Kabanata 13

2.2K 110 12
                                    

Late mang umuwi nang nagdaang gabi, maaga pa ring nagising si Arruba para pumasok sa eskwelahan. Masaya siyang naglalakad sa hallway ng Dietrich mansion. Walang makasisira sa mood niya. Ngunit, nang tumapat siya sa study room ng ama niya’y bigla na lang siyang kinabahan nang marinig ang sigaw nito, sumunod ang pagkabasag ng isang bagay.

Gusto sana niyang tumigil para makinig sa kung anuman ang dahilan ng galit nito, ngunit pinili niyang huwag na lang. Marahil ay tungkol lang iyon sa negosyo. Isa pa, wala siyang ibang naiisip na dahilan kung bakit umaga pa lang ay mainit na kaagad ang dugo nito, kundi dahil lang sa business. Kampante siyang hindi nito alam ang pag-uwi niya at ni Callen kaninang madaling araw dahil may lakad din ito at umaga na umuwi.

Pero paano kung alam nito? sigaw ng mahadera niyang utak—na kaagad ding iwinaksi. Napakaimposible naman kasi.

Nagpatuloy na lamang siya sa paglalakad patungo sa small kitchen ng mansion. Doon, nakita niya kaagad sa ibabaw ng marmol na counter ang kaniyang sandwich, gawa ng isa sa kanilang mga katulong. As usual, wala ng tao sa loob ng kitchen, napakatahimik na at malinis. Ganoon palagi ang nangyayari kapag kukuha siya ng pagkain, nakahanda na ang lahat, kukunin niya na lang. Gustuhin man niyang magpasalamat ng personal, hindi niya magawa. Ilag ang lahat ng katulong sa kaniya, hindi naman sana siya nangangagat. Kung dahil sa awra niya o personalidad kung bakit takot ang mga ito sa kaniya, hindi niya alam. Ayaw niya rin mag-reach out, dahil siya ang tipo na hindi isinisiksik ang sarili para magustuhan ng iba.

Naisip niya si Callen. Ito lang talaga ang nakakaintindi sa kaniya.

Napangiti siya. Excited siyang naglakad patungo sa parking area ng kaniyang ginagamit na kotse patungong eskwelahan. Doon, naabutan niya ang dating driver, halatang hinihintay siya. Kaagad na kumunot ang noo niya nang makalapit dito. Ibig sabihin ba niyon ay hindi sila magsasabay ni Callen? Teka, nasaan na ba ito?

“Where’s Callen? And why are you here?” he asked the driver. Isa itong local German employee na may posturang maihahambing sa isang personal bodyguard, well built physique at maayos ang pananamit sa ternong black suit.

“I was assigned to drive you to school from now on, Miss Dietrich,” sagot nito habang pinagbubuksan siya ng pinto.

“What? W-why?” naguguluhang tanong niya. Tumuon din ang mga mata niya sa Dietrich Mansion, partikular sa bintana ng second floor na nakaharap sa kanila—bintana iyon ng opisina ng ama niya; at kung hindi siya nagkakamali, nakatayo ito sa mismong harapan niyon, sinisilip siya.

“It’s Mr. Edward’s request, Miss Dietrich. Now, if you don’t mind, please get in,” narinig niyang wika ng driver.

Walang nagawa na napasimangot na lamang siya habang pumapasok sa loob ng kotse. Kaagad niya ring kinuha ang cell phone sa bulsa ng bag pack na dala at tinawagan ang numero ni Callen. Nainis siya nang puro ring lang iyon at walang sumasagot. Imposible namang tulog pa ito.

Wala pa ring sumasagot sa pangatlong tawag niya kaya nagtipa na lamang siya ng mensahe para dito. Sinabi niyang magkita na lang sila sa library, kung saan ang kanilang tagpuan. Isa pa, hindi na rin sila magsasabay dahil kaagad na ring pinasibad ng driver niya ang kotseng sinasakyan, takot marahil na mapagalitan o masisante ng kaniyang ama sa trabaho.

Napabuntonghininga na lamang siya. Inayos ang sarili sa pagkakaupo. She had to act accordingly despite the trouble she had experienced the other night. Hindi man niya sadyain, pumapasok pa rin sa isipan niya si Atreo, lalo’t hindi naman nagsabi si Callen sa totoong nangyari dito. Paano na lang kung magkita sila sa school mamaya?

Nakarating siya sa Berlin International School na puno ng mga tanong ang isip. Gayunpaman, pinanatili niya ang istriktang awra na siyang palaging patsada niya. As usual, marami na namang napapatingin sa kaniya, ang iba’y napapataas ng kilay, ang iba nama’y napapairap.

BS#2: HIS BEAUTIFUL OBSESSIONWhere stories live. Discover now