xx. OneInfinithryDays 67

1.7K 68 10
                                    

Author's Note:

#Sabaw #WalangKwentangUpdate ; ^ ; Sorry :( bawi ako next time :(

Dedicated kay FindMy_Heart. Thank youuuuuu sa patuloy na pagsupport mo dito! ♡ :* xx

-

"Our goal should be to understand our differences." -James Watson.

-

Unfortunately, wala kaming nakuhang impormasyon mula kay Margo. Hindi kami nakatyempo para matanong sakanya kung ano ang problema (para hindi siya mabigla) kaya naman tinanong ko agad. Walang kyeme. Nakakapagod maghintay at bumuwelo. Pero wala akong nakuhang matinong sagot.

Pareho sila ng kapatid niya. Parehong hindi matino (mas okay na version nga lang si Margo) ╮(︶︿︶)╭

Si Maddie at Sparke naman, nagsigawan at nag-away nanaman nang makabalik kami sa bahay nila kanina.

Kaya ang ending? Nag-break sila. For real. Sa mismong harap namin ni Chim at Pierce.

Medyo intense ang sagutan at sigawan nila (makikita naman na they don't mean what they say pero masyadong emosyonal ang dalawa) at 'di malabong nauwi sa ganun ang lahat. Gusto ko ngang sapakin si Sparke dahil sa ginawa niya pero pinigilan ako ni Pierce. Wag raw ako makialam -___- blah blah blah.

Umiiyak na umalis si Maddie sabay sakay sa taxi nang dumating ang mga magulang nila Sparke at Margo. 'Di ko alam kung anong gagawin nila kapag naabutan nila ang eksena ng dalawa.

Umalis na rin kami pagkatapos nun. Hinatid namin si Chim sa bahay nila (bukas nalang raw niya dadaanan ang kotse niya dun sa bahay ko dahil pagod siya. Buong maghapon silang naglaro ng basketball.)

Traffic at pareho kaming tahimik ni Pierce. Kanina pa niya ako 'di kinikibo. Ewan ko ba sa gagong 'to. Ang moody! Biglang usap at biglang irap. Leche. Bakla siguro 'to.

"So what happened?" Sabi ni Pierce. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Wow. Kanina mo pa ako kasama dito tapos ngayon mo lang itatanong?" Sabi ko.

"Ayokong kausapin ka kanina dahil inubos mo ang cadbury jan sa compartment." Sabi niya.

ABA'T! SO SINASABI NIYANG MATAKAW AKO? ABAH! (≧0≦) BUTI SANA KUNG AKO LANG ANG UMUBOS NUN! BINIGYAN KO RIN KAYA SINA MARGO KANINA! TIG-IISA SILA NI MADDIE!

"So anong nangyari?" Sabi niya.

CHISMOSO! URGH!

"It's none of your business!" Buwiset siya. May ganun pa siyang nalalaman?! Hindi ako kakausapin dahil lang sa inubos ko ang cadbury niya?! Aba't! Lintek na lalakeng 'to! Bukas na bukas, dadaan ako sa mall at bibilhan ko siya ng isang sako ng cadbury! ヽ(#'Д')ノ

"Walang nangyari noh?" Sabi niya.

I sighed. Anong sa tingin niya? Hindi pa ba obvious?! Sabagay, nang dumating kami kanina ay agad na nagsimula ang away nina Maddie at Sparke kaya hindi na namin napagusapan kung anong nangyari.

"Wala. Wala siyang matinong sagot." Sabi ko. "She'll come around. Magbabago rin ang isip niya."

Umusad na ng kaunti ang sasakyan pero wala pa rin. Malayo pa rin kami sa bahay ko. Lintek na buhay 'to. Gutom na ako!

"Well, siguradong may dahilan siya. Hindi naman abnormal ang isang tao para maisipang mamatay nalang kaysa gumaling." Sabi niya.

"Kahit ano pa ang rason niya, napakababaw nun para maisip niyang sayangin ang buhay niya." Sabi ko.

"Yeah. You're right." Sabi niya. "Pero minsan, mas okay kung mawala nalang kaysa mabuhay nang walang dahilan."

Nilingunan ko siya pero diretso lang ang tingin niya sa kalsada. Anong pinagsasabi niya?

One Infinithry Days [BOOK 1 & 2 / EXO x BTS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon