xx. OneInfinithryDays 28

3.1K 94 10
                                    

"We cannot change our past. We can not change the fact that people act in a certain way. We can not change the inevitable. The only thing we can do is play on the one string we have, and that is our attitude." -Charles R. Swindoll

¬

3rd Person POV

Huling araw na ng Festival at kahit pagod na pagod na ay masasabi nilang nag-enjoy sila. Walang pasok ang seniors sa darating na Lunes dahil ito ay magsisilbing rest day para sakanilang lahat. Maliban sa undergraduates dahil may pasok pa rin sila.

"Leche, Kyros! Tumulong ka naman oh! As far as we are concerned, wala kang sinubmit na bio-data para maging guardya dito sa labas!" sita ni Nigel sa kaibigan na nakasandal sa upuan at malalim ang iniisip. Hindi siya pinansin ng binata.

Lumabas naman mula sa loob ng Haunted House si Xeven at rinig na rinig niya mula sa loob ang reklamo ni Nigel. Maaga pa at wala pang masyadong estudyante. Kasalukuyan pa lamang silang naghahanda dahil nga ngayon ang huling araw ay dapat mas nakakatakot ang booth nila.

"Kumalma ka nga Nigel! Kita mo nang malalim ang iniisip nitong gago kaya 'di dapat ganun. Dapat.." sabi ni Xeven. "HOY KYROS! TUMULONG KA NAMAN!" sabay sapak nito kay Kyros. Mukhang natauhan naman siya at kunot noong tinignan si Xeven at Nigel na nakatayo sa harapan niya.

"See? Wag mong guluhin dahil siguradong 'di ka papansinin. Batukan mo — oh ayan, okay na siya. Kitams? Effective!" sabi ni Xeven sabay taas baba ng kilay.

"Eh hindi ko naman kayang saktan si Kyros eh. Nakakatakot kaya yan magalit." sabi ni Nigel sabay nguso.

"Sus. Sasaktan mo 'di dahil gusto mo kundi dahil gusto mo siyang gisingin sa katotohanan na kailangan niyang harapin." sabi ni Xeven.

Binalik ni Xeven ang atensyon niya kay Kyros na ngayon ay hinihimas pa rin ang batok niya.

"Sakit noh?" sabi ni Xeven. Kyros ignored him dahil 'di na niya kailangan pa ng confirmation knowing na malakas ang impact ng pagkakabatok sakanya ng kaibigan. Dito siya magaling eh. Sa pambabatok kay Kyros.

"Oh papasok na 'ko ulit sa loob. Ikaw na'ng bahala jan, Nigel." sabi ni Xeven. Dumaan siya sa tabi ni Kyros dahil nasa likuran nito ang papasok sa Haunted House nang bigla niyang paluin ang bunbunan ni Kyros. Kyros turned and looked at Xeven but he only stuck his tongue out at him and went in.

"Alam mo Kyros, wala ka nang ibang ginawa kundi ang mag-isip. Yan lang ba ang sa tingin mo na pwedeng gawin ng tao? Ang mag-isip?" sabi ni Nigel. He leaned on a wall across Kyros at pinagmamasdan niya ang kaibigan.

"I was given a brain and I assume that it was made for that." Kyros retorts.

"Then you should know that you aren't thinking normally. You're  overthinking things." sabi ni Nigel.

Hindi umimik si Kyros dahil inalala niya ang sinabi ng taong nakasalubong niya noong ikalawang araw ng Festival.

¬

"You shouldn't be here." sabi ni Kyros.

"Bakit? Suspended lang ako, pero dito pa rin ako nag-aaral, Kyros." sabi ni Jase. Nakapamulsa ang dalawang kamay nito at naglakad papalapit kay Kyros.

"I'm warning you. If you ever touch her again, I swear—" (Kyros)

"You know, I just want to set one thing straight." sabi ni Jase. Magkalapit ang balikat nito. Magkaharap sila sa magkabilang direksyon

"I didn't lie, Kyros." sabi ni Jase. "What I said was true."

At tuluyan nang naglakad palayo si Jase at iniwan si Kyros na nakatayo sa gitna ng field.

One Infinithry Days [BOOK 1 & 2 / EXO x BTS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon