Chapter 41: Proposal

36 1 0
                                    

May business meeting kami kasama ang Elleison Family dito sa isang private restaurant. Walang ibang tao maliban saming mag anak.

Inimbitahan kasi kami ng mama ni Seon na magkakaroon daw ng isang business meeting ngayong gabi. Kung ano man ang tungkol sa pag-uusap na ito ay wala pa akong ideya.

Ilang minuto lang ang paghihintay namin nang dumating na nga sila.

Shit. Bakit ako kinakabahan? Actually bago pa kami pumunta dito ay talagang hindi na ako mapakali. Nagpapanic ang buong sistema ko. Hindi mapanatag ang loob ko. Ang lakas lakas ng tibok ng puso ko. Para akong nasusuka na natatae hayst ewan diko talaga ma explain kung ano itong nararamdaman ko ngayon.

Relax kalang Akira ano ba? Business meeting lang naman ito diba? Para na akong sira-ulo dito sa kinauupuan ko.

Hinawakan ni mama ang kaliwang kamay ko at pinisil iyon. Naramdaman din siguro niya ang nerbyus ko sa paparating na pamilya. Napainom nalang tuloy ako ng tubig.

Tumayo kaming tatlo para salubongin sina Seon kasama ang mommy at daddy niya.

Ang ganda naman ni Ms. Sunny sa suot nitong Puff Sleep square neck slim long red dress na pinarisan ng Gianvito Rossi metallic gold tone high heels. Ang elegante talaga niyang tingnan. Nakasuot naman sina Seon at Mr. Ellias ng Formal black suit blazer. Kung titingnan mo silang tatlo para lang sila magkakapatid. Hmm. Manang-mana talaga ang kumag nato sa Daddy niya. Nakakainis kasi itong si Seon masyadong gwapo di ko tuloy maiwasan ang mangamba sa tuwing may mapapatingin sa kanya. Gustong-gusto ko siyang ipagdamot sa iba kaya lang baka isipin niya na napaka obsessed ko sa kanya (which is half true).

Nang makalapit na sila samin ay kaagad na sinalubong ni papa ng shakehands si Mr. Elias at Seon ganun din kay Ms. Sunny. Nakipagbeso naman si Mama kay Ms. Sunny at ngitian ang mga ito. Habang ako ay nagulat sa ginawang pagyakap sakin ni Ms. Sunny. Ngumiti nalang ako ng alanganin sa kanila habang hindi ko parin matingnan ng deritso si Seon kasi nahihiya ako. Ano bayan ngayon pa ako nagkakaganto samantalang halos magkasama naman kami sa Condo niya dati pa. Behave ka nga self! Napakarupok mo talagang babae ka.

Sabay sabay na kaming pumwesto at humarap sa nakahandang lamesa para ngayong gabi. Tumabi sakin si Seon at hinawakan ako ng palihim sa may bewang kaya napasinghap ako sa gulat. Shit. Para akong nakukuryente. Oh God! What is he doing? Baka may makakita samin. Jusko! Ang landi talaga ng lalaking to. Baka hindi ko mapigil ang sarili ko!

Inilapit niya ang kanyang bibig saking tenga at sabay bumulong.

'' You're such a beautiful princess tonight My love ''

Namula ako sa sinabi niyang iyon at kumabog ng husto ang aking puso.

Siniko ko siya kasi baka makahalata ang mga magulang namin at baka ano pa ang isipin ng mga iyon. Nakakahiya.

Narinig ko lang siya na tumawa ng mahina at kinuha ang kanang kamay ko tsaka pinagsaklop sa kaliwa niyang kamay na nakatago sa ilalim ng lamesa.

'' Sana ay hindi pa huli para magkabati tayo Lilly? '' pasimula ni Ms sunny.

Lahat kami ay napatingin sa Ginang.

'' Wag mo nga akong tawaging Lilly? Di naman tayo ganun ka close para tawagin ako sa ganyang pangalan '' alam kong nagbibiro lamang si mama para hindi mawala ang katarayan niya.

This past few days ay nakita ko ang pagbabago niya. Kung dati ay hindi niya ako matingnan saking mga mata at hindi niya ako inaalagan. Ngayon ay halos oras-oras na niya akong kinakamusta at niyayakap. Ang sarap sa pakiramdam ng makita at maramdaman mo na may isang ina na handang magbago para sayo.

'' Remember? Ikaw nagpangalan sakin ng Sunny. Aba! Tabla lang tayo ano! Lilly at sunny! Tapos Kenjie and Elias? '' payahag naman ni Ms. Sunny tsaka tumungga ng wine.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 03, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Hidden Princess [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon