Chapter Twenty-Five: YOU LOOK DIFFERENT

60 16 39
                                    

RJ's POV


Gumising ako nang maaga dahil nga yun ang sabi ni Maky sa akin sa text kahapon.

May sinabi ba talaga siya sa akin na dapat maaga ako?

Hmm...

Ah basta, aagahan ko pa rin. Dapat mas mauna ako sa kanyang dumating sa school.


Kasalukuyan na akong nagbibihis. Pagkatapos kong maglagay na pulbos ay nakita ko ang hikaw ni mama.

Try ko kayang mag-hikaw?

"Nay, pwede ko bang hiramin tong isang pares ng hikaw mo?" pasigaw kong tanong dahil nasa labas lang si nanay.

"Oo naman anak. Kunin mo na lang diyan." pasigaw din na sagot ni nanay.

"Thank you nay!"

Hindi ko na hinayaan pang sumagot si nanay at sinuot na ang hikaw na gusto ko. Isang pares na stud earrings na hugis puso ang disenyo at sa gitna nito ay may diamond na hugis puso din.

Hindi kasi ako mahilig maglagay ng hikaw kaya naman medyo naiilang ako pero titiisin ko na lang muna.

Si nanay naman. Mahilig siyang maghikaw kaya naman may mga ilan din siyang pares ng mga hikaw.

Pagkalagay ko ng hikaw sa tainga ko ay nakita ko naman ang lisptick ni nanay.

Napahawak ako sa bibig ko.

Try ko din kayang mag-lipstick?

"Nay! Pwede rin bang humiram ng lipstick mo?" pasigaw ulit pero pagkatapos nun eh nakita ko si nanay sa may pintuan.

Curious yung mukha niya.

"Tanong ko lang ha." tapos lumapit siya sa akin. "Alam ko naman na maganda ka na. Pero ngayon, may pinapagandahan ka ba?"

"Ah.... Eh.... Ano po kasi nay. May group report po kami sa activity namin last week. Hehe." napakamot ako sa batok ko. Ang bilis mong mag-isip ngayon RJ ah.

"Ah, ganoon ba. Sige tara, ayusan kita." sabay hawak sa buhok ko at sinuklayan niya ito.

Magsasalita na sana ako ng magsalita ulit si nanay.

"Pakitingin diyan sa maliit na box anak, may clip ako diyan eh. At icli-clip ko tong buhok mo." utos niya sa akin.

At tinignan ko rin yung clip na sinasabi niya.

"Eto nay oh." sabay abot sa kanya ang clip na kinuha ko sa maliit na box. Clip na may disenyong pulang ribbon. Ang cute din.

Kinuha na niya ang clip at hindi na nagsalita. Tahimik lang kami habang inaayusan ako ni nanay.

At pagkalagay ni nanay ng clip sa buhok ko ay nagsalita siya.

"Ayan, maganda ka na." sabay harap ni nanay sa akin na nakangiti. Ngumiti rin ako.

"Pero nakalugay po talaga? Bagay po ba?" paga-alangan na sabi ko kay nanay.

"Mas bagay mo nga ang nakalugay eh. Ang ganda kaya ng buhok mo, mahaba na wavy."

"Talaga nay? Sabi mo yan ah."

Maglalagay na sana ako ng lipstick ng magsalita si nanay.

"Hindi ka pa naglagay ng lipstick? Halika at ako na ang maglalagay." sabay kuha sa akin ang lipstick at linagyan na niya ang lips ko.

𝐓𝐇𝐄 𝐂𝐄𝐑𝐓𝐈𝐅𝐈𝐄𝐃 𝐍𝐄𝐑𝐃Where stories live. Discover now