Kabanata 7

2.8K 118 6
                                    

Callen’s words had flattered Arruba, making her smile wider as she looked at the white snow she was holding. Pakiramdam niya’y iba ang ibig nitong ipakahulugan, isang katotohanan na sila lang ang may alam. Though she wasn’t sure what they really were, his mere presence had already vanished the worries she had been feeling. The same thing happened when he appeared in front of Atreo’s friend. It was sudden, but the sense of security he brought warmed her whole being. He became her hero in a single awkward situation.

Ang totoo, nagsisisi siya kung bakit pinaunlakan pa niya si Atreo. Wala naman kasi siyang nahanap na mabuting katangian nito habang nag-uusap sila. Mas marami pa nga ang negatibo, lalo na ang pagiging mayabang nito. Pakiramdam niya tuloy kanina habang kausap ito, nililipad siya ng hangin sa sobrang bilib nito sa sarili.

Napabuntonghininga siya. Tumayo na.

“Thank you for saving me a while ago,” she said, looking at Callen.

“You looked unhappy back then,” Callen replied, meeting her gaze.

Umiling siya. “I was just shocked. I never expected you to show up,” she said.

“Why? Do you really think I will let you out of my sight?” Seryoso si Callen. Kitang-kita niya sa mga mata nito.

“I know you won’t,” she said, smiling. Nilapitan niya si Callen. Walang ano-ano’y niyakap niya ito. “It’s getting cold, Callen, let’s go home,” aniya.

Callen embraced her back, making her feel warmer. Then, she felt him sniff the top of her head before he spoke, “Yeah, let’s go home, schatzi.”

Kinabukasan, nagpasya kaagad si Arruba na itigil na ang kahibangan niya. Nang mag-lunch break, pinuntahan niya kaagad si Atreo sa room nito. Hindi kasi sila magkaklase—iba ang schedule ng mga subject nito kumpara sa kinuha niya. Ganoon kasi ang sistema ng eskwelahan nila; ang estudyante ang mamimili kung anong subject lang ang kukunin para sa buong taon.

Tulad ng inaasahan, napuno ng kantiyawan ang silid-aralan nang pumasok siya at hinanap ang binata. Nakita naman niya kaagad ito. May hawak na bola habang nakaupo at nakikipagtawanan sa mga barkada. Mukhang engrossed nga ito sa ginagawa dahil hindi man lamang napansin ang kaniyang presensiya.

“Atreo. . . ” tawag niya rito. Kaagad naman itong napatingin sa kaniya. Nakita pa niya ang gulat na rumehistro sa mukha nito bago napangiti.

“Hi!” sagot nito, akmang lalapitan siya.

Umiling kaagad siya sa gagawin nito. Wala naman kasi siyang balak na magtagal doon. Ang gusto niya lang ay tapusin na ang relasyon nilang dalawa, dahil iyon naman talaga ang dapat at gusto niyang gawin noong una pa lang. Matigas lang ang ulo niya na bigyan pa ito ng pagkakataon, at para na rin iwasan ang kakaibang nadarama para sa kaniyang stepbrother. Iyon nga lang, hindi siya nagtagumpay. The invisible string that connected them was growing stronger, pulling them closer together.

“What brought you here?” si Atreo, may pagtataka sa mukha nito.

She looked around. Nagbubulungan ang ibang estudyante. Alam na kaagad niyang siya ang topic ng lahat, base na rin sa mga sulyap na ibinibigay sa kaniya. Gayunpaman, kahit ayaw niyang mapag-usapan, ayaw na rin niyang patagalin pa ang paghihirap ng sariling isip. Ayaw na niyang lumipas ang araw na hindi niya nagagawa ang bagay na gustong-gusto niyang gawin.

Humugot siya ng malalim na paghinga. Tiningnan si Atreo sa mga mata. “Let’s break up,” deretsong aniya.

Katahimikan. . .

Mahabang katahimikan. . .

Si Atreo ay bumukas-dili ang bibig, halatang mas nagulat ito sa deklarasyon niya.

BS#2: HIS BEAUTIFUL OBSESSIONOn viuen les histories. Descobreix ara