Kabanata 6

5.8K 181 29
                                    

If the bottle Callen was holding was fragile, it would have already been broken because of his tight grip. Wala na iyong laman, pero tinutungga niya pa rin, habang ang mga mata ay nakatuon sa isang bulto na masayang nakikipag-usap katabi ng boyfriend nito. Seeing the two, made his heart rage with jealousy. Tila gusto niya tuloy balian ng leeg ang lalaki na masayang nakaakbay sa babaeng para sa kaniya.

Yes, she was his to begin with. But dammit! Destiny had its own way of tormenting his feelings. His most prized possession seemed out of reach, slipping through his fingers like sand. One moment, they were okay, then suddenly, everything shattered.

Is it because of his audacity?

Did he push her away because of the kiss?

Wala siyang maisip na sagot sa sariling tanong, dahil pakiramdam niya nang sandaling iyon, binibigyan siya nito ng karapatan.

Nagkamali lang ba siya?

Did he cross the line?

Napabuntonghininga siya. Binitiwan na rin ang hawak na bote at kinuha ang bagong order na inumin, at tumungga ulit. Iniiwas niya rin ang paningin nang tumama ang ilaw sa kaniyang mukha mula sa umiikot na LED lights sa bar na iyon. Nasa sulok siya ng lugar. Kanina pa umiinom mag-isa, habang tila stalker.

Maingay ang bar dahil sa rock music na pumapailanlang. Maraming nagsasayawan sa gitna ng dancefloor, karamihan ay magkasintahan na naghaharutan. Maalinsangan ang paligid. Mainit. Iyon ang klase ng lugar na hindi niya gugustuhing puntahan. Idagdag pa ang umiikot na usok ng mga nagsisigarilyong parokyano sa loob. Masakit ang matapang at naghahalong amoy niyon sa kaniyang ilong.

You need to endure this, idiot! pagkastigo niya sa sarili.

Yeah, he needed to keep his calm, even though he wanted to strangle someone’s neck.

“Hi! Care to drink with me, handsome?” tanong ng kung sino sa kaniya.

“No thanks.” Ni hindi man lamang niya tinapunan ng tingin ang babae. He drove them away with his cold remarks. Hindi na rin niya matandaan kung pang-ilan na ba iyon. He wasn’t interested in them anyway, his indifference palpable in his demeanor. Nandoon lang naman talaga siya para magbantay, at hindi para lumandi.

Ibinalik niya ulit ang paningin sa dalawang nilalang.

“Fucking shit!” malutong niyang mura. “Don’t you dare, Arruba,” he added, clinching his jaw.

Marahas niyang binitiwan ang hawak na bote ng beer. Tumayo. Sa impact na ginawa niya, natumba ang stool na kaniyang kinauupuan. Umagaw rin siya ng atensiyon sa ibang mga naroroon, bakas ang pagtataka sa kanilang mga mata. Habang ang dalawang tao na kanina pa niya pinagmamasdan, kasama ng mga kaibigan, hindi siya napansin. Abala pa rin ang mga ito sa kung anumang ginagawa—na siyang nagpakulo ng husto sa kaniyang dugo.

Hindi niya napigilan ang sarili. Unti-unti siyang humakbang palapit sa grupo habang may malalalim na paghinga. Galit siya, bakas sa nakakunot niyang noo at nakakuyom na kamao. The emotion within him was too much that it felt like he was burning. It was barely controllable.

“Get your filthy hands away from Arruba, Atreo,” aniya nang makalapit sa grupo.

“C-Callen?” narinig niyang usal ni Arruba, halatang nagulat ito base sa boses na gamit—dapat lang naman talaga. Tumakas naman kasi ito. “Why are you here?”

Hindi niya sinagot si Arruba. Naroon pa rin ang mga mata niya sa baso na hawak ni Atreo. Ang basong pinipilit nitong kunin ni Arruba. Matapang na alak ang laman niyon, na kung hindi siya nagkakamali ay puwedeng ikawala ng malay ng kung sinumang iinom.

BS#2: HIS BEAUTIFUL OBSESSIONWhere stories live. Discover now