Kabanata 3

4.4K 145 19
                                    

Nag-iinit ang ulo ni Callen sa hindi niya malamang dahilan. Habang nakasubsob ang mukha sa manibela ng kotseng ginagamit nila ni Arruba, mariin ang pagkakakuyom ng kaniyang dalawang kamay na nakapatong sa kaniyang hita. Naiinis siya. Nagagalit. Hindi niya alam kung kanino ibabaling ang nadarama.

“Damn!” mura niya nang magtaas ng tingin at nakita ang dalawang tao na hindi niya gustong makita sa mga sandaling iyon. Seryosong nag-uusap ang dalawa.

He gritted his teeth. Pinindot niya rin ang busina ng kotse. Kaagad na bumaling sa kaniya ang atensiyon ng dalawa. Nagtatanong ang mga mata. Kitang-kita niya ang iritasyon sa mukha ni Atreo, dahil hindi naman kalayuan ito sa kinaroroonan niya. Si Arruba ay tila walang pakialam sa nangyari. Nagkibit-balikat lang ito.

Mas lalo siyang nainis sa reaksiyon ng step-sister. Wala ba itong pakialam sa kaniya? Hindi ba nito alam na late na para makipagkuwentuhan pa ito sa bago nitong boyfriend?

Boyfriend. . .

Gustong sumabog ng sarili niya kapag naiisip iyon.

Nakapagtataka; hindi naman siya ganito noon.

Bakit bigla naman siyang hindi naging masaya sa isiping may boyfriend na si Arruba?

“I’m sorry, We keep you waiting.” Nagising siya sa pag-iisip nang magsalita si Arruba sa kaniyang tabi. Binalingan kaagad niya ito. Kunot ang noo.

“You should have asked your boyfriend to send you home,” aniya, hindi naitago ang inis sa boses.

“Galit ka ba?” si Arruba. “I’m sorry.”

Umiling siya bago pinaandar ang kotseng sinasakyan. Sinadya niyang bilisan ang pagpapatakbo nang nasa tapat na sila ni Atreo. Sa pamamagitan man lamang niyon, makabawi siya sa gigil na nadarama sa lalaki. Hindi naman siya nabigo, lahat ng alikabok ng school ground mula sa harurot ng kotse, napunta rito.

Hindi niya alam kung kailan nagsimula ang inis sa lalaki. Siguro noong nakita niya itong umaaligid sa step-sister niya. Pagkatapos ay nalaman niyang nanliligaw ito. Instinct kaagad ang umiral sa kaniya. Hindi ito nababagay kay Arruba dahil playboy ito at kilalang badboy sa isang distrito ng Berlin. Although he was rich; hindi pa rin siya kumbinsido. Kaya nang nalaman niyang may one-on-one match ang seniors at ang team nito sa basketball, pinilit niya ang mga seniors na kunin siya bilang starting members. Tulad ng inaasahan, hindi ito nakapasa sa kaniya. He wasn’t good enough, especially to Arruba. But dammit! Nakuha pa nitong tanungin si Arruba kung payag ba itong maging girlfriend. The audacity!

“Callen.” Tinig mula kay Arruba. “Nakikinig ka ba?”

“What is it?” tanong niya pabalik. Hindi naman kasi siya nakikinig dito.

Tinampal siya ni Arruba sa braso. Mabigat ang kamay nito kaya napangiwi siya sa konting sakit na nadarama.

“See? Your expression changed. Mukha kang kakain ng buhay na tao sa itsura mo kanina. Nanalo ang team ninyo sa game kanina. Hindi ka ba masaya?”

Paano siya magiging masaya sa nangyari kanina?

Gusto sana niyang isatinig iyon. Ngunit nang sulyapan niya si Arruba, malawak ang pagkakangiti nito. A genuine and beautiful smile that made his heart beat like crazy. Naumid ang dila niya. Ayaw niyang sirain kung anuman ang dahilan ng mga ngiti nito; kahit pa nagrarambulan sa kalooban niya ang panghihinayang, inis, at disappointment sa sarili.

“Do you like him?”

“Huh?”

Napailing siya. “Let’s have a cup of coffee,” bagkus ay sabi niya.

“. . . and a slice of cheese cake?” dugtong ni Arruba.

He chuckled. Binagalan niya rin ang pagpapatakbo ng kotse nang makita ang coffee shop na madalas nilang tambayan.

BS#2: HIS BEAUTIFUL OBSESSIONOnde as histórias ganham vida. Descobre agora