xx. OneInfinithryDays 1

11.3K 251 46
                                    

"It's choice - not chance - that determines your destiny." -Anonymous

¬

"Kyros! Dumilat ka na! Kyros!"

Dumilat ako at tinignan ang taong nanggugulo sa peace of mind na kanina lang ay meron ako.

May mga bagay talaga na bigla bigla nalang nawawala nang 'di mo namamalayan dahil times up na, kailangan nang kunin sayo.

#WhoGoat -_-

"Ano bang problema mo, Xeven?" sabi ko sabay kamot sa ulo ko.

"Pinapatawag ka. Dalian mo!" sabi niya.

Matagal rin kaming nagkatinginan pagkatapos ay..

"HOY WAG MO AKONG TALIKURAN — KYROS NAMAN! DUMILAT KA NA! MAPAPAHAMAK AKO SAYO EH!" sabi niya.

"Sabihin mong busy ako." sabi ko.

Naramdaman kong umupo siya sa tabi ng kama ko at hinawakan ako sa balikat.

"Kyros naman. Ikaw nalang ang hindi pa nagiging —"

"Wala akong oras para maging Guardian." sabi ko.

"Pero Kyros, alam nating alam mo na isa 'yun sa tungkulin natin, diba?" sabi niya.

Ilang taon na akong patay. Walang naalala sa kung sino talaga ako o ano ang kinamatay ko. Tanging pangalan ko lang ang natatandaan ko nang mapadpad ako dito. May mga bagay akong napapaginipan na sinasabi nilang nangyari sakin noong buhay pa ako.

Nakikipaglaro ng tumbang preso at nakikipaghabulan noong elementary. Masayang kumakain at nagpapalitan ng mga regalo noong pasko.

Pero wala akong napaginipan sa kung anong sanhi o kung ano ang nangyari noong huling araw ko sa mundong ibabaw.

Ang akala ng mga tao, pag namatay sila, wala na silang tungkulin na dapat gawin. Na ang dapat nalang nila paghandaan ay kung saan sila mapupunta. Langit ba o impyerno.

Pero nagkakamali sila.

Sa kaso namin, nasa in between kami. Malaki ang porsyento na mapadpad kami sa langit pero may posibilidad na mapunta kami sa impyerno.

Bilang mga kaluluwa na nasa in between, may mga tungkulin kaming kailangang gawin upang mapunta kami sa langit.

At ang pinaka-huling tungkulin namin ay ang maging Ghost Guardian — ng isang tao.

Pagkatapos namin maging Ghost Guardian ay unti-unti naming maaalala kung ano ang nangyari sa huli naming araw at kung paano o ano ang sanhi ng pagkamatay namin.

"Kyros, ikaw nalang ang hinihintay namin. Ikaw nalang. Kaya kung ako sayo, bumangon at dumilat ka na jan. Puntahan mo na si Sir Decimus at gawin mo na ang huling tungkulin mo. Please lang, Kyros. Mababatukan ako nun pag 'di mo siya napuntahan ngayon." yan ang huling sinabi ni Xeven bago siya lumabas sa kwarto ko.

Oo nga naman, nagampanan na nilang lima ang tungkulin nila bilang Ghost Guardian — at ako nalang ang hinihintay nila para makatawid na kaming anim sa langit.

¬

Nung araw rin'g iyon, tumungo ako sa office ni Sir Decimus. Siya ang punong bantay rito at siya ang laging nasusunod.

"Alexa Clariel Sandoval. 16 years old. She's been through a lot and she needs someone like you to guide her." sabi ni Sir Decimus.

"Eh 'di mag-hire nalang siya ng teacher o body guard — At hindi ko na problema kung marami siyang napagdaanan. Lahat naman ng tao may pinagdaraanan. Hindi siya espesyal at naiiba." sabi ko.

Sumandal siya sa swivel chair niya at tinignan ako. Mahaba ang pasensya ni Sir Decimus kahit alam kong dapat ay naiinis na siya sakin dahil sa inaasal ko ay kalmado pa rin ang mukha niya.

"Pasalamat ka at naiintindihan kita kundi baka nabatukan na kita, Kyros." sabi niya. "Kailangan niya ng gabay. Ng gaya mo na magbabantay sakanya 'cause this girl's —"

Umiling lang ako at tumayo. Kailangan ko nang lumabas dito at umuwi.

"Kyros, alam kong natatakot ka. Pero kailangan mong gawin ito. Tinutulungan lang kita upang makatawid ka na; para makatawid na kayong anim sa destinasyon niyo." sabi niya.

"'Di ako natatakot —"

"I know better, Kyros. Alam kong alam mo sa sarili mo na natatakot kang bumalik sa lupa. Natatakot ka —"

"Let's just get this over with. Kailan ba 'ko magsisimula?" sabi ko. Lintek, alam kong 'di titigil 'tong si Sir Decimus at nung tinignan ko siyang muli ay lalo akong nainis dahil ngising aso ang gago.

"Yay! \(^▽^)/ Atlast! Napapayag rin kita! " sabi niya na may ngiting tagumpay sa kanyang mga labi.

Nako lang talaga, Kyros -_- Wala ka nang magagawa ngayon. Face your fears!

¬

Nilibot ko ang loob ng bahay ng magiging Crantica ko.

Crantica ang tawag namin sa mga taong dapat naming bantayan.

For how long? I don't know. Si Sir Decimus lang ang makakapagsabi kung tapos na ang tungkulin namin sa lupa bilang Ghost Guardian ng isang Crantica; ng isang tao.

Nang dumating ako dito ay hindi ito ang inaasahan kong daratnan ko.

Isang madumi at magulong bahay.

Sa pagkakaalam ko, babae ang babantayan ko at hindi baboy -_-

Walang mga picture frame na nakasabit. Tumungo ako sa ikalawang palapag at tinignan ang apat na kwarto na narito.

Isa sa mga kwarto ay puno ng mga gamit at dalawa sa mga kwarto ay malinis at parang walang gumagamit.

At ang huling kwarto..

Well I assume that this room belongs to her.

Gaya nang nasa ibaba, magulo rin ang kwarto'ng 'to. Double ang kalat dito; wala ring picture frames dito.

I still haven't seen her face yet. Sir Decimus won't even tell me how long will I guard this girl, whoever she may be. Kaya naman medyo curious ako.

Curious ako sa kung sino ba talaga 'tong babaeng 'to at kung bakit ganito siya ka-baboy -_-

6:56pm na nang may narinig akong nagbukas ng main door galing sa baba.

Ako, bilang isang curious na kaluluwa na pinilit nilang maging Guardian ay tumagos sa mga dingding at tinignan kung sino nga ba 'tong Alexa Clariel Sandoval na babantayan ko for God knows how long.

Umuulan sa labas kaya naman naabutan ko siyang basang basa. Tumungo siya sa may kusina at pumasok sa loob ng cr.

Still, 'di ko pa rin nakikita ang mukha niya.

Sumandal ako sa may kitchen table at hinintay siyang lumabas nang may narinig ako.

Kahit malakas ang ulan sa labas at kahit medyo nandididri ako sa kababuyan (dahil burara siya at madumi ang kwarto ag buong bahay niya) ng babae'ng 'to..

Hindi ko maiwasan ang 'di mag-alala..

Lalo na ng marinig ko siyang umiiyak galing sa loob ng cr.

One Infinithry Days [BOOK 1 & 2 / EXO x BTS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon