xx. OneInfinithryDays 58

2K 66 5
                                    

Author's Note:
I'm soooo sorry for the late update ;-; been very busy and I needed some 'me' time. Sorry po :(

May mga readers pa ba ako? ;-;

-

Recap:
Nasa bahay si Alexa nang bigla siyang bisitahin ni Chim. He kind of needed someone to talk to kaya lang, dahil sa umuwi si Luke galing sa Spain dahil nanganganib ang relasyon ng mga magulang niya ay naabutan nito si Chim sa bahay ni Alexa.

-

"It's not fair. People claim to judge you through the things you've done and not by sitting down and listening to you speak for yourself." -Hannah Kent.

-

Sabado ngayon at magi-isang linggo nang nandito si Luke. Nasa kama pa ako nang makatanggap ako ng text galing sakanya. Sinabi niyang kinailangan niyang umalis ng maaga dahil susubukan raw niyang umuwi sa bahay nila at kausapin ang mga magulang niya.

Well, kaya naman pala walang bakla na gumigising sakin para pilitin akong kumain ng breakfast ng sobrang aga Hehe.

It took him 1 week to fix things. Kinailangan niya ng oras at panahon para makapag-isip. Sana nga lang, may mangyari.

Bumangon na ako at bumaba. Luke being Luke, pinagluto na niya ako ng breakfast.

Pagkatapos kong kumain at maghugas ng plato, umupo ako sa sofa at binaon sa unan ang mukha ko. ANONG GAGAWIN KO NGAYON? -_- Ang boring!

May mga assignments akong dapat asekasuhin kaso - Tinatamad ako (~ o ~)~

Maayos na rin naman yung mga gamit dito maliban nalang kung guguluhin ko para may maayos ako? 0o。(-. - )

Teka, yung mga gamit ni Luke - pero - AYOKONG GALAWIN ANG MGA GAMIT NIYA NOH! NEVER AGAIN!

Nung nakaraang araw lang, iniwan niyang bukas ang pinto ng kwarto na tinutulugan niya dito. Napasilip ako at nakita ko ang mga gamit niya na nasa maleta pa rin. Pati nga yung madudumi niyang gamit, nakakalat eh. Kaya ayun, inayos ko.

Kaya lang, may nakita akong di kaaya-aya (itago nalang natin sa tawag na pangibaba ng mga lalake(+﹏+) ) Hindi naman iyon ang unang beses na nakakita ako ng ganun. Pero alam niyo yun?

Litrato niya ang nakaprint sa briiiief tsaka nakapout pa siya /( YoY )\

Hindi ko kinaya kaya kinagabihan ay kinausap ko siya pero ang tarantadong bakla, ito ang sinabi sakin:

"Ohmygahd! You saw it? Anong say mo? Ang cute noh!? Yun ang dinesign ko para sa project namin. Isa sa mga brilliant collection ko. You want one? Collectors item rin yun noh!"

Pasalamat siya at kaibigan ko siya. Nako lang! \(~__~)/

So ano nga ba'ng magandang gawin?

Umakyat ako at tumungo sa kwarto ko. Kinuha ko ang cellphone ko sa kama at tinignan ko kung may tawag ba ako galing sa baklitang yun.

At meron nga - text at tawag - at hindi galing kay Luke.

×

From: Jase
Aleeeeex! Labas tayo mamaya nina Bryan at Vince. :D

×

From: Cutie Chim (WTF? Sinong - Jusko. Masasapak ko 'tong lecheng 'yun! o(><;)o)

Alexuh! Samahan mo naman ako oh! Be there at 1:30pm! See you!

P.S Sa wakas at nakita mo na rin ang kagwapuhan ng pangalan ko sa cellphone mo. Hehe. v

One Infinithry Days [BOOK 1 & 2 / EXO x BTS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon