Chapter Three: FIRST MEETING

106 32 30
                                    

RJ's POV


Nagising ulit ako nang maaga para ipagluto ang nanay ko at para na rin hindi ako ma-late sa trabaho ko at sa school.

Habang naglalakad ako ay hindi ko maiwasang isipin si tatay. Kung kumusta na kaya siya at kumusta na sila ng bago niyang pamilya?

Oo, hindi kayo nagkakamali sa nabasa niyo, may iba ng pamilya ang tatay ko. Hindi ko pa rin nakakalimutan ang araw na umalis siya sa bahay at sumama sa kabit niya. Niloko niya si nanay. Niloko niya rin ako. Masakit sa amin ang nangyaring yun lalo na sa akin dahil tatay's girl ako tapos aalis lang siya ng ganun ganun na lang para sa ibang tao? Sino ba naman ang hindi masasaktan dun diba? Sino ang di magagalit dun?

Grade 6 na ako noon kaya alam ko na ang mga nangyayari sa mga panahong yun. Kaya naman malaki talaga ang galit ko sa tatay ko. Sinabi ko pa sa sarili ko na hinding-hindi ko siya mapapatawad dahil sa ginawa niya at ayaw ko ulit siyang makita.

Pero sa paglipas ng panahon at ng maraming taon ay tinanggap ko na lang na hindi na talaga kami mahal ni tatay at natutunan ko na rin siyang pinatawad. Inalis ko yung sama ng loob ko sa kanya, yung galit at inis ko sa kanya. Dahil kahit na anong gawin ko, bali-baligtarin man natin ang mundo o maging square ang buwan, tatay ko pa rin siya at nami-miss ko na siya.

Iba talaga kapag mahal mo yung tao. Kahit na madami silang di magagandang ginawa sayo, kahit na paulit-ulit ka nilang saktan ay mamimiss at mamimiss mo pa rin sila. Kaya ngayon, hinihiling ko na sana magkita na kami. Gustong-gusto ko na ulit siyang makita at yakapin.

Ano na kayang itsura niya ngayon? Ano kaya ang magiging reaksiyon ko kung sakaling magkita kami?

Hay naku! Pang-MMK na itong kwento ko. HAHAHA. Bago pa ako maluha rito at magka-Oscar Award, nandito na ako sa school at papunta na sa first class ko. Hindi na ako nalito sa paghahanap ng room dahil medyo kabisado ko na ang mga rooms.

Sa second at third class namin ay nagsimula na din silang mag-discuss at masaya naman ang discussion. Nagte-take down notes at nakikinig ako ng mabuti sa instructors.

Kaya lang hindi pa rin maiiwasan na pinag-uusapan ka at binubully ka ng mga classmates mo. Pero okay lang, huwag na lang akong magpapaapekto dahil kung pinapakita mong affected ka, lalo kang bubully'hin at pag-uusapan kaya tumahimik na lang ako at di na lang sila pinansin. Yang ang best teknik na gagawin, ang balewalain sila para magmumukha silang desperada at baliw. Hahaha.

Sa past school ko, binubully din ako kaya hindi na bago sa akin. Pero kapag sobra na sila at nasaksaktan na ako. Doon na ako lumalaban. Hindi ko naman hinahayaan na saktan nila ako physically, kapag sa mga salita lang okay lang, natatanggap ko pa dahil alam ko naman na hindi naman totoo mga sinasabi nila. Gaya na lang kung sabihin nilang pangit ako, aba'y sasabihin ko na lang na "Halata na nga pinagkakalat mo pa!" Ganyan ang palaban, huwag magpaapekto. Hahaha.

Natuto kasi akong maging positibo sa lahat ng bagay. Kahit na negatibo ang tingin ng iba, gagawin kong positibo. Ayaw ko kasi kapag nega, baka maging negra pa. Hahaha.


Tapos na ang klase sa umaga at lunch break na. Malamang. Pumunta ako ng canteen para doon na mag-lunch. Habang nakapila ako ay bigla na lang nag-ingay ang mga estudyante na animo'y nakakita ng mga artista sa lakas ng tili nang mga kababaihan at kabaklaan.

Hindi ko makita kung sino ang mga pumasok dahil nagkakagulo na sila at nagkulang pa man din ako sa height. Kaya naman pagkatapos kong pumila, sumisingit na lang ako para makapunta sa upuan ko pero di ko makita kung saan na ako papunta dahil sa dami na ng mga tao sa canteen. Halos lahat na ata ng estudyante ay nandito.

𝐓𝐇𝐄 𝐂𝐄𝐑𝐓𝐈𝐅𝐈𝐄𝐃 𝐍𝐄𝐑𝐃Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon