Chapter Five: FOR THE SECOND TIME AROUND

106 30 58
                                    

RJ's POV


Pag-uwi ko sa bahay pagkatapos ng trabaho ko ay nakaluto na si nanay ng hapunan. Ops! Nauna siyang nakauwi kesa sa akin. Dederetso na sana ako agad sa kwarto dahil baka mapansin niyang iba tong damit ko ng bigla siyang lumingon sa akin at ngumiti.

Ngumiti na lang din ako ng pilit sa kanya bago dumiretso sa kwarto para mag-isip ng dahilan. Bakit parang ang aga niya naman yata ngayon? Napansin niya kaya tong damit ko?

Kaya naman nagbihis na ako kaagad at inilagay sa basket ng labahan.

Paglabas ko ng kwarto ko ay nilapitan ko agad siya at tinulungan na mag-ayos sa hapag-kainan.

"Nay! Maaga kang nakauwi ngayon ah. Hehehe." sabi ko habang hinahanda yung gagamiting plato at kubyertos.

"Maagang naubos yung tinda ko ngayon anak kaya napaaga ang uwi ko. Gulat nga ako kasi wala pang tao dito sa bahay. Eh dati rati naman eh ikaw ang unang nakakauwi." sabi niya habang hinahain na ang kanin at ulam sa hapag-kainan.

"Nagulat din nga po ako na maaga kang nakauwi ngayon nay. Hehe." pagkatapos nun ay umupo na kami. "Pero mabuti po nay na natinda niyo lahat yung tinda niyong gulay."

"Ganun talaga. May mga araw na matumal ang benta at may mga araw din naman na nauubos ang tinda." tumango-tango ako sa mga sinabi niya.

Nahanda na ang lahat ang pagkain. Nagdasal muna kami bago kumain.

"Anak, may tanong ako." sabi niya ikinatigil ko sa pagsubo. Napalunok ako.

"Ano po yun nay?" medyo kinakabahan na ako sa magiging tanong ni nanay.

"Bakit ka nga pala late nakauwi ngayon?" tanong ni nanay bago niya isubo ang kakainin. Huwews. Akala ko napansin niya yung damit ko kanina. Sana di niya talaga napansin.

"Uhm, ano nay, uhm..." nagkamot ako ng ulo para mag-isip ng magandang dahilan. "Ano nag-meeting kami, oo nag-meeting kami after class kaya late po ako nakauwi." tapos ngumiti ako ng alanganin. Sana umobra tong palusot kong to.

"Aaah. Okay." sabi niya. Salamat na lang at nalusotan ko. At mabuti na lang hindi na siya nagtanong kaya nagpatuloy na kami sa pagkain.

Pagkatapos kumain ay naghugas na ako ng pinagkainan at inihanda ko na rin ang lalabhan ko. Yung damit nung Maky na yun at isinama ko na rin ng kaunti yung mga damit namin ni nanay sa mga nakaraang araw. Hindi ko na muna lalabhan yung pinahiram ni Ate Hailey at baka makita pa ni nanay at magtanong ulit.

Kabaligtaran talaga ang ugali nilang magkapatid. Si Ate Hailey, ang bait-bait. Si Maky, ang sungit-sungit naman. Isang anghel at isang demonyo. Charr.


Habang naglalaba...

"Bwisit talaga yung Maky'ng yun, akala mo kung sinong gwapo. OO! Gwapo nga siya pero ganun namang kinapangit ng ugali niya! Napakasungit! Kainis talaga siya!!" sabi ko habang kinukuskos tong damit ni Maky. Siyempre namantsaan kaya tudo kuskos. Hahaha.

"Sino yang kinakausap mo diyan anak?" lol. Narinig pala ako ni nanay, malakas pala pagkasabi ko nun. Nilapitan pa niya talaga ako dito para tignan.

"Wala po nay. Hehehe." sagot ko at bumulong si nanay na narinig ko naman. Hahaha.

"Hay naku, baliw na ata tong anak ko." napatigil ako sa pagkuskos dahil sa sinabi niya.

𝐓𝐇𝐄 𝐂𝐄𝐑𝐓𝐈𝐅𝐈𝐄𝐃 𝐍𝐄𝐑𝐃Where stories live. Discover now