Chapter Two: THE WHO?

152 36 45
                                    

RJ's POV


Maaga akong pupunta sa karinderya ngayon dahil hindi sumipot yung Professor namin sa last subject.

Marami na rin ang nagsi-uwian, pero mas marami pa rin ang natira dahil maglalakwatsa daw muna sila. Ows? Paano mo nalaman? Sumabat na naman po ang magaling kong konsensya. Pero like duhh?? Ganito na ang mga estudyante ngayon no lalo na sa mga teenagers na katulad ko, mahilig maglakwatsa, pero hindi ako Dora lakwatsera ha. GOOD GIRL kaya ako! HAHAHA. *insert evil laugh*


Nakarating na ako dito sa karinderya, medyo marami-rami na rin ang mga customers. Dumiretso muna ako sa likod para ilagay ang mga gamit ko. Yung para bang service crew/staff room ganern.

"Maaga ka ngayon ha, iha." siya si Tita Malu, ang may-ari nitong karinderya.

May-ari rin siya ng dormitory malapit dito sa karinderya niya. Mabait siyang employer, parang pamilya na rin ang turing niya sa aming mga empleyado niya. Nakapagpatapos na rin siya ng college at may High School pa na isa. Mababait din ang mga anak niya at ang kanyang asawa kahit hindi ko pa sila gaanong nakikita dahil sa kanilang mga trabaho. Kaya si Tita Malu lang ang nakakausap ko sa kanila at minsan lang naman ang kanyang bunsong anak.

"Ah, opo tita, hindi kasi sumipot yung professor namin sa last subject eh." which is totoo naman. "Honesty is the best policy" ika nga nila. Bawal magsinungaling. Liars go to hell. Hay naku ang dami ko na namang nasabi. Hahaha.

"Sigurado yan? Baka babalik ka ulit doon ha. Mapapagod ka lang." which is totoo ulit yung sinabi ni tita.

Kasi halos lahat ng instructors/professors namin ngayon eh hindi pa nag-discuss ng lesson o kaya naman hindi sumipot. Kaya napagpasiyahan kong habang naghihintay matapos ang 1 hour kanina, pumunta ako dito sa karinderya para tumulong ng kahit kaunti lang tapos after 1 hour babalik ulit ako sa school.

Yan ang routine ko kanina pero ngayon hindi na, sure na sure na. Pramis. Cross my heart. Hope to die. Oh diba, madami ulit akong nasabi. Hahaha.

"Ah, hindi na po tita, last subject ko na rin yun eh." ngumiti ako para hindi na mag-worry si tita. Hahaha. Worry your face! Che! Palagi na lang sumisingit tong konsensiya ko. Paano po ito patigilin? Lol.

"O siya sige, ikaw bahala. Aalis na muna ako ha. Kayo na muna ang bahala dito. May pupuntahan lang akong importante saglit." sabi ni tita bago mag-walk out, este umalis. Kung ano-ano ang sinasabi ko oh. Hibang ka gorl?

Katulad nga ng sinabi ni tita ay kami na muna ang nag-asikaso dito sa karinderya habang wala siya.


Maga-alas sais na ng gabi, kailangan ko ng umuwi at baka maunahan pa ako ni nanay na umuwi. Mga 7 o'clock kasi umuuwi si nanay. Kaya naman magpapaalam na ako kay tita Malu. Buti na lang umuwi siya bago mag-alas sais.

"Tita Malu, uwi na po ako." sabi ko sa kanya habang nakangiti. Palangiti talaga ako. Ang pangit ko na nga tapos di pa ako ngumingiti, edi mas lalo akong pumangit nun. Nakakapangit kasi kapag di ngumingiti. Kaya smile ka naman diyan.

"Ay, oo nga pala. Oh eto, mag-iingat ka sa daan ha, medyo magdidilim na. Tiyaga-tiyaga lang iha ha?" ngiti ni tita pabalik sa akin at binigay ang sahod ko.

Buti na lang talaga nakahanap ako ng magandang trabaho at ang boss ko pa eh mabait. Ang bait bait talaga ni Lord sa akin. Malakas pa rin ako sa Kanya kahit minsan eh nakakalimutan ko Siya. Sorry Lord.

𝐓𝐇𝐄 𝐂𝐄𝐑𝐓𝐈𝐅𝐈𝐄𝐃 𝐍𝐄𝐑𝐃Where stories live. Discover now