xx. OneInfinithryDays 44

2.8K 80 21
                                    

"A broken heart is just the growing pains necessary so that you can love more completely when the real thing comes along." -J.S.B. Morse

¬

3rd Person's POV

It's been days and Kyros has been giving Alexa a cold treatment.

After celebrating their 1st monthsary, ilang linggo lang pagkatapos nun ay lagi na silang nag-aaway. Inaaway siya ni Kyros at hindi kinakausap.

Nagdadate sila pero laging wala sa mood si Kyros at pinapakita nito na parang napipilitan na lamang siya na lumabas kasama ang dalaga.

Medyo nawala na ang kilala niyang makulit, maingay, isip bata, tampuhin at topakin na Kyros.

Away-bati na ang dalawa, normal na rin naman ito pero medyo naiibahan si Alexa. Hindi kasi ganito si Kyros eh. Previously, pag nag-aaway sila, si Kyros mismo ang nakikipag-bati, pero ngayon? Wala — Pa-hard-to-get ang gago.

Ngayon nga ay bigla nalang siyang iniwasan ng binata. Hindi rin nito sinasagot ang tawag at text niya.

Nilapitan na rin niya sina Sterp, Raz at Xeven pero wala rin raw silang alam dahil maging sila ay 'raw' hindi kinakausap ni Kyros.

Maging sina Lara, Nigel at Kris ay kinausap na rin niya pero wala siyang makuhang matinong sagot mula sa mga 'to.

She's frustrated and she doesn't understand what's going on with their relationship anymore.

Nagalit nga rin siya sa Kuya niya dahil baka raw dahil dito kaya nagkakaganun si Kyros. Pero sinabi ng Kuya niya na okay na raw sila at wala siyang alam sa pinagsasabi ni Alexa.

Nilapitan pa nga ni Kyros si Kleran para sana sa sorpresa niya sa darating na monthsary nila sa December 28. Hindi niya kasi nasali ang Kuya ni Alexa sa sorpresa niya noong 1st monthsary nila noong November 28. Siyempre hindi alam ni Alexa dahil ayaw ipaalam ni Kyros sakanya.

Last day ngayon ng klase nila at mag-isa si Alexa na naglalakad sa may hallway nang makita niya si Callum.

Nakakapagtaka lang dahil mukhang may kakaiba sa binata ngayon.

"Oh Alexa, pauwi ka na? Hatid na kita." sabi ng binata. Ngumiti't umiling si Alexa.

"Wag na, Cal. Dadaan pa kasi ako sa bahay nina Kyros." sabi ni Alexa.

"Ganun ba? Baka — gusto mong ihatid na kita? Okay lang naman sakin eh." sabi ni Callum. Pero tumanggi pa rin ang dalaga. Nakita niya kasi sa itsura ni Callum na parang wala ito sa tamang pag-iisip.

"Nakainom ka ba?" sabi ni Alexa. Ngumisi lang si Callum.

Kung napansin ni Alexa na medyo nakainom ang binata — Napansin naman ni Callum na hanggang ngayon, malungkot pa rin ito.

Alam ni Callum may problema sila ni Alexa at Kyros pero hindi niya alam na kinausap ni Noah si Kyros noon.

"Hindi pa rin ba kayo okay?" sabi ni Callum.

Umiling si Alexa at bakas sa mukha nito na gusto na niyang umiyak. "Hindi ko alam kung anong nangyari. Isang araw, ang saya namin — Tapos, isang iglap lang, biglang nawala ang lahat — Nag-bago nalang bigla." sabi ni Alexa. Pinilit ni Alexa na ngumiti. "Pero alam kong tinotopak lang yun. Mahal ako nun eh." nagpaalam si Alexa kay Callum at tinalikuran na ang binata nang magsalita ito.

"Kahit ilang linggo ka na niyang pinapabayaan — tinatapon na parang basura — mahal mo pa rin siya?" sabi ni Callum.

Natigilan si Alexa at galit na nilingunan ang kaibigan. Okay, he's drunk pero wala siyang karapatan na pagsalitain si Kyros nang ganito. "Wala kang karapatan para husgahan ang ginagawa niya." sabi ni Alexa. "Alam kong may pinagdadaanan lang siya kaya siya nagkakaganun. Kilala ko si Kyros, Cal."

One Infinithry Days [BOOK 1 & 2 / EXO x BTS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon