Chapter One: NEW SCHOOL

229 43 51
                                    

RJ's POV


Sa buhay natin, kailangan nating magtaguyod at magsikap ng mabuti para sa ating pamilya at para maiahon natin sila sa hirap. Sabi kasi nila, "Hindi mo kasalanan kung ipinanganak kang mahirap, ang kasalanan mo ay namatay kang mahirap." Kaya ayaw kong magkasala no. Kaya naman gagawin ko ang lahat makatapos lang ng pag-aaral at makahanap ng magandang trabaho at iaahon ko ang pamilya ko sa hirap.

Nagising ako ng maaga para ipagluto ang nanay ko dahil alam kong mapapagod siya sa maghapong pagtitinda ng mga gulay sa palengke.

Bumangon na ako at humarap sa aking basag na salamin na nakakabit sa pader na kasyang-kasya lang ang aking ulo. Maliit na nga lang ang size nito, basag pa.

Napangiti ako sa aking nakita, sana ganito na lang palagi ang nakikita ko kahit ako lang ang nakakakita. Para kasing ang ganda ko, hindi ko alam kung epekto pa rin ba ng bagong gising ito kaya naman kinapa ko ang eyeglass ko sa mesa at isinuot ito.

Oo, nagsusuot na ako ng eyeglass simula pa noong elementarya ako, malabo na kasi ang aking mga mata simula noon. Matagal na nga rin tong eyeglass ko at isang beses ko pa itong napapalitan. Papalitan ko na lang siguro to kapag may sapat na ipon na ako at para na rin maipatingin ko ulit tong mata ko sa eye doctor.

"Aaah!" at nagulat pa ako sa nakita ko. Yung pangit kong mukha. May pimples pa sa may noo. Kainis naman. Napabuntong hininga na lang ako at hinawi ko ang aking buhok.

"Aray!" sumabit ba naman. Oo na. Hindi kasi Rejoice yung shampoo ko. Leche flan naman oh! Kaya naman kinuha ko ang suklay sa bag ko at ginamit ito. Masakit man dahil parang sinasabunutan ako pero tiniis ko na lang. Para sa aking kinabukasan. Charr.

Pagkatapos magsuklay ay kinuha ko ang isang piraso ng rubber band sa mesa at tinali ang aking buhok. Wala na din akong pambili ng tali, nagtitiis na lang ako sa rubber band pero okay na ito para sa akin, at least may pantali no.

Lumabas na ako ng kwarto at dumiretso sa kusina para magluto ng almusal.


Pagkatapos kong magluto ay sakto namang labas ni nanay sa kwarto niya. Kahit maliit lang ang bahay namin ay sakto naman na tig-isa kami ng kwarto kahit papaano.

"Good morning nay!" sigla kong bati sa kanya. "Tamang-tama nay, tapos na po akong magluto, kumain na po tayo." ngumiti lang ang nanay ko. Nice talking nay ha. Ngiti lang, walang good morning? Hahaha. Hinayaan ko na lang siya.

Nagdasal na muna kami bago kumain.


Pagkatapos kong kumain ay naligo na ako ng mabilis. Uy nagkiskis ako ng katawan ha. Baka akala niyo hindi dahil mabilis lang. Nakabihis na ako at nagpaalam na ako kay nanay na nagliligpit na ng aming pinagkainan.

"Nay, ako na lang po maghuhugas mamayang hapon pagdating ko." kasi alam kong pagod siya pag-uwi kaya ako na lang ang nagprisinta. Kung pwede nga lang talaga, ayaw kong napapagod siya.

Ngumiti si nanay at may iniabot sa akin. "Oh eto, baon mo. Pagpasensyahan mo na anak at yan lang ang nakayanan ko." sabi niya sa akin na medyo may halong kalungkutan sa kanyang boses.

"Huwag na nay, may pera pa naman po ako. Ipunin na po natin yan." pagtanggi ko. Idagdag na lang namin ito sa pinag-iiponan namin na pambayad sa renta ng bahay buwan buwan. At pwede na rin yun pambayad ng kuryente at tubig. Kesa pangbaon ko pa.

"Sigurado ka anak?"

"Oo naman nay. Sige na po, male-late na po ako. Bye! Mag-iingat po kayo." hinalikan ko muna siya sa pisngi bago umalis.

𝐓𝐇𝐄 𝐂𝐄𝐑𝐓𝐈𝐅𝐈𝐄𝐃 𝐍𝐄𝐑𝐃Where stories live. Discover now