xx. OneInfinithryDays 7

4.4K 126 16
                                    

"Beware of the half truth. You may have gotten hold of the wrong half." -Anonymous

¬

"Okay, I'll admit that Alexa's pretty and 100% — Fine! babawasan ko wag mo lang ako patayin sa tingin jan — Okay, 60% hot pero ni minsan 'di sumagi sa isip ko na magagawa niyang manloko — Wala sa itsura, Kyros." sabi ni Raz.

Kasama ko siya ngayon dito sa caf habang kumakain.

And he just can't stop staring at Alexa -_- Tss.

"Pwede ba Raz? Wag mo siyang titigan ng ganyan. Nakakaasiwa eh." sabi ko. Uminom ako ng tubig at sumubo muli. "Yun ang sabi nung lalake kanina — That I should avoid her 'cause she's a heartbreaker."

"Pang-ilan na yung lalakeng sinapak mo dahil sakanya? Wag mo nang bilangin yung mga bastos at walang modo." sabi niya.

"Tatlo. Balita ko nga sikat sila dito." sabi ko.

"Wow, nagawa niyang lokohin yung mga yun? Ang ganda niya ah." sabi ni Raz. Sinikuhan ko siya pero tumawa lang yung gago.

"Eh kasi naman, Kyros." sabi niya. "Alam nating mali ang ginagawa ng mga lalakeng yun. Hindi sila dapat umasta na parang mga stalker at mga may hormonal issues dahil lang sa isa sa wild ones yang crantica mo. Pero yang mga pinuruhan mo dahil sa sinaktan sila di umano ni Alexa, well, 50-50. Hindi tama ang ginawa nila dahil kahit sinaktan sila, hindi yun sapat na rason para manakit ng iba — Pero Kyros, kahit baliktain o alugin mo man ang mundong 'to, may kasalanan rin si Alexa."

Kakaiba rin yang baboy na yan eh. Tama si Raz, wala sa itsura niya ang manloko o manakit ng iba. Lalo na ang maging isang heartbreaker.

"Pero kung yun lang naman pala ang problema niya eh 'di ako ang dapat inassign sakanya kundi si cupido. I don't cure heartbreakers." sabi ko.

Tinaasan ako ng kilay ni Raz pagkatapos ay tumawa siya ng bahagya sabay iling.

"Kyros, Kyros, Kyros." inubos niya ang pagkain niya at tumingin muli kay Alexa na nakikipagtawanan kasama ang mga kaibigan niya. "Kailangan mo kasi munang tignan ang buong letrato bago ka mag-conclude ng mga bagay bagay." sabi niya. "I'll give you a hint."

Umupo ako ng maayos at hinintay ang sasabihin niya.

"You need to get to know her to know what is that thing that made her your Crantica." sabi niya. "Kaya ka binuhay ni Sir Decimus para alamin ang totoong trabaho mo at kaya kami nandito hindi lang para samahan ka kundi para gabayan ka upang matapos mo ng matiwasay yang tungkulin mo." he smiled at me "Hindi lang ang pagbantay sakanya ang trabaho mo, Kyros. Trust me — Isang napaka-liit na parte lang yun ng kabuuan ng totoong trabaho mo."

¬

Nasa may locker ako at kinukuha ang mga libro ko dahil may assignments akong kailangang tapusin nang nakita ko si Alexa kasama si Callum at Noah.

"Narinig mo na ba ang chismis na kumakalat ngayon?" sabi ni Noah. Nagkibit balikat lang si Alexa.

"Pinagsabihan ka na namin na lumayo ka sa tatlong gago na yun." sabi ni Callum.

"Lumayo na ako. Sila lang 'tong gumagawa ng drama." sabi ni Alexa.

Well all thanks to me at drama lang ang ginawa nila at 'di nila naisip na ipamurder ka dahil lang sa sinaktan mo sila -_-

Nagkatinginan sina Callum at Noah at parehong nagkibit balikat nalang habang tinutulungan si Alexa sa mga libro niya.

"Siya ba yung Alex?" sabi ng babaeng dumaan sa tabi nilang tatlo. Tumungo ang apat na babae sa locker na 'di kalayuan sa locker ko.

"Oh my god. Is she The Alex?"

"Ohmy. Siya nga ata. Ang lakas manakit ng ibang tao. Akala mo maganda, eh mukhang nagamit na rin naman. What a s-lut"

"Akala mo kamo nerd, yun pala may tinatagong kulo. Ewan ko ba kung bakit pinatulan pa yan nina Jase. I don't even know kung bakit kaibigan pa rin yan nina Noah eh."

"Gahd! Ang kapal. And what? — A heartbreaker? More like a user and a b-tch if you ask me. Sabi nina Vince isa lang raw naman ang habol nila jan— Ang landi kasi eh."

Tumawa ng malakas yung mga babae sabay sarado sa mga lockers nila nang harangin sila nin Luke at Josh.

"And who are you to judge her?" sabi ni Josh.

"Wala kayong alam sa mga sinasabi niyo kaya kung ako sainyo, itikom niyo na yang mga namamaga niyong mga bibig and get lost!" sabi ni Luke.

Lumapit si Callum sa mga babae sabay hampas ng kamay sa isa sa mga locker.

Wow. Ang lakas niya ah.

"Pakisabi kina Jase na hihintayin namin sila nina Noah at Josh sa may quadrangle." sabi ni Callum. "He messed with the wrong girl."

Natatakot na umalis ang mga babae.

"Jusko. Kung lalake lang ako, jojombagin ko yang Jase na yan at yung mga kasama niyang demonyo na sina Vince at Bryan!" sabi ni Luke.

I can't believe na kanina ko pa ginugulo 'tong laman ng locker ko para lang marinig ang pinaguusapan nila -_- Ang chismoso mo talaga, Kyros. Iilang pulgada lang rin naman ang layo nila sakin at siguro naman 'di nila mapapansin.

Pinilit ni Alexa na ngumiti kahit kumikislap na ang mga mata niya at konting konti nalang ay bibigay na siya.

Halata na apektado siya sa pinagsasabi at kumakalat tungkol sakanya ngayon.

"Wag na kayong mag-aksaya ng oras sa mga yun." inayos niya yung mga libro niya at sinarado na ang locker niya.

"Wala akong ginawa. Yes — We dated and I broke up with them. And if it makes me a s-lut for breaking their hearts just to get even for what they did with Luke? Then be my guest — If they're trying to come up with stories na wala namang katotohanan, then so be it. 'Di niyo rin naman masisisi yung ibang tao kung maniwala sila sa sinasabi ng iba. Ganun talaga. Laging pinapaniwalaan ang unang nagsasalita." sabi niya.

Umalis si Alexa. Nagkatinginan sina Josh, Callum at Noah pagkatapos ay tinignan si Luke.

¬

Malapit lang ang quadrangle sa may parking lot kaya naman nilagay ko muna ang mga gamit ko sa kotse bago pumunta doon.

"Kyros! Narinig mo na ba?" sabi ni Sterp at Nigel.

"If it's about Alexa, oo, narinig ko na at alam ko na ang buong katotohanan." sabi ko."Malilintikan sakin yung tatlong gago na yun." all this time, sinisiraan lang pala nila si Alexa. Pinagkakalat na isa siyang heartbreaker para mag-mukha siyang masama wherein sila naman pala 'tong mga hayop.

Kung alam ko lang, sana winasak ko na ang pagmumukha nilang tatlo.

Dumating rin sina Raz, Kris at Xeven pero 'di ko sila pinansin. Naglakad ako palayo — kaya naman no choice sila kundi ang sundan ako papuntang quadrangle.

Lagot sakin yung tatlong sinungaling na yun.

One Infinithry Days [BOOK 1 & 2 / EXO x BTS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon