Chapter Thirty-Four: HE'S BACK AND HER FEELINGS

55 11 25
                                    

RJ's POV


Panibagong araw na naman dito sa school at kakatapos lang ng first subject namin for today. Major subject ito at sa subject na ito ay mag-o-OJT (On-the-Job Training) or Immersion kami.

In-orient lang kami ng adviser namin which is siya rin yung professor namin for this subject. May isa pa kaming subject for today at hinihintay lang namin si Prof dito sa room. After this subject ay magse-secure kami ng mga requirements and documents para sa OJT namin na ipapasa bukas makalawa.


After how many minutes ay dumating na ang Prof namin for our second subject. Pagkalapag ni Prof ng mga gamit niya sa table sa harapan ay siyang dating naman nila Maky at Emman, at may kasama rin silang napakagandang babaeng ang ganda ng ngiti. Napakaputi nito at ang kinis ng kanyang balat. Parang alagang Belo. Only Belo touches my skin ang peg niya. Charot.

"Hello, Miss! Can I join this class? Like, can I sit in?" sabi nung babae na nakangiti pa rin at may pagka-british accent pa.

Sina Maky at Emman ay nakaupo na sa kani-kanilang upuan. Iniwan lang nila yung babae na kumausap kay Prof.

"I am on a vacation right now and I don't know how am I going to spend the rest of my time here in the Philippines. And I want to be with the guy at the back." sabay turo niya dito sa likuran sa bahagi nina Maky at Emman. Hindi ko alam kung sinong guy ang tinutukoy niya. Kung si Emman ba or si Maky.

Siguro si Emman. Imposible naman na si Maky diba? Charot. Hahaha.

Nagsalita si prof. "Okay. Ms.?"

"It's Shayne. Shayne Castillo." pagpapakilala nung babae kay Prof.

"Okay, Ms. Castillo. You may sit now."

At naglakad na siya papunta dito sa likuran at pumunta sa kanan ni Maky dahil bakante ito. Si Emman pa rin kasi yung katabi ko dito sa kanan ko. At dito sa kaliwa naman ay kaklase ko. Hindi si Aaron dahil irregular student siya at hindi ko siya classmate sa araw na ito.


At nagsimula na rin mag-discuss si prof about sa curriculum namin. First time pa lang kaming i-meet eh.

Habang nagsasalita si prof sa harapan ay pasulyap-sulyap ako kay Maky at kay Shayne. Si Maky ba tinutukoy niyang Shayne na yan? Nakow pow. May karibal pa ata ako. Sa itsura pa lang niya. Talo na ako. Hays. Bumuntong-hininga na lang ako sa naisip ko at umiling-iling.


After ng class ay agad akong lumapit kay Maky at kinuha ang bag niya.

"Oh, why did you get Devin's bag?" takang tanong sa akin nitong Shayne.

"Because-" hindi pa ako tapos magsalita nang magsalita si Maky.

"She's my P.A."

"Aah. Will she carry my bag too?" pa-cute pa niyang sabi kay Maky.

Magrereklamo na sana ako ng magsalita ulit si Maky.

"Yeah, of course. You can give it to her. Come on." what?? Hays.

At ibinigay na nga ni Shayne yung shoulder bag niya. Wala na akong nagawa at kinuha na lang ito. Lumabas na silang tatlo at sumunod na lang ako sa kanila.

Naunang naglalakad sina Shayne at Maky at kwento nang kwento naman yang Shayne na yan kay Maky na naka-angkla pa sa braso ni Maky. Minsan nga di ko maintindihan sinasabi kasi deretsong english. Charot lang. Mabilis kasi siyang magsalita.

𝐓𝐇𝐄 𝐂𝐄𝐑𝐓𝐈𝐅𝐈𝐄𝐃 𝐍𝐄𝐑𝐃Where stories live. Discover now