xx. OneInfinithryDays 13

3.5K 116 19
                                    

"Keep every promise you make and only make promises you can keep." -Anthony Hitt

¬

Hinanap ko ang cellphone ko at tinignan kung anong oras na.

2:37am.

Malakas pa rin ang ulan sa labas pero rinig na rinig ko pa rin ang pag-iyak niya sa kabilang kwarto.

Bumangon ako at agad na kumatok sa pinto ng kwarto niya.

"Alex!"

"Ano — May problema ba, Kyros?" sabi niya mula sa loob. Halatang pinipilit niyang ayusin ang boses niya.

"Open this door, Alexa." sabi ko. "Please open this door!" nilakasan ko lalo ang pag-katok.

Akala ko 'di niya bubuksan pero binukas niya ang pinto at hinarap ako na parang walang nangyari. Na parang 'di namumugto ang mga mata niya ngayon.

Oo, binigyan ko siya ng space para mapag-isa kanina, but this time..

"Akala ko natuto ka na, hindi pa pala." umiling siya. "May problema ba, Kyros—"

Agad ko siyang niyakap.

"Narinig kong umiiyak ka kaya bumangon ako agad — at tama ka, may problema ako — Ikaw. Ikaw ang problema ko dahil ayokong marinig ang bawat hikbi mo. Ayokong makita kang umiiyak. Pero if it'll help you, if it'll help to ease the pain you feel right now, then cry. Cry." sabi ko. "Andito lang ako."

She hesitated at first but she eventually gave in. Umiyak siya habang lalo kong hinigpitan ang pagyakap ko sakanya.

"Kyros.." sabi niya.

"Just cry.. Andito lang ako." sabi ko. "Hindi kita iiwan. Pangako, Alexa. Hindi kita iiwan." sabi ko. Handa na ako sa sampal, sipa, tadyak, suntok, batok; pero wala siyang ginawang ganun. Lalo lang siyang umiyak and it almost killed me pero ito lang ang alam ko para gumaan ang loob niya, para gumaan ang nararamdaman niya.

¬

"Oh tubig." sabi ko. "Kung 'di ka pa kuntento, umiyak ka pa hanggang sa mawalan ka ulit ng tubig na mailuluha jan. Wag kang mag-alala, andito ako para kumuha ulit ng tubig." umiling lang siya.

"Salamat, Kyros." sabi niya. "Hindi pa tayo masyadong close pero lahat na ata ng ka-weirduhan ko, nakita mo na. Nakakahiya." sabi niya.

"Nahiya ka pa? Eh halos puro uhog mo ang nasa t-shirt ko ngayon oh." sabi ko. Buti naman at natawa siya ng bahagya sa sinabi ko.

Nagkatinginan kaming dalawa; pareho kaming nakulong sa titig ng isa't isa nang bigla siyang umubo.

Spell awkward?

"Uhm. Sige. Matulog ka na. Wala tayong pasok bukas pero ayoko namang mapuyat ka." sabi ko. "Alas tres na oh."

Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko sa may tabi ng kama niya kaya lang, palabas palang ako ng pinto nang lingunan ko siyang muli.

"Alexa.."

"Alex." sabi niya. Hindi ko pinansin ang kaunting inis sa tono ng boses niya.

"Pwede ba — Pwede bang dito muna ako? Kahit sa may upuan lang.." sabi ko.

"Bakit? May problema ka ba sa kwarto mo? May —"

"Gusto ko lang siguraduhing okay ka. Baka umiyak ka nanaman eh. Gusto ko lang na andito ako pag nangyari yun; ayokong makakita ng babaeng umiiyak pero mas 'di ko kaya kung walang aalalay sayo habang umiiyak ka." sabi ko.

Bumuntong hininga siya. "Okay lang ako. Hindi mo na kailangan pang mag-alala. I'm fine." sabi niya.

Hindi ko mabasa ang ekspresyon niya lalo na ang emosyong gustong ipahiwatig ng mga mata niya.

"Alex—"

"I can manage, Kyros." ngumiti siya ng tipid. "Thank you." sabi niya. Tumalikod siya at binalot ang sarili niya sa kumot.

Haaay. Ano bang gagawin ko sayo? "Good night, Alexa." sabi ko.

¬

Linggo ngayon at buong araw akong nakahilata sa kama ko.

"Hoy Kyros, pati ba naman dito, tamad ka pa rin?" sabi ni Xeven. "Bumangon ka na nga jan."

"Wag ka ngang magulooo! Kita mo nang umuulan eh. Ang sarap kayang matulog." sabi ko.

"Gusto mo bang ma-overdose sa tulog? Simula nang umuwi ka, 'di ka na lumabas sa kwarto mo. Nakahilata ka buong araw, buong mag-hapon at buong gabi." sabi niya.

"Eh sa masaraaaaaaap matulog eh! (ノ><)ノ"

"Sabihin mo nga sakin, Kyros. May nangyari ba nung nasa bahay ka ni Alex? May nangyari ba sainyo?"

Inangat ko ang unan na nasa ibabaw ng ulo ko at tinaasan siya ng kilay.

"Xeven naman! Wag kang green-minded! Bakit naman—"

"Gago. Ikaw ang may maduming iniisip jan eh. What I mean is, may nangyari ba? May nalaman ka ba? Nag-away ba kayo? Anong nangyari?" sabi niya.

Bumangon ako at umupo sa kama ko.

"She cried. End of story." sabi ko.

"Aaaaaaaaaand?"

"End of story na nga eh. Kinabukasan, nagpaalam na ako sakanya. Pero hindi siya lumabas ng kwarto niya. Lock rin kaya 'di ako nakapasok. 'Di na sumagi sa isip ko na kulitin siya. Pagkatapos, nag-lakad ako pauwi dito at natulog buong araw, mag-hapon at buong magdamag sa kwarto ko. The end." sabi ko.

*PAAAAAK!

"XEVEN NAMAN! KA-AGA-AGA, NAMBABATOK KA NA?! ANO BANG GINAWA KO, HA?! o(;△;)o" Lintek talaga. Pakiramdam ko umalog utak ko eh.

"Anong maaga? HAPON NA! Ilang oras nalang, gabi na! Tsaka kulang pa yan!" sabi niya. "Ba't umalis ka nang walang paalam?!" sabi niya.

"Kumatok ako, nagpaalam ako, 'di siya sumagot; naisip ko na baka natutulog siya —"

*PAAAAAAAAAAAAK!

"XEVEEEEEN NAMAN EH!" TT___TT

"Hindi mo pa rin siya dapat iniwan na mag-isa dun!" sabi niya.

Ginulo ko ang buhok ko tsaka bumangon mula sa kama at dumeretso sa cr para magmumog at nang lumabas ako..

"Kadiri ka Kyros. Maligo ka muna pagkatapos bumaba ka para kumain." sabi ni Xeven. "Pag nangako ka sa isang tao na hindi mo siya iiwan, wag na wag mong iiwan." inabot niya sakin ang tuwalya ko.

"Paanong—"

"We're still ghosts, Kyros. We can easily read thoughts but sad to say, kami lang ang may ganung kakayahan ngayon dahil bisita lang kami dito. Hindi kami gaya mo na may tungkulin na dapat intindihin. Pero ikaw? Medyo mahina ang senses mo dahil binuhay ka ni Sir Decimus." sabi niya.

"Alam ko. Kung nakakabasa pa rin ako ng kung anong iniisip ng mga tao eh 'di sana alam ko na rin kung ano ang problema ni Alexa diba?" sabi ko.

Sinapak niya ako ulit pero mahina na kumpara nung huling dalawa. "Kaya ka ngang ginawang tao dahil hindi mo mabasa ang iniisip ni Alex. Sabog ka ba, Kyros?" sabi niya. "Pumasok ka na jan at gawin mo na ang dapat mong gawin." sabi niya.

Kinuha ko ang tuwalya mula sa kamay niya at pumasok na sa loob ng cr.

Bago ko saraduhin ang pinto ay nagsalita siya.

"Kyros." sabi niya. "Ang mga tao, madali silang maniwala at umasa sa mga pangako. Kaya kung mangangako ka man, siguraduhin mong tutuparin mo. Don't make promises you can't keep." ginulo niya ang buhok ko. "Wag mo na siyang bigyan ng rason para masaktan ng todo. Bigyan mo siya ng rason para sumaya. Para makalimot na ng tuluyan."

Binukas niya ang pinto.

"Wag kang mag-alala, Xeven.'Di mo 'ko kailangang pagalitan at pangaralan dahil gusto kong tuparin ang pangakong iyon." sabi ko. "Tutuparin ko yun kahit anong mangyari." Ngumisi habang umiling siyang lumabas at sinerado ang pinto.

One Infinithry Days [BOOK 1 & 2 / EXO x BTS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon