xx. OneInfinithryDays 11

4K 142 20
                                    

Author's note:

Comments, where art thou? :(

¬

"A smile is a curve that sets everything straight." -Phyllis Diller

¬

"Ano? Magiging tutor ka ni Alex?!" sabi ni Nigel. Nang sabihin ko sakanila nung nakaraan ang dahilan ni Alexa sa kung bakit niya ako tinadyakan at sinuntok ay sinanay na nila ang sarili nila na tawagin siyang Alex; Kahit 'di pa sila pormal na nagkakilala dahil nga sa tuwing kausap namin sina Callum, wala siya. Iniiwasan niya ako.

"Oo." sabi ko. Kakatapos lang ng last subject namin para sa araw na 'to. Medyo maaga kami dinismiss dahil may pupuntahan pa raw si Maam Delos Reyes, teacher namin sa Economics. "At kasalanan yun ni Kris."

Nasabi ni Maam Hernandez kanina na dapat raw ay si Kris ang magiging tutor ni Alexa, kaya lang, gumawa ng excuse 'tong si Kris at sinabing mas mataas naman raw ako kaysa sakanya sa mga quizzes, long exams at recitation kaya ako nalang raw ang gawing tutor. Tsaka, busy raw siya.

Wala rin naman nagawa si Maam Hernandez.

Ang tuso talaga nitong si Kris eh -_- Busy? Sa pagkaka-alam ko, puro kain at tulog lang naman ang ginagawa niya sa bahay. Tss.

"Syempre. Dapat ikaw ang tutor niya dahil ikaw ang guardian niya." sabi ni Kris. Nginitian niya ako. "Ayaw mo nun? Friends na kayo?"

I snorted and placed my bag on my right shoulder.

"Tara na. Umuwi na tayo dahil may date pa 'tong si Kyros." sabi ni Kris sabay akbay sakin. Sinikuhan ko naman siya agad.

"Date? Pwede ba, Kris? Hindi ko siya type at isa pa napaka-burara niya tsaka —" sabi ko.

"Uyyyyu! Defensive!" tukso ni Raz. Tinapunan ko siya ng libro. Swerte lang niya at nakailag siya -_- Tumatawa'ng sumunod at nagpaalam naman sina Nigel, Xeven at Sterp sabay sabi ng 'goodluck'. Mga siraulo talaga.

Tinapik naman ako sa balikat ni Kris. Nandito pa pala siya? "It's time for you to get to know her, Kyros." sabi niya. "Text mo lang kami kung uuwi ka o dun ka magpapalipas ng gabi. Bye!" sabi niya sabay kindat sakin.

-_- Mga malisyosooooooooo! Siraulo!

¬

Nakasandal ako sa poste sa hallway; sa tapat lang ng classroom nina Alexa (na nasa tabi lang ng room namin)

7 minutes na ako naghihintay dito nang idismiss na sila ng teacher nila.

Nakita ko siyang nakikipag-tawanan kasama nina Luke, Callum, Noah at Josh.

Nang makalabas sila ay una akong nakita ni Callum.

"Oh, Kyros!" sabi niya. "Balita ko, okay na kayo nitong si Alex ah?"

Tumango lang ako. Pagkatapos ay nagkatinginan kaming dalawa ni Alexa.

Naikwento niya pala?

Bah malamang, Kyros! Kaibigan niya eh -_-

"Balita ko rin, ikaw raw ang magtututor dito kay Alex." sabi ni Noah sabay akbang kay Alexa. "Basta, wag mo lang babanggitin ang forbidden word kung ayaw mong mamaga ulit yang pisngi mo." natawa silang apat. Sinikuhan lang siya ni Alexa.

"Oh ano? Tara na?" sabi ko. Mukhang nagulat naman si Alexa na para bang hindi niya alam na hinintay ko siya sa labas ng room nila para sabay kami pumunta sa bahay niya.

Tanga, Kyros. Hindi niya talaga alam dahil wala kang sinabing hihintayin mo siya at sabay kayong pupunta sa bahay niya at hindi mo rin alam kung ba't hinintay mo siya ng pitong minuto sa labas ng classroom nila -_-

One Infinithry Days [BOOK 1 & 2 / EXO x BTS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon