Chapter Twenty-Eight: A DAY WITH THE HEARTTHROB'S SISTER

60 12 54
                                    

RJ's POV


"Hay naku, RJ. Don't worry. Akong bahala sayo." sabi ni ate Hailey with kindat pa.

"Yun naman pala eh. Huwag ka nang mag-alala. Nandito na ang iyong fairy godmother." ngiting sabi naman ni MJ. Kaya ngumiti na lang din ako at natawa sa sinabi niya. Fairy godmother talaga. Hahaha.

"Okay girls, I need to go. I'm expecting you two to come. And oh RJ, we'll just meet on Saturday since next week na siya. I will help you to prepare for it. I will just message you the time, okay?" tumango ako bilang pagtugon at umalis na siya.

"So ayan ha, makaka-attend ka na. Huwag ka nang tumanggi. Magiging masaya to for sure." ngiting sabi ni MJ sa akin.

"Nakakahiya pero wala na akong magagawa, nandoon na eh. Nasabi na niya. Magkikita na kami sa Saturday. Alangan naman na tanggihan ko pa." seryoso kong sabi sa kanya.

"Nahiya ka pa." kita mo to. Seryoso yung tao eh. "So yeah, tara na nga. Milktea na tayo. Let's celebrate!" tapos hinila na niya ako. Wala na lang din akong nasabi.




Ilang araw ang nagdaan at Saturday na. Lalabas daw kami ni Ate Hailey at susunduin daw niya ako. Nasa labas na ako ng bahay habang hinihintay siya. Sinabi na daw niya kay Maky na hihiramin niya ako for today. Ano yun? Parang nagpaalam lang sa boyfriend? Charot. Ang epal ko lang. Hahaha.

Mga ilang minuto lang ay may paparating na matte pink na Toyota Corolla Hybrid. Ngayon ko lang nakita tong kotse na to na dumaan dito. Sino kaya to? Nakikita ko din to sa school eh pero hindi ko lang alam kung kanino.

Nang malapit na siya ay nag-slow motion siya at huminto dito sa harapan ng bahay namin.

Habang inaaninag ko kung sino yung driver ay bumukas naman ang salamin sa may driver's seat at nakita ko si Ate Hailey na nakangiti. Ang ganda ganda pa niya. So kanya pala tong kotse na to.

"Am I too late? Sorry." sabi ni Ate Hailey. Bakas sa kanyang mukha at boses na taos-puso siyang humihingi ng tawad.

"No ate. Okay lang. You're just in time." ngiting pabalik ko sa kanya.

"So let's go. Sakay ka na." pagkasabi niya nun ay sumakay na ako sa kotse niya.


Pagkatapos ng ilang minuto ay nakarating na kami dito sa isang shop na isang fashion factory kung saan dito na namin siguro bibilhin ang gagamitin naming gown ni Ate Hailey para sa Masquerade Ball. Malaki ang building at halata na mamahalin ang mga binebenta ditong dress at gowns.

"Good morning ma'am." bati sa amin ng guard na ang lapad ng ngiti sa amin. Binati rin namin ni Ate Hailey si manong guard.

Pagkapasok namin ni Ate Hailey ay may sumalubong sa amin na babae na nakangiti rin at binati kami. "Good morning ma'am! Welcome to Ladies Fashion Beautique!" ganito ba talaga dito sa shop or company na to? Napaka-hospitable naman nila. Na-train siguro sila ng may-ari. Tumango rin kami ni Ate Hailey at binati siya pabalik.

"This boutique is owned by one of my mom's amiga. Usually, dito kami nagpapasukat ng mga gowns na gagamitin namin for any events. And sometimes, we buy here." sabi ni Ate Hailey. So dito namin bibilhin ang magiging gown namin for the Masquerade Ball.

𝐓𝐇𝐄 𝐂𝐄𝐑𝐓𝐈𝐅𝐈𝐄𝐃 𝐍𝐄𝐑𝐃Where stories live. Discover now