Chapter Thirty-Eight: BIRTHDAY AND FIRST DATE

52 10 19
                                    

RJ's POV


Nandito ako ngayon sa kwarto ko at nagmumuni-muni. Tulala lang saking kwarto at nagmumuni-muni. Sige bes konsensiya, kanta ka pa. Ituloy mo lang yan. Charot.

Nakahiga ako ngayon at nakatingin sa kisame at hindi ko talaga maiwasan na isipin ang mga nangyari ngayong araw. Ngayong Valentine's Day.

Hindi ko maiwasang mapangiti sa naiisip ko ngayon. Iniisip ko pa lang yan ah pero napapangiti na ako.

At naalala ko ang usapan namin ni Maky kanina.



A while ago...


Pagkatapos ng meeting namin ay agad akong hinawakan ni Maky sa may pulsohan ko at kinaladkad palabas ng room hanggang sa kotse niya sa parking lot. Opo, kinaladkad ako hanggang sa parking lot. Pero okay lang, nakahawak naman siya sa akin. Ahihihi. Landi mo teh!

"Get inside." seryosong sabi niya sa akin at binuksan niya ang pintuan ng kotse niya sa may passenger seat.

Naguguluhan pa rin ako sa mga inaakto niya. Ni hindi ako makapag-concentrate sa meeting kanina. Nakatingin lang ako sa kawalan at nakatunganga. Ni di ko na nga din alam kung tungkol saan yung meeting namin kanina.

Pagkabukas niya ng pintuan ng kotse ay umupo ako sa shotgun seat. Isinara niya ang pintuan at lumiko siya para makasakay na rin.

Pagpasok niya ng kotse niya ay nakatingin lang ako sa kanya at di makapagsalita.

Tumingin siya sa akin bago magsalita.

"Where do you want to have lunch?" sabi niya ng napakaseryoso na nakatingin sa akin.

OMZ. Totoo ba talaga yung sinabi niya kanina sa room? Ipinagsigawan pa niya kanina kaya imposibeng biro lang yun. O baka nantri-trip? Hanuba. Gusto ko siyang tanungin pero di ko magawa.

"K-kahit saan... p-pero may tatanungin pa sana ako sayo." medyo nag-aalangan ko pang sabi pero kailangan ko ng kumpirmasyon.

Huwag padalus-dalus sa lahat ng iniisip dahil magmumukha lang akong desperada at assuming. Pero naga-assume talaga ako. Ano pa bang magagawa ko? Sigurado din naman ako ganito din ang mararamdaman niyo.

"Let's talk about it later. Let's eat first, I'm hungry." sabi niya at pinaandar na niya ang kanyang kotse at umalis.


Habang nasa daan ay nakatingin lang ako sa harapan na di ko malaman kung saan kami kakain ng tanghalian. Tanghalian na pala. Di ko man lang napansin ang paglipas ng oras.

Napatingin ako sa rear-view mirror at nakita ko yung mga gifts na natanggap niya kanina na nasa backseat kaya naman naalala ko yung iba pang gifts sa locker niya.

"Yung mga gifts mo pala sa locker mo, hindi mo na nakuha." nahihiyang sabi ko. Shems! Napaka-awkward ng atmosphere. Di ko kaya to.

"Just leave them there. I don't need them anyway." aww. Sayang naman. Sana sa akin na lang binigay. Choss.

Medyo disappointed ako kasi nag-effort yung mga babaeng nagbigay nung mga yun tapos sasabihin lang niyang di niya kailangan?

Omo! Oo nga, di ko pa nga nakikita locker ko, baka may naglagay din doon? Question mark kasi di ako sure. Hahaha. Pero ang tanong, sino naman magbibigay at mag-iiwan doon? Hays. Asa pa ako.

𝐓𝐇𝐄 𝐂𝐄𝐑𝐓𝐈𝐅𝐈𝐄𝐃 𝐍𝐄𝐑𝐃Where stories live. Discover now