xx. OneInfinithryDays 26

3.3K 86 7
                                    

Author's Note:
Ganyan dapat ang maging itsura ni Kyros sa loob ng Haunted House *o* Ang hot talaga! (See multimedia section-drool-get over it-read) Hahaha! Salamat sa patuloy na pagbabasa nito!

P.S: Ngayon ko lang kakapalan ang mukha ko, penge ng comments ;((

P.P.S: Pm me kung gusto niyong magpadedic :) Libre lang, walang bayad. Mehe :* xx

¬

"Sacrifice to me is something you do without expecting something in return." -Marilyn Manson

¬

3rd Person's POV

"Ano bang pumasok sa utak mo at andito ka?" sabi ni Alexa. "At ba't kailangan mong mag-sinungaling samin at sabihing okay ka na kahit hindi naman pala?"

Ngumiti ng tipid si Callum. Nakahiga siya sa sahig ng staff room. Nakapatong ang kamay niya sa noo niya.

"Hi." sabi ni Callum.

Kumunot ang noo ni Alexa. Tinaasan niya rin ng kilay ang kaibigan.

"Hi? Gusto mo bang ipakain ko sayo 'tong tuwalya?" sabi ni Alexa. Lumabas siya saglit sa staff room at kumuha ng maligamgam na tubig, maliit na palanggana at tuwalya. Pagkatapos ay bumalik siya sa loob upang sitahin ang kaibigan na 'di niya nagawa kanina dahil natutulog ito.

"Ang harsh mo naman." sabi ni Callum habang nakangisi. Kahit may sakit ay nagagawa niya pa 'ring alaskahin si Alexa.

"Talaga." sabi ni Alexa. Piniga niya ang tuwalya at kinuha ang kamay ni Callum upang punasan ito.

"Tapos na ba ang date niyo ni Kyros?" sabi ni Callum. Tulala siyang nakatingin sa kisame kaya 'di niya nakita ang pagtaas ng kilay ni Alexa. Halatang halata na naiinis siya sa kaibigan.

"Date? Walang date na Haunted House ang ginagawang venue." sabi ni Alexa.

"So, ibig sabihin, gusto mong makipagdate sakanya?" sabi ni Callum na ngayon ay seryosong nakatingin kay Alexa.

"Kung gusto mo'kong inisin, pwede ba, wag ngayon? Dahil iniwan ko ang 'ka-date' ko para lang puntahan at alagaan ka dito." sabi ni Alexa. "Kaya tigilan mo 'ko at baka 'di lang lagnat ang abutin mo."

Natawa ng tipid si Callum.

"Talagang gustong-gusto mo 'kong saktan noh, Alexa?" sabi ni Callum. Hindi na nakapagpigil si Alexa at sinapak niya ng mahina ang kabigan. Natawa lang ng tipid si Callum dahil nilalagnat siya at masakit ang ulo niya. In short, nanghihina siya.

"Stop calling me that. You know I hate it when someone calls me—" (Alexa)

"What? Alexa? Eh ba't si Kyros, pinapayagan mong tawagin kang Alexa, ha, Alexa?" sabi ni Callum.

Nagkatinginan sila. Halata kay Alexa na sobrang naiinis siya dahil sa pinagsasabi at inaasal ng kaibigan. Idagdag pa ang 'di pagsabi ng totoo ni Callum sakanya tungkol sa kalusugan nito.

"Kasi ayoko ng kinukulit ako. Kahit pagsabihan ko siya, kahit maospital siya nang dahil sakin, hinding-hindi niya ako titigilan sa kaka-tawag sakin sa pangalang yan." sabi ni Alexa. "You know better, Callum."

"Yeah, I know better. But I don't get it." sabi ni Callum.

"Cal—"

"I missed calling you that way. I missed the old Alexa." sabi ni Callum.

Hindi na umimik si Alexa. Bagkus ay tinuloy nalang niya ang pag-punas kay Callum at pinainom na rin niya ito ng gamot.

"Wala ka bang balak umupo sa upuan? Mas makakabuti sayo yun." sabi ni Alexa.

One Infinithry Days [BOOK 1 & 2 / EXO x BTS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon