Chapter Twenty-Six: MY HEART BEATS FAST

67 15 56
                                    

Maky's POV


Nang makapark na ako dito sa school ay may nakita akong babaeng papalapit. Pagkababa ko saka ko lang nakilala na si RJ lang pala.

Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Habang ginagawa yun parang nag-slomo ang paligid kaya naman napalunok ako and the normal beating of my heart gets fast.

She looks different today.


I mean...


parang gumanda siya sa ayos niya ngayon.


WHUT?!


Did I say she's beautiful??


"Ano yang ayos mo?" eto na lang ang nasabi ko sa kanya.

"Aah. Wala. Bakit?" tinanong pa ako kung bakit.

"Nothing. It's just that you look different today. Dapat ganyan palagi ang ayos mo." what? Did I just say that?

Anyway, bago pa ako makapagsalita ng kung ano-ano. Kinuha ko na ang malaking karton sa backseat na ipapabitbit ko sa kanya. These are the equipment and materials we used last UniSportFest. Hindi naman siya kabigatan kaya kayang-kaya na ni RJ tong buhatin.

"Ah boss Maky. Saan ko dadalhin to?" tanong niya sa akin bitbit na ang karton.

"Sundan mo na lang ako." at nagsimula na akong maglakad. Nauna ako sa kanya sa paglalakad.

"Okayy." sabi niya na sumunod na rin siguro sa akin.

Saan kami pupunta?

Malamang sa gymnasium kung saan may room for basketball equipment and materials doon.


Nang malapit na kami doon. Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ko at kunwari may tinitignan at kunwari nagta-type na rin para hindi ko makita ang mukha nitong RJ.

Hanggang ngayon kasi. Iba pa rin ang tibok ng puso ko at sa tingin ko, hindi maganda to.

"Ilagay mo na lang ang mga yan diyan. Pero ilagay mo nang maayos ha." sabi ko habang nakatingin sa phone ko nang makarating kami sa basketball equipment/materials room.

At pumasok na siya para ilagay ang karton nang hindi pa rin siya tinitignan.

"Tapos na boss. Tara na!" sabi niya ng matapos na siya at nagpagpag pa siya ng kanyang kamay.

Hindi na ako nagsalita at nauna na akong naglakad. At naramdaman ko naman na sumunod siya sa akin. Alangan naman na mag-stay pa siya doon diba?

Hindi ko na pinabitbit sa kanya tong bag ko. Kawawa naman siya.


What?!


Siya?!


Kawawa?!


Deserve niya kaya!


Anyway, napag-isipan ko na lang na hindi ko na lang ipapabitbit sa kanya. Next time na lang.

Ibinulsa ko na ang phone ko since hindi ko naman siya nakikita dahil nasa likuran ko lang naman siya.

Ibinulsa ko na rin ang mga kamay ko habang naglalakad.

𝐓𝐇𝐄 𝐂𝐄𝐑𝐓𝐈𝐅𝐈𝐄𝐃 𝐍𝐄𝐑𝐃Where stories live. Discover now