Kabanata 5

4.2K 155 16
                                    

Arruba’s relationship with Callen wasn’t the same anymore. Nagdesisyon siyang iwasan ito, matapos ng ginawa nitong paghalik sa kaniya sa burol. Naging big deal sa kaniya iyon, maging sa kaniyang puso, dahilan kung bakit kahit ilang araw na ang lumipas, mabilis pa rin ang tibok niyon. . . na hindi dapat, o hindi maaari.

It couldn’t be.

It was incest!

“Hey, babe, you seemed occupied. Got a problem?” It was Atreo. Magkatabi sila sa bench ng gymnasium. Nag-p-practice ang basketball team nito, saktong mag-p-practice rin sila.

Umiling siya. “Nothing.” Now, she knew that she was a good liar.

“You seemed cold, Arruba. Is it just me or you don’t like me at all.” Pasekreto siyang nag-ikot ng mata sa tinuran ni Atreo, bukod sa hindi niya rin gusto ang accent nito. Masyado kasi iyong matigas. Idagdag pang buong-buo ang boses nito na parang laging bagong gising.

Maarte na kung maarte. Marami siyang bagay na napupuna rito. Gustong-gusto na nga niya itong hiwalayan. Iyon nga lang, hindi niya magawa. Dahil kung gagawin niya iyon, tiyak na mas magugulo ang isip niya. Mas lalo siyang kukulitin ni Callen. Siya lang naman kasi ang umiiwas dito. Siya lang ang apektado sa ginawa nito.

Because he’s my brother. . . bulong niya sa sarili, validating her feelings.

“Arruba, hey.”

“Ang kulit mo!” naiinis na bulong niya.

“What?” tanong kaagad nito, halatang nagulat.

Malakas siyang napabuntonghininga. Inayos ang sarili sa pagkakaupo. “Nothing, Atreo. I’m just having mood swings. Hormones, you know.”

Tumango-tango ito, may ngisi na sa labi.

“Ang bilis mag-change ng mood, ah,” bulong niya ulit. Sinadya niyang igilid ang mukha para hindi siya nito mapansin.

“Why don’t we hang out? Night out. I know a place where you can relax. My friends want to meet you too. How about that?”

Nag-isip siya. Inikot-ikot sa kamay ang pompoms na dala.

Kung tatanggapin niya ang alok nito, baka makahanap din siya ng mga magagandang bagay tungkol sa lalaki. Hindi naman kasi sapat na mayaman lang ito, guwapo, at kilala sa school nila. Gusto rin niyang malaman kung anong klaseng tao ito. Maybe that way, she would allow herself to stay with him. Ayaw naman kasi niyang nagpapalit-palit ng boyfriend kahit bitch ang tingin sa kaniya ng marami sa school nila. In fact, Atreo was her first boyfriend.

“Don’t worry, I will take care of you.”

She sighed, still not so confident about what to say.

“What? Come on, join us.” Atreo tried to tickle her waist. Umiwas kaagad siya rito.

“Okay, fine. Deal.”

“Yes!” masayang sigaw nito na kumuha ng atensiyon ng mga naroon sa loob ng gymnasium. “It’s tonight, alright. I will come and fetch you.” Tumayo ito para bumalik na ulit sa paglalaro.

“Nope. You don’t have to. I can manage myself. Just tell me the exact location,” aniya.

“Are you sure?”

Ang kulit!

Atreo sighed in defeat when she did not bother to answer him. “Alright,” anito at tuluyang umalis.

Naiiling na napayuko na lamang siya. Iniisip kung anong alibi ang sasabihin para payagan siyang lumabas ni Callen. Ito kasi ang nakatukang magbantay sa kaniya, dahil nasa business trip ang kaniyang daddy at bakasyon naman ng kaniyang butler.

BS#2: HIS BEAUTIFUL OBSESSIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon