xx. OneInfinithryDays 27

3.1K 87 6
                                    

"I have learned now that while those who speak about one's miseries usually hurt, those who keep silence hurt more." -C.S. Lewis

¬

3rd Person POV

"Good afternoon po, Tita Mara." sabi ni Alexa sa nanay ni Callum nang makapasok sila sa loob ng bahay ng binata. 4:59pm na nang makarating sila dito.

Nanghihina pa rin si Callum kaya naisipan ni Alexa na ihatid nalang ito sa bahay. Sasamahan pa sana sila ng tatlo kaya lang hanggang 10pm sila sa Café at maraming tao silang kailangan i-accomodate dahil bukas ang Festival para sa mga outsiders tuwing gabi. Tsaka, dagsaan ang customers bago sila makaalis kaya wala silang nagawa.

"Oh, Alex! Anong nangyari sakanya?" nag-aalalang tanong ng nanay ni Callum. Nung una palang, Alex na ang tawag nito kay Alexa.

"Ah kasi Tita, nabinat eh. May sakit pero nag-pumilit pa rin. Kilala niyo naman 'tong anak ninyo. Sobrang tigas ng ulo." sabi ni Alexa sabay higa kay Callum sa sofa dahil medyo nabigatan na rin siya sa kaka-akay dito.

"Nako ang taas ng lagnat niya!" sabi ng nanay ni Callum. "Teka, kukuha lang ako ng gamot — Manang! Pwede bang pakidala si Callum sa kwarto niya?" utos nito sa kasambahay nila.

¬

"A—asan ako?" yan ang unang sinabi ni Callum nang gumising siya at nasa tabi ng kama niya si Alexa; naka-upo at naka-halukipkip.

"Sa impyerno dahil 'sing tigas ng bato yang ulo mo." sabi ni Alexa. Umayos siya ng upo at hinipo ang ulo ni Callum. "Kita mo na? Lalong lumala yang sakit mo."

"Alex naman eh.." pinilit ni Callum tumayo pero tulad kanina, nagdidiliryo pa rin siya, medyo malala nga lang ngayon. Hinilot niya ang noo niya at humiga ulit.

"Tss." kinuha ni Alexa ang corn soup na niluto niya para sa kaibigan. Binilin na ng nanay nito si Callum sakanya dahil may dinner meeting ito ngayong gabi.

Tinulungan ni Alexa si Callum na makasandal sa head board ng kama nito.

"Wow. Ang sweet naman ng nurse ko, sinusubuan pa 'ko — Aray! Grabe ka naman! Wala kang pinipiling panahon para saktan ako noh?" sabi ni Callum.

"Shut up and just eat at baka i-buhos ko 'to jan sa bunganga mo."

Sinubuan ni Alexa si Callum hanggang sa maubos ang laman ng mangkok. Kinuha ni Alexa ang thermometer sa side table to check kung bumaba na ba ang lagnat nito.

"7:30pm na; umuwi ka na, Alex." sabi ni Callum. Tinaasan nanaman siya ng kilay ni Alexa.

"What? Concern lang ako sayo. Malayo 'to sa bahay niyo at hindi kita maihahatid dahil baka mabangga tayo. Tsaka hindi ko rin mauutusan sina Noah na sunduin ka dito dahil hassle para sakanila dahil traffic ang daan ngayon papunta dito galing sa eskwelahan. Kaya habang maaga pa, umuwi ka na." sabi ni Callum. Pero hindi nagbago ang blanko'ng ekspresyon sa mukha ni Alexa. Nakahalukipkip pa rin siya at nakataas pa rin ang kilay.

"Alex — You're creeping me out! Stop staring!" sabi ni Callum sabay talukbong ng kumot sa mukha nito. Kung pwede lang, pinagtawanan na siya ngayon ni Alexa dahil sa childish acts nito, pero hinde dahil naiinis pa rin siya; pabaya kasi eh, ayan tuloy, bumalik ang lagnat niya.

"Why did you stop calling me, Alexa?" unti-unting sinilip ni Callum ang kaibigan.

"Huh?" sabi ni Callum.

"Para kang abnormal. Hindi ako multo kaya wag kang magpaka-bata jan." sabi ni Alexa. "I was just asking you — Why did you stop calling me Alexa?"

He tilted his head and stared at her.

"Because you told me so. Because I don't want you to be mad at me." sabi ni Callum.

One Infinithry Days [BOOK 1 & 2 / EXO x BTS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon