xx. OneInfinithryDays 10

4.1K 135 9
                                    

A hug is worth a thousand words. A friend is worth more.” -Anonymous

¬

Lahat tayo ay may iba't ibang personalidad. Lahat ay kakaiba. Lahat ay may forte sa iba't ibang bagay. Minsan naiisip natin na sana magaling tayo sa ganito, matalino sa ganyan — pero, naisip niyo ba na magaling kayo sa isang bagay na wala silang alam? Na strength niyo ang weakness nila?

Ganun talaga. Ganyan ka-unfair ng buhay. Hindi lahat, meron ka o makukuha mo. Hindi rin lahat ng meron ka, nakukuha at meron ang iba.

"Bakit mataas ka sa quiz natin sa English?!" sabi ni Nigel. "Hindi ka naman nag-aaral eh!"

Nagkibitbalikat ako. Anong magagawa ko? Kasalanan ko ba kung iba ang sagot namin at sadyang nakatama ako?

"PATI SA FILIPINO! BUWISET KA KYROS! EXEMPTED KA!" sabi ni Sterp. "Kinulam mo si Maam Hernandez noh? Ginayuma mo noh?!"

Tinaasan ko silang dalawa ng kilay.

"Ikaw," sabay turo kay Nigel. "Magaling ka sa Math. Ako, halos lumuhod na sa asin para makapasa pero wala pa rin. At ikaw," sabay turo kay Sterp. "Magaling ka sa Science. Kahit ilang reports pa ang i-report ko, wala pa rin. Bagsak pa rin ako sa quizzes ni Maam Garcia." sinandal ko ang siko ko sa mesa at nilaro ang ballpen ko.

"Tapos ako? Na English at Filipino lang ang naipasa, sisigawan niyo?" sabi ko. "Be grateful of what you have. Matalino kayo sa mga bagay na hindi alam ng karamihan. Hindi pa ba sapat yun?"

"Kyros. Wag kang sinungaling. Math at Science lang ang naibagsak mo. The rest, hindi manlang bumaba sa 95. Exempted pa." sabi ni Raz. "Kaya wag kang mag-drama na parang binubully ka namin. Sapakin kita jan eh ¬_¬"

Nginitian ko sila ng napakalapad.

"Masama ba ang maging humble paminsan-minsan? -_-v hehe. Well that's life." sabi ko. "Ang unfair noh?"

"Wag kang mag-pout, Kyros. Hilain ko yang nguso mo eh." sabi ni Xeven.

"Abah hoy. Anong ginawa ko sayo? Wag kang magrereklamo dahil nakapasa ka sa lahat — pati sa Math at Science!" sabi ko.

"Hehe. Para may masabi lang. Ano ka ba naman -_-v" sabi niya.

Pumasok si Kris at umupo sa pwesto niya; sa tabi ni Nigel sa likuran. 

"Hoy, Kris. Kita mo 'tong si Kyros. Exempted sa lahat ng exams next next week tapos —" (Nigel)

"Bah, congrats, Kyros! Pareho pala tayo eh!" sabi ni Kris na nakipag-apir pa sakin.

"EXEMPTED KA?! ANONG SUBJECT?!" sabay na sigaw nina Nigel, Xeven, Raz at Sterp kay Kris.

'Tong mga 'to. Kung makasigaw, akala mo nasa bahay kami. Pasalamat nalang sila at maingay rin ang iba naming mga kaklase kundi pinagtitinginan na sila ngayon.

"Sa lahat. Maliban sa Math at Economics. Sakit sa ulo kasi yang mga numbers eh." sabi niya.

"MAGSAMA KAYO NIYANG NI KYROS! ANG DUDUGA! TSEEEEH!" sabay nilang sabi at tinalikuran kaming dalawa ni Kris.

Tss. Buti nga sila pasado sa Math at Science eh. Hindi pa nakuntento. Haaay nako.

Magsasalita pa sana si Kris nang dumating si Maam Garcia.

¬

Nasa locker ako ngayon at kinukuha ang mga librong kakailanganin ko para sa panghapon na klase nang tawagin ako ni Maam Hernandez. Siya ang teacher namin for both Filipino and English. Wag kayo, favorite ko yang si Maam. Ang talino eh!

One Infinithry Days [BOOK 1 & 2 / EXO x BTS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon