ito sumagot sa tawag niya. Mas hinigpitan lamang nito ang pagkakahawak sa kaniya, dahilan kung bakit tila mas lalo siyang nagising mula sa sakit ng ulo na nadarama. Tuluyan na rin niyang iminulat ang mga mata.

Nagtama kaagad ang tingin niya at ni Callen. His intense gray eyes sent shivers down her spine. Mariin ang titig nito, may halong galit. His heavy breathing didn’t even change. Alam na kaagad niyang galit ito. Kanino naman kaya? Sa kaniya ba?

She was curious, but she didn’t budge to ask. Hanggang sa maisakay siya nito sa front seat ng kotse at maupo ito sa driver’s seat, wala pa rin siyang lakas ng loob na magtanong. O sadyang mas pinili niyang huwag magtanong. Mas naging klaro kasi sa kaniya kung bakit ganoon ang inaakto nito. Naaalala na niya kung bakit pakiramdam niya’y pagod na pagod siya. Nahihinuha na niyang galit nga talaga ito.

Nagsimulang umandar ang kotse. Itinuon na lamang niya ang tingin sa labas ng bintana. Madilim na’t nagsisimula na rin ang maingay at abalang kalsada ng Berlin kapag gabi. Nag-uunahan na rin ang mga establisyemento na magbukas, kadalasay ang gamit na ilaw ay tanging LED lights na may iba’t ibang kulay at patay-sindi para makaagaw ng atensiyon sa sinumang dadaan.

Nang magsawa ang mga mata sa pagtanaw sa labas, napabuntonghininga siya, sunod-sunod. Sinulyapan niya rin si Callen sa kaniyang tabi. Hindi pa rin ito umiimik. Seryoso ang mga mata nitong nakatuon sa harap ng sasakyan, ngunit bakas sa kunot nitong noo ang totoong nadarama. Mabuti na lamang at naging kalmado na rin ang paghinga nito. Isa sa ipinagpapasalamat niya.

“Arruba. . .” Umayos kaagad siya ng upo nang sa wakas ay marinig niya ang pagtawag ni Callen. “Why didn’t you tell me?” tanong nito, bakas pa rin sa boses ang iritasyon.

“I t-thought I don’t h-have to. P-problema ko naman kasi ’yon,” nauutal at mahinang sagot niya.

“Dammit!” mura ni Callen. Nakita niya kung paano umigting ang panga nito, at kung paano humigpit ang kapit nito sa steering wheel. He looked deadly, as if he would hurt someone any minute.

“I’m sorry, Callen.” She tried to reach for his hand, even though her own hand was trembling. Then, when she finally reached it, she lightly pressed it, indicating how sorry she was.

“I should have killed him—that bastard! Ano na lang ang nangyari sa ’yo kung hindi ako dumating!” Sinulyapan siya ni Callen. Kitang-kita niya ang nag-aalala nitong tingin.

She smiled because of it. Napakabilis talagang magbago ng emosyon nito kapag siya ang pinag-uusapan. Gayunpaman, naisip din niya kung ano na lang ang nangyari kung hindi ito dumating. Sure, she would be helpless, and worst. . . be at risk of harm.

Napailing kaagad siya. Tiningnan si Callen.

“Thank you. Thank you for being there. I could never see myself live without you, Callen. My one and only knight,” she said while leaning towards him. “Ich liebe dich.” (I love you.) Then, she planted a kiss on his cheek.

BS#2: HIS BEAUTIFUL OBSESSIONWhere stories live. Discover now