Chapter Forty: GOODBYE

68 9 19
                                    

RJ's POV


Kinabukasan, salamat sa Diyos at gising na si Maky. Nailipat na din siya sa isang private room. Kasalukuyan kaming nanonood ng anime. Dinala ni Chris ang kanyang laptop at puno ito ng mga anime series like One Piece, Fairy Tale, My Hero Academia, Haikyu at marami pang iba.

Nanonood kami ng Haikyu sa kasalukuyan. Mas gugustuhin ko pang manood ng KDrama pero wala akong magagawa. Kaya nakikinood na lang ako sa kanila.

Mga ilang minuto lang ay bumukas ang pintuan ng kwarto ni Maky at iniluwa niya iyon ang doktor at kinamusta kami lalong-lalo na si Maky. We said we are doing okay, as well as Maky. Siguro nga magaling na ito.

Tapos kinausap nang doktor si Ate Hailey.

"Hailey, hija, I need to talk to you." tumango si Ate Hailey at tumayo sa kanyang kinauupuan.

"When will your parents be here?" rinig ko pang tanong ng doktor kay Ate Hailey bago sila makalabas ng room.

Siguro pag-uusapan nila yung resulta sa mga lab tests ni Maky kahapon. Sana maging maganda ang resulta.

Napatingin ako sa kanilang apat na nanonood. Okay naman na siya. Siguro? Wala pa namang diagnosis. Ayaw ko na munang mag-conclude.

Napatigil ang tingin ko kay Maky na enjoy na enjoy na nanonood. Napansin niya ata na nakatingin ako sa kanya kaya naman napatingin siya sa akin at ngumiti. Ngumiti din ako sa kanya pabalik.




I just can't believe this.

Umiiyak ako habang pauwi sa bahay.

Lumabas na ang resulta ng mga tests ni Maky kahapon and it was not good.

Nakauwi na rin magulang nila.


He has Leukemia. Acute Myeloid Leukemia to be exact.


"Tahan na, RJ. It will gonna to be okay. Nakayanan niya before, kakayanin niya ulit ngayon." said Steve. Siya ang maghahatid sa akin pauwi. Ayaw ko pa sanang umuwi pero pinilit ako ng parents ni Maky dahil pupunta pa ako ng school bukas.

"Bakit di niyo sinabi na may history pala siya ng leukemia?" tanong ko kay Steve habang humihikbi.

"We don't know na babalik ito. He survived before. But we don't have any idea na pwede palang bumalik ito." sabi niya na may paga-alala sa kanyang boses.

Oo. May leukemia na siya before. Nung bata pa siya. It was also in their bloodline. Yung lolo nila sa mother side. Namatay siya nang dahil sa leukemia. Maky has undergone many chemo-therapies. He survived with that disease but the cancer cells keep coming back.

The doctor explains it a while back. Nang dahil siguro sa kanyang trabaho kasama na din ang puyat, pagod at stress, kaya siguro daw na-trigger yung cancer cells niya sa katawan kaya nagkalat ulit sila.

Ate Hailey also keeps on blaming herself for what happened to Maky now. Sabi niya kung sana siya yung magmamana ng business nila, hindi sana matri-trigger yung mga cancer cells ni Maky.

Tinignan ko si Maky nang sabihin ng doktor ang resulta kanina pero parang di na siya nagulat.


Nakauwi na ako at tulala pa rin dito sa kwarto ko. Kailangan kong maging positibo sa ano mang sitwasyon. Kahit na mahirap. May tiwala ako sa Diyos na gagaling si Maky. Tama si Steve. Kung naka-survived siya noon. Makaka-survive din siya ulit ngayon. Ganoon kalakas at katapang si Maky. Kailangan ko ring magtiwala sa kanya.

𝐓𝐇𝐄 𝐂𝐄𝐑𝐓𝐈𝐅𝐈𝐄𝐃 𝐍𝐄𝐑𝐃Where stories live. Discover now