Simula

17.4K 311 60
                                    

Sapo ang noo nang mapabalikwas ng bangon si Arruba. Agad niyang inilibot ang paningin habang kunot ang noo. Nanatili siya saglit sa kama bago rumihestro sa kaniya ang lahat.

"Fuck!" she cursed and tried to get up. Agad niyang napansin na hindi na niya suot ang kaniyang damit. She was now wearing nighties that boiled her anger. How dare them to touch her body!

Tinungo niya kaagad ang pinto ng kinaroroonan niyang silid. She tried to open the door but it was locked. Napaungol siya sa sobrang frustration. Hinampas niya rin ang matigas na pinto na gawa sa Narra. Nasaktan siya dahil sa ginawa sabay napakagat sa labi. Damn! Ano'ng gagawin niya?

She tried to be calm and released a heavy sigh. She walked back to the bed and sat on its edge before she roamed around her sight. Nakita niya ang isang veranda karugtong ng silid. She quickly got up. Mabilis siyang nagtungo roon. Nakahinga siya nang maluwag nang masigurong hindi naka-lock ang glass door niyon. She opened it, and the warm breeze from outside greeted her.

Masaya na sana ang pakiramdam niya nang masamyo ang hangin mula sa paligid ngunit agad napukaw ang kaniyang atensyon sa napakalawak na karagatan na kaniyang natatanaw. Napamura ulit siya sa isip. Saang empyerno ba siya dinala ni Leonard?

With a heavy heart, she went back to the room and scanned the area. She was hoping to find her clothes and her phone but she found nothing. The room was empty and quiet!

In panic, she cursed. Hindi na niya mabilang kung ilang beses na siyang nagmura sa mga nangyayari sa kaniya. She felt at ease but the inevitable fear started to rise inside her chest.

She went in front of the door, again. This time, she knocked it continuously that she didn't care if her hands would get hurt. She had to know where she was and the only thing she could do was to get their attention. Sisiguraduhin niyang mananagot ang walanghiya niyang butler sa ginawa nito sa kaniya.

"Leonard! Open the door! You asshole!" she exclaimed.

Paulit-ulit niyang tinawag ang butler at patuloy naman ang kaniyang mga kamay sa pagkalampag sa pinto ngunit naging bingi ang mga ito, bagay na lalong dumagdag sa naghahalong inis at takot sa kaniyang puso. She felt her chest tightened. This was the only time where she felt a total mess. She couldn't do anything nor could think straight. Then, a realization hit her.

"Callen!" she screamed. She began shouting his name nonstop. Inilibot din niya ang paningin at naghanap ng camera dahil sa posibilidad na pinapanood siya nito ngunit wala siyang makita.

"Fuck you, Callen!" she said restlessly. Itinigil niya ang ginagawa at nahiga na lamang pabalik sa kama.

She wondered why Callen abducted her. Wala naman siyang kasalanan dito. Baliw na marahil si Callen para gawin ang bagay na ito sa kaniya. Napabuntonghininga na lamang siya at pinilit ang sarili na kumalma. Binalak niyang matulog pero hindi niya magawa. Para bang sinasabi ng utak niya na nasa warzone siya at ang kalaban niya ay si Callen. Na hindi dapat siya magpapatalo rito. Galit siya sa lalaki at mas dinagdagan pa nito ang atraso sa kaniya dahil sa ginawa.

"Schatzi?" (little treasure?) Naputol ang anumang iniisip niya nang marinig ang mahinang pagbukas ng pinto at ang pagtawag ni Callen. Kilala na niya kaagad ito dahil sa pabangong gamit, maging ang boses nito'y memoryado na rin ng kaniyang isip.

Hindi siya sumagot nang tawagin siya nitong muli. Bagkus, ikinuyom niya ang kamao at huminga nang malalim. Gusto niyang saktan ang binata ngunit ramdam niya sa sarili ang pagod. Pagod, hindi lang sa pisikal kundi maging sa mental. Sa mga nangyari at sa mga mangyayari sa kaniya.

She was mad at Callen. She wanted to throw daggers at him, however, she chose to ignore his presence and closed her eyes. Naisip niya kung may katuturan pa ba ang pakikipagtalo rito. Maybe, ignoring him would be better.

"I thought you were calling me." Naramdaman niyang lumundo ang kama na kinahihigaan. She instantly opened her eyes when she felt Callen's arms wrapped around her waist.

Déjà vu!

Memories came flashing inside her head.

"I'm sorry," bulong nito sa kaniyang likuran. Ang mainit nitong hininga ay tumatama sa kaniyang batok. "Please, talk to me, Arruba."

She heaved a sigh again before asking, "Why are you hurting me? Why are you doing this?" Marami siyang tanong kay Callen, mga bagay na gusto na sana niyang ibaon sa limot.

"Because I am here, schatzi. Not that imbecile Monterio. I want you to see that," sagot nito.

Umiling siya. Ayaw niyang paniwalaan kahit na anong salita ni Callen. He betrayed her once and that was enough.

Napapikit siya at nagwika, "You're impossible, Callen. You think I would believe you?"

"You are my queen, Arruba. A commoner like me will always bow down to you," he whispered.

Napangiti siya nang mapait. Bumulong, "You're ten years late, Callen."


@sheinAlthea

@sheinAlthea

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
BS#2: HIS BEAUTIFUL OBSESSIONWhere stories live. Discover now