Chapter Thirteen: HANGOUT PLACE

63 16 49
                                    

RJ's POV


Papunta na ako sa mall. Hindi na din ako nag-agahan at baka mas matagalan pa ako sa pagpunta sa meeting place namin ni boss devil which is sa labas ng department store ng mall.

Tinignan ko ang oras sa phone ko at 9:15 am na. Late na ako ng 15 minutes. Traffic kasi eh. Siguradong susungitan at papagalitan na naman ako ni boss devil dahil late ako sa usapan. Hay naku naman.

Malapit na ako sa meeting place namin at nakikita ko na siya, tumitingin-tingin din siya sa wrist watch niya. Malayo pa lang, kitang-kita ko na ang pagkunot ng kaniyang noo.

Nakita na niya ako at nakakunot nga ang kanyang noo. Kulang na lang ay magkakadikit na ang kanyang mga kilay sa sobrang kunot ng noo nito.

"You're late." yan ang agad na bungad niya sa akin. Sabi ko na nga ba papagalitan at susungitan niya ako. Sino ba naman kasi ang pabigla-biglang magsabi na magkikita kami today? Bakit di niya sinabi kagabi?

"Traffic." yan lang ang nasabi ko. Baka kasi gumawa pa kami ng scene dito sa mall kapag sinabayan ko yang pagsusungit niya.

"Kahit na. Bakit ba kasi ang bagal-bagal mong kumilos?? Ang pinakaayaw ko sa lahat ay ang pinaghihintay ako ng matagal. Alam mo bang ikaw pa lang ang hinintay ko nang matagal? Hindi ka naman maganda para hintayin ka nang matagal. Sinisi pa talaga ang traffic." hays. Andami na naman pong sinabi. Kung hindi ko lang talaga kailangan ang pagiging P.A. ko sa kanya. Matagal na akong sumuko dito.

Pero dahil kailangan, titiisin ko na lang. Para sa amin naman ni nanay to kaya ginagawa ko to.

Pero gustong-gusto ko na siyang sumbatan sa mga pinagsasabi niya, alam kong hindi ako maganda. Halata na nga, pinagsasabi pa.

Atsaka, ikaw ba naman ang makikipagkita ng 9:00 am pero tatawag ka ng 8:00 am sa ka-meet mo? Siyempre, magkukulang ako ng time para makapag-ayos. Ni hindi na nga ako nag-agahan eh para hindi ma-late.

Pero maco-control ko ba ang traffic? Kaya eto, na-late ako ng 15 minutes. At 15 minutes pa lang naman, hindi pa yan matagal no. Ang OA ng taong to.

Gusto kong sabihin sa kanya lahat yan pero nanatili lang akong tahimik.

"What?? Tatahimik ka lang diyan ngayon? Hindi ka makapagsalita dahil totoo?" ang sungit talaga. Nakataas pa ang isang kilay. Sarap lang bigwasan ang taong to.

I sighed before I speak. "Sorry." yan na lang ang naging sagot ko sa mga sinabi niya. Sana naman eh tumigil na siya sa pagsusungit at gagawin na namin ang ipapagawa niya sa akin.

Ano kayang trip nito at nandito kami sa mall? "Ano pala ang gagawin natin dito?" curious na tanong ko sa kanya.

"Eh ano bang ginagawa dito?" pabalik na tanong niya sa akin. Anong alam ko ba sa mga nagagawa dito? Ang alam ko lang eh ang mamasyal. Yun naman talaga usually eh. Kapag naman namasyal, kasama na dun ang pagpunta ng kung saan-saan at pagbili ng kung ano-ano. May mga couples din na nandito.


Wait.


Di kaya...


I looked at him.


"Teka, magde-date ba tayo?" deretsahan kong tanong sa kanya. Bakit hindi niya sinabi sa akin para naman nakapag-ayos ako ng mabuti? Ide-date niya ba ako?

May gusto na ba siya sa akin dahil naging mabait ako sa kanya habang nag-p-P.A. ako sa kanya? May na-develop na ba siyang feelings sa akin habang P.A. niya ako?

𝐓𝐇𝐄 𝐂𝐄𝐑𝐓𝐈𝐅𝐈𝐄𝐃 𝐍𝐄𝐑𝐃Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon