xx. OneInfinithryDays 76

1.9K 71 23
                                    

Author's Note:
Mygaaad! Super sabaw ng update na 'to ;-; I cry~ sorry kung ito lang tapos inabot ako ng 1 month bago mag-update. Mygaaad! Nasstress ako :(( Sorry po talaga. Babawi ako! Peksman!

Hindi ako nakapag-update dahil nasira po phone ko. Tinatamad rin naman ako magtype gamit ang laptop dahil hindi ako sanay. Pasensya na po talaga kayo ;-;

Pagtyagaan niyo po sana ito.

P.S Yoona as Carlie Donatella Careon
-
3rd Person's POV

Nakapag-speech na ang lahat ng nasa 18 candles ni Alexa. Kasalukuyang nagdi-dinner na ang mga guests. Si Alexa naman ay pinupuntahan ang mga ito at binabati. She even took pictures with some of her relatives.

Nagtatable hopping si Alexa (taking photos with the people sa isang table) nang napatingin siya sa table nina Jase kung saan nakaupo rin si Lara at nagtama ang mga mata nila.

Hindi pa rin talaga makapaniwala si Alexa na andito si Lara. Kahit di niya alam kung paano nalaman ni Lara dahil talagang hindi ito na-contact ni Alexa. Kahit ano pang dahilan nito kung ba't ito nawala o kung saan siya nagpunta ay hindi na importante sakanya. Ang mahalaga ay nakarating ito.

Kahit manlang siya, andito.

Nang pagkatapos kumuha ng litrato ang photographer sa kabilang table ay agad na tumungo si Alexa sa table ng kanyang mga kaibigan.

"So how's the food?" Sabi ni Alexa.

"Pwede bang magbalot? Ang sarap nitong cream puffs eh!" Sabi ni Sparke.

"Wag ka nga! Patay gutom ka talaga-" natigilan si Maddie dahil mukhang ngayon lang niya narealize na binara niya si Sparke.

Spell awkward?

Napatakip si Maddie ng bibig habang si Sparke naman ay nagulat sa sinabi ng dating kasintahan.

Sanay nga naman sila magbarahan. Maybe it really just slipped. Nasanay eh. Tsaka ngayon nalang sila ulit nagsama sa iisang table kasama ang mga kaibigan nila.

"Hala! Ang cute niyo namang magbangayan! Kayo ba?" Sabi ni Lara na nakapalagayan na rin ng loob ng mga kaibigan ni Alexa. Madali kasing pakisamahan si Lara eh. Ang friendly na, ang ganda pa. No wonder hindi maalis ni Bryan (na nasa tabi lang ni Lara) ang tingin nito dito.

"Ah - Eh.." (Maddie)

Tinignan ni Alexa si Sparke. Ramdam na ramdam nila ang tension. Syempre bukod kay Lara.

"Hindi na kami." Sabi ni Sparke.

"Omg. Why? What went wrong? Bagay na bagay pa naman kayo!" Sabi ni Lara.

Huminga ng malalim si Maddie at sumubo ng isang cream puff. "May mga bagay lang na hindi nagwoworkout sa dalawang taong akala ng iba ay bagay sa isa't isa." Sabi nito.

Nagkatinginan ang iba pa nilang mga kaibigan habang si Lara naman ay mukhang walang balak tumigil sa kakatanong sa dalawa. She's a Healer afterall at sideline ng mga healer ang ayusin ang conflicts sa pagitan ng dalawang tao (preferably yung nagmamahalan)

"Ay ganun? Ba't hindi? Kung mahal niyo ang isa't isa, gagawin niyo pareho ang lahat para mag-workout lang yung relasyon. The battle's between the two of you versus the challenges thrown at you." Sabi ni Lara.

"Ah eh, Lara - " (Alexa)

"Siguro hindi sapat yung pagmamahal lang." Seryosong sabi ni Sparke. "Tsaka may bago na siya."

Napatingin si Maddie kay Sparke at tinaasan ng kilay ang binata. "At may bago na rin siya. Malandi siya eh." Sabi ni Maddie.

Nabitawan ni Sparke ang kubyertos a hawak at tinignan si Maddie. "Excuse me? Ako? Malandi? Hoy! Kahit kailan, 'di sumagi sa isip ko ang tumingin sa ibang babae o lumandi!" Sabi ni Sparke. "Well, isang beses.."

One Infinithry Days [BOOK 1 & 2 / EXO x BTS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon