xx. OneInfinithryDays 23

2.6K 95 8
                                    

Author's Note:
Hey! Happy birthday sayo @Lucy0514Mhai! :D Talagang magdededic ako for you today kahit 'di mo sabihin. Haha! ENJOY YOUR DAY! xx

¬

"And that's the thing about people who mean everything they say. They think everyone else does too." -Khaled Hosseini, The Kite Runner.

¬

"Sa uulitin, sisiguraduhin kong Christmas themed booth ang isusuggest ko! Nyemas! (/。\)" hingal na hingal pa rin ako. Halos malagutan kami ng hininga sa pressure na naranasan namin sa Stage 1! Para kaming mga tanga sa kaka-buo ng puzzle habang may nanggugulat na maligno at sumisigaw at umaaligid na white lady sa paligid namin.

IDAGDAG PA 'TONG LINTEK NA SOUND EFFECTS!

"Haha! Sh-it. Para tayong mga tanga kanina. Lalo ka na!" unti-unti akong napalingon kay Alexa.

Totoo ba 'to? Tumatawa siya?

Pinagtatawanan niya ako? -_-

Pero — Kakaiba yung tawa niya eh. Hindi tulad sa nakikita at naririnig ko nung sinusundan ko siya noong multo pa ako at lalo 'di gaya nung tutor session.

Kahit hinihingal rin siya, naririnig ko pa rin. Halatang halata pa rin.

Purong tawa. Yung tunog masaya.

"'Di ako makapaniwalang Stage 1 palang yun. Whooo! Siguraduhin mong makakalabas ako ng buhay dito, Kyros." sabi niya. Hinahabol niya pa rin ang paghinga niya pero nakangiti siya. Nakangiti.

Hinawakan ko ulit ang kamay niya.

"Oo. Masaya kang makakalabas dito. Trust me." sabi ko. "Tara na!"

¬

"Darn it! SAAN NIYO BA TALAGA NAKUHA 'TONG MGA PROPS AT COSTUMES HA?! Pucha. PARANG TOTOO EH!"

Kung kanina halos mamatay ako dahil sa humawak ng paa ko, ngayon naman, gusto kong pumatay ng clown! Lecheng clown na walang ulo!

Feeling niya kasi, siya si Jollibee! Wagas makayakap kanina! Niyakap ako nung clown at nakangiti lang ito sakin kaya lang, may lumalabas na dugo sa bunganga nito. Nung una, tumatawa-tawa't umiiling pa ako. Naaamaze kasi ako sa mga costumes nila. Halatang pinaghandaan ang theme nitong booth (unlike sa costume nilang lima)

Kaya lang..

BIGLANG NAPUTOL, NAHULOG AT NAWALA YUNG ULO NG PUNYEMAS NA CLOWN NA YUN! TANGNA!

"Hehe. Ganda noh? (人´∀'*) Ikaw kaya ang nag-suggest na gawing realistic ang props at kung anu-ano pa para pumatok 'tong booth natin." sabi ni Raz. Siya ang naka-assign sa Stage 2.

"Punyemas. EXTREME LEVEL NAMAN ATA YUNG REALISTIC NA GINAWA NIYO! (ノ><)ノ" sabi ko. "PAG KAMI NI ALEXA, INATAKE NANG DAHIL SAINYO, SASAPAKIN KO KAYO!"

"Kumalma ka nga, Kyros — Oh Alex? Okay ka lang ba?" sabi ni Raz. Napatingin ako kay Alexa at tulala lang siya.

"Tangna, Raz! Kita niyo na yang pinag-gagagawa niyo?! Pag yan nasiraan ng bait, kakalimutan kong mabait ako at malilintikan kayo sakin!" sabi ko. "Huy, Alexa! Alexa!" hinawakan ko siya sa magkabilang balikat at inalog-alog siya. Pero wala, tulala pa rin.

"Hoy, Raz! Gamutin niyo 'tong babaeng 'to!" sabi ko. Tinignan ko ng masama si Raz.

Napalunok naman siya at tinuro si Alexa. "Tignan mo oh." sabi niya. Unti-unti akong napatingin ulit kay Alexa at..

Nakangiti nanaman siya.

BAKIT SIYA NGUMINGITI?!

"Ang — ang cute nung pandaaaaaaa! (/^▽^)/" sabi niya.

One Infinithry Days [BOOK 1 & 2 / EXO x BTS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon